Chapter 9

183 5 0
                                    


***

Inis na inis akong bumangon kanina nang mag-umaga na.

'Yung tatay ko talaga kahit kelan napaka!

Kasi naman...

Naisipan ba naman niyang mag pa-tea party sa palasyo namin dahil raw suggestion ng bagong Reyna.

Tsk!

Mga tsismosa lang naman ang dadalo sa tea party ko ngayon.

Nakatingin ako sa malaking salamin dito sa kwarto ko. Mukha akong inosente ngayon dahil sa yellow kong gown na may design na white flowers sa ibaba.

Ang ganda ko!

Namamangha kong pinagmasdan ang itsura ko sa salamin. Bumagay ang white at pink na buhok ko sa dress pati na rin ang mga mata kong kulay pink.

^-^

Hihihihihi!

"Princess, your tea party is starting." Nakangiting bati sa akin ni Diana at nakikita kong kumikislap ang mga mata niya habang nakatingin sa akin.

"Okay, coming!"

***

"Princess Iris Luna of Midorian!" Sigaw ng kawal habang binubuksan ang pintuan ng palasyo.

Mukhang ina-announce niya ang pagdating ko.

Tsk!

Kagagawan na naman siguro ito nung bruha. May pa-grand entrance pa pala sila dito. Napa-ikot ang mga mata ko at dahan-dahang naglakad papunta sa harapan.

Nakita ko ang mga bisita ko na mukhang mga expensive din.

Bongga ng mga kasuotan!

Umupo ako sa table ng mga kapwa Prinsesa ko na mula pa sa iba't-ibang mga kaharian. Nginitian ako ng isang kulay violet ang buhok na nasa kanan ko.

O-O

Ang ganda niya!

Napatingin rin ako sa kaliwa ko at nakitang nginitian ako ng isang may red na buhok naman.

Shocks! Ang gaganda talaga nila!

Mayamaya lang ay nagbubulungan na ang mga tao sa paligid.

"Princess Liezey of Graziel Kingdom has arrived, with her escort, Prince West of Bridgette Silvers Kingdom!"

Gulat akong napalingon sa harapan at mas lalong lumakas ang bulung-bulungan nang makita namin sila.

Naka-puting gown si Prinsesa Liezey habang si Prinsipe West ay naka-blue royal attire.

Para silang ikakasal sa hitsura nila ngayon.

Tila may kung ano na naman na tumusok sa dibdib ko.

"Ang daya ni Princess Liezey, ano? May escort pa siya, samantalang, tea party mo ito Princess Iris." Nakabusangot na sinabi ng nasa kanan ko. Siya 'yung babaeng violet ang buhok. "By the way, I'm Krezella of Harrise Kingdom." Nginitian niya ako kaya't napangiti na rin ako.

Ang cute niya at ang gaan din ng pakiramdam ko sa kaniya.

"And I'm Amora from Uzvian Kingdom." Biglang nagsalita 'yung nasa kaliwa ko at siya naman 'yung babaeng red ang buhok.

Nginitian ko sila.

"And I'm Iris Luna from Midorian Kingdom." Ani ko dahilan upang mapatawa sila.

"We know girl!" At sabay-sabay kaming nag-tawanan.

"We've heard na kakanta ka sa tea party mo ngayon, right?" Ani ni Krezella at napatango-tango na rin si Amora.

Napanguso ako.

U-U

"Hindi ko pa nga alam ang kakantahin ko eee." Napapakamot batok kong saad at nginitian sila ng alanganin.

"It's okay, 'yung type mo lang na kanta ang kantahin mo. Ano ba ang nararamdaman mo ngayon? It's all about your feelings you know." Ani naman ni Amora kaya't napatingin ako kay Prinsipe West sa katabi naming table.

Gulat akong napatingin sa kaniya nang magtama ang aming paningin. Seryoso lang ang mukha nito at hindi umiiwas sa titigan namin.

Ako na ang unang bumawi sa aming titigan at sumakit na naman ang puso ko dahil katabi niya lang si Liezey.

Ito ang nararamdaman ko.

Nagseselos ako.

Pero bakit?

"Princess Iris has a song for us, right princess?"

Nagulat ako nang tinawag ako ng announcer sa harapan ng palasyo. Nakalagay na pala doon ang piano at may microphone na nakapatong dito.

Napatayo ako at agad na nagpaalam kila Krezella at Amora. Chini-cheer pa ako ng dalawa habang papalapit ako sa entablado ng palasyo.

Nakayuko lang ako habang umuupo sa harapan ng piano. Nang ini-angat ko ang aking paningin ay diretso kong tinignan si Prince West dahil tungkol sa nararamdaman ko para sa kaniya ang kakantahin ko.

*Now Playing*

Nahuhulog Sa 'Yo by Gabbi Garcia~

I started playing the piano while my eyes never leave Prince West's eyes.

I sighed then started singing.

Tuwing tititigan mo~
Parang natutunaw ako~
Hindi mapakali, nanlalamig~

Pag nasa yong' tabi~

Ngunit tuwing kausap ka~
Wala namang nasasabi~
Nauutal, parang sinasakal~
Biglang napipipi~

Hindi normal, sa akin ang gan'to~
Ngunit ang, nadarama'y gusto~

Hindi ko alam ano ba 'to?
Tila nahuhulog sa'yo~
Bakit lumulukso ang puso ko~

Kapag nariyan kana~
Hindi ko alam kung bakit ba~
Lagi nalang mayroong kaba~
Sa tuwing kausap ka'y nanginginig~
Ang tawag nga ba rito'y pag-ibig~

I saw him surprised while I'm singing the song. Na-realized ko kasi na this past few days, iba na ang kinikilos ko at palagi ko siyang naiisip.

Siguro nga, pag-ibig na ito...

Tila nahuhulog na ako sa'yo, Prinsipe West.

***

Iris LunaWhere stories live. Discover now