Chapter 19

112 4 0
                                    


***

"Yieeee! Ganda namern ng soon to be Queen ng Bridgette Silvers oh! Happy Birthday, our girl, Iris!" Napatawa ako sa sinabi ni Krezella.

Suot ko ngayon ang gown na kulay pink na ang tela ay mula pa sa aking ina noong huli siyang bawian ng buhay. Ito ang hawak-hawak niya sa mga bisig niya noong sinaksak siya ng mga bandido sa karwahe.

"Happy Birthday, girl!" Niyakap ako ni Amora at niyakap ko rin siya pabalik.

"Maligayang kaarawan, mahal na prinsesa." Nakangiting saad ni Facio.

Nginitian ko rin ito at nag-pasalamat.

Hinila ko naman sina Krezella at Amora at binulungan. "Tulungan niyo ako sa irerecord kong kanta sa kasal namin ng aking Hari. Kailangan makita natin siyang umiyak sa kasal namin 'no!" Ani ko at napatawa sila.

"Sure! Go kami d'yan!"

"Yah! Oo nga, may pagkanta pang nalalaman, sweet naman!"

Tinukso-tukso na ako ng dalawa at nag-simula na kaming mag-kwentuhan.

Mayamaya lang ay may humawak sa bewang ko at hinalikan ako sa aking pisngi. "Happiest Birthday, my Luna." Narinig ko ang kaniyang boses at awtomatikong iniyakap ko ang mga kamay ko pa-ikot sa kaniyang katawan.

"Owww! Ayan na pala ang Hari ni Iris girl! Yieeee!" Inaasar na ako ngayon nina Krezella at Amora. Nakikita ko ring nakikisabay sa kanila si Facio.

Mga loka talaga!

Tumawa ako at mas lalong hinapit papalapit sa akin si West.

"Bakit ang tagal mo?" Nakanguso kong saad sa kaniya kaya't napatawa siya.

"Don't seduce me like that my Luna. I have a surprise for you, come with me." He whispered to my ears.

Tuluyan niya akong dinala sa karwahe niya at mukhang hindi naman kami napansin ng mga kaibigan ko.

"Saan tayo pupunta?" Taka kong tanong.

He pinched my cheeks. "Silly, I just said that's it's a surprise." Napangiti na lang ako at hinawakan din ang pisngi niya.

Pinisa ko ng malakas ang pisngi niya at pinaglaruan ito.

"Aww! Ouch, my Luna. It hurts." Ngiwi niya kaya't natatawa ko siyang binitawan.

"I noticed that you are so happy playing with my cheeks. Then, here. Pinched me again so I can see your heartwarming smile again." Ngumiti siya at inilapit ang pisngi niya sa akin.

Tinapik-tapik niya pa ito.

Nang hindi ako gumalaw ay kinuha niya na ang mga kamay ko at siya na ang nag-pisa dito mag-isa.

Kaya't sobra na naman ang pagtawa ko sa kaniya at pinaglaruan ko na lang ang pisngi niya.

"Tara na nga at sa kung saang lupalop mo pa ako dadalhin!" Natatawa ko pa ring saad at saka niya ako inalalayan papasok ng kaniyang magarbong karwahe.

Nakayakap lang kaming dalawa sa isa't-isa habang nasa loob ng karwahe. Minsan naman ay nagtititigan kami at mayamaya lang ay bigla na lang kami na parang tangang tatawa na dalawa. Pa-ulit-ulit kaming ganoon kaya't halos sumakit na ang tiyan ko kakatawa.

"We're here, my Luna." Natigil lang kami sa pagtawa nang makarating na kami sa sinasabi niyang surprise niya sa akin. Nakita kong may bakas pa ng mga ngiti ang kaniyang mga labi nang dahil sa nangyari kanina.

Nag-taka ako nang makitang nasa harapan kami ng isang malaking ospital. Anong ginagawa namin dito?

"A-Anong meron?" Naguguluhan kong tanong.

Hinawakan niya bigla ang aking mga kamay. "Someone gave me this book while I was a kid," Iniangat niya bigla ang librong hindi ko alam kung saan nanggaling.

Nanlaki ang mga mata ko nang makitang iyon ang libro na binabasa ko noong nabubuhay pa ako bilang Siri. Ang librong hawak niya ay ang history ng buong Pilipinas dati.

"P-Paanong?" Gulat na gulat kong tanong.

He smiled at me. "I've always knew that you are not Iris. You are Siri, and always gonna be my Luna. During the birthday of Queen Estella, your mother. I saw you there cluelessly sitting beside your parents. And from your eyes, I knew that you are not familiar with the place you are in. And I saw the moons light, shining through your face. It was like a resemblance of you and the moon. I'm the only one who can see it. And I even thought that I was crazy. And from there, I knew that you are my Luna," he caressed my face and he continued to speak, "I've read this book during my childhood days and I don't really understand it at all. Then until, you came."

Hindi ako makapaniwalang nakatingin sa kaniya ngayon. "I also know your past life. You wanted to be a nurse, right? Then let's together fulfill your dream, my Luna. You will be the head nurse and I will be your assistant nurse for only tonight. I want you to fulfill your dream just this one night together with me. That is my surprise for you."

Napa-iyak na lang ako at niyakap siya ng mahigpit. Hindi ko akalain na alam niya ang ka-isa-isang sikretong itinatago ko simula nang mapunta ako sa katawan na ito.

"I love you for who you are, my Luna."

***

Iris LunaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon