C a p i t o l o 3

Start from the beginning
                                        

"Partly true, pero hindi naman kayo ang ipinunta ko rito. Ang totoo n'yan ay hinahanap ko si Ludovic Luciano." Nagkatinginan iyong dalawa na nasa harap ko pero mukhang wala silang plano na makinig sa sinasabi ko.

Nang masiguro naman n'ong isa na nailagay na niya ng maayos ang posas, e, pumwesto na rin siya sa harap ko.

"Si Capo Ludovic Luciano ba ang tinutukoy mo? Kaano-ano ka niya?" tanong n'ong isa.

"Secret," nakangising sagot ko. Nagkatinginan silang tatlo. Expected ko na rin naman na hindi kaagad sila maniniwala sa akin. Kaya hindi na ako nagulat no'ng parang may pag-aalinlangan sa mga mata nila kaya nagsalita na lang ulit ako.

"Hindi ko lang sure kung ano gagawin niya sa inyo kapag nalaman niyang tini-trip n'yo ang bisita niya, ha. Ayoko na lang mag-talk, basta sigurado akong hindi siya matutuwa kapag nalaman niya," dagdag ko pa.

"Bakit mo hinahanap si Capo?" tanong ng isang lalaki na ngayon ay naglalakad palapit sa amin.

Tiningnan ko naman siya mula ulo hanggang paa. Kumpara sa tatlong itlog na nasa harap ko, di hamak na mas mukhang kagalang-galang ang isang 'to.

At nakasisiguro ako na kapag nagkamali ako ng sagot sa kanya ay hindi na ako pakakawalan ng mga 'to.

"Hindi mo na kailangang malaman pa," diretsong sagot ko at saka inalis ang tingin sa kanya at ibinalik ang tingin doon sa tatlong lalaki.

Naaninag ko sa gilid ng mga mata ko na sinulyapan niya ang posas ko sa likod. "Alisin n'yo na 'yan, dadalhin ko siya kay Boss," utos niya roon sa tatlo kaya ako na mismo ang nag-alis ng mga posas ko at saka iniabot sa isang lalaki.

"Papaanong—" May pagtatakha sa mukha nilang tatlo pero mas lalo silang nagtaka nang sunod kong iniabot sa kanya iyong susi ng posas. "Thanks!" sabi ko pa sabay kindat sa kanilang tatlo.

"Sumunod ka sa 'kin," utos naman n'ong lalaki na mukhang matino.

Muli kong itinaas ang hood ng cloak ko at sumunod sa kanya. Totoo ngang malaki ang Luciano Famiglia dahil ang dami naming nakakasalubong habang naglalakad na mga tauhan nila.

We did not speak a single word until we entered the elevator. Pinindot niya ang B13 kaya naghintay lang ako, s'yempre wala pa rin akong imik. Ang totoo niyan kanina ko pa rin talaga gustong magsalita, kaso ayokong makahalata siya na wala akong alam kung sino si Ludovic Luciano kaya mas mabuti na lang na manahimik muna ako kesa mag-open ng topic.

Pagbukas ng elevator ay sumalubong sa amin ang iba't ibang lalaki na abala sa pag eensayo. May nag-i-sparring, may nag-e-ensayo sa target shooting, there are also men who are working on their knife-throwing skills, at kung anu-ano pa. Pero lahat sila ay kakikitaan mo ng ka-seryosohan sa ginagawa.

If I were to make a comparison between the members of this group and those who are part of ours, it would be obvious that the members of this group are better, dahil na rin sa paraan nila ng pag-e-ensayo.

Akala ko nandito na sa parang gym ang hinahanap ko pero hindi pala, dahil dinaanan lang namin ang mga ito at lumabas sa kabilang pinto.

We made our way down another long corridor. Jusko parang wala naman 'tong katapusan. Hindi ko in-expect kanina na ganito pala kalaki ang loob ng Luciano Famiglia, okay scratch that, in-expect ko na malaki dahil malaki iyong building pero hindi ko in-expect na sobrang laki pala!

Pinagmasdan ko ang nilalakaran namin. There were several doors, and I had no idea where any of them led until we arrived at the two large doors.

Siguro naman ito na 'yon 'di ba?

Pero s'yempre, hindi pa rin. Dahil pagpasok namin isang malaki at magarang hall ang sumalubong sa amin. Tanaw mula rito ang dalawang malaking hagdan na animo'y hagdan sa mga palasyo dahil with red carpet pa.

C A P O D E C I N AWhere stories live. Discover now