Chapter 18

212 5 0
                                    


***

Wala akong gana habang nakaupo sa tabi nina Krezella at Amora. Halata mo rin sa mga mukha nila na nabuburyo sila.

Nandito na naman kami sa kaharian ng Bridgette Silvers dahil sa gaganapin na kasalan ng Prinsipe. Sa totoo lang ay hindi ko naman talaga kailangan na pumunta rito dahil nasasaktan lang ako. Pero sinadya yata ni Liezey na ipadala ang imbitasyon para sa kasal nila ng Prinsipe.

"Gosh! I really hate that Liezey girl!" Iritang sambit ni Krezella habang pinapanood namin na naglalakad ito patungo sa Prinsipe ko.

Naka-gray na royal attire ito at sobrang lamig ng tingin niya kay Liezey. Hindi ko alam kung nagagalak ba siya niyan o masama ang pakiramdam niya?

Napa-iwas na lang ako ng tingin nang maglahad ang Prinsipe ko ng kamay kay Liezey. Agad nitong tinanggap ang kamay ng Prinsipe at ngumiti.

"Do you, Princess Liezey of Graziel Kingdom, take Prince West of Bridgette Silvers Kingdom, to be your husband?" Ani ng pari.

"Yes, I do." Sagot ni Liezey.

Nararamdaman kong malapit nang tumulo ang luha sa aking mga mata.

Wala na ba talaga akong magagawa?

"Do you, Prince West of Bridgette Silvers, Kingdom take Princess Liezey of Graziel Kingdom, to be your wife?" Baling naman ng pari kay Prinsipe West.

Parang ayoko nang marinig pa ang mga susunod niyang sasabihin.

"No, I don't." The Prince coldly said.

Napasinghap ang lahat ng mga tao sa loob ng simbahan at hinawakan ako nila Krezella at Amora.

"Omygosh, girl! Tingin ko ipaglalaban ka niya!" Kinikilig na sabi ni Krezella.

"Tch! Tae niya 'no! Pagkatapos niyang saktan ang girl Iris natin? No way!" Nakasimangot na saad naman ni Amora.

Parang umurong ang lahat ng mga luha ko nang marinig ang sinabi niya.

"ITIGIL ANG KASAL!"

Biglang bumukas ang pintuan ng simbahan at nagsigawan ang mga nobles sa loob. Nanlaki ang mga mata ko nang makita si ama sa gitna ng pintuan ng simbahan.

Ha? Ano bang nangyayari?!

"Anong kaguluhan ito?!" Galit na galit na sigaw ng Hari ng Bridgette Silvers.

Mas lalong nanlaki ang mga mata ko nang bigla siyang posasan ng mga gwardiya sibil na mula sa aming kaharian.

"Nandito sa scroll ang lahat ng ebidensyang kinakailangan mo para sa lahat ng krimen na iyong ginawa! Ikaw ay papatawan ng parusang kamatayan dahil sa binalak mong ipapatay ang aking nag-iisang Prinsesa!" Galit na galit din na sigaw ni ama.

Napapatakip na lang ako sa aking bibig at nakita kong lumakad rin sa gitna si Facio. "Hindi na matutuloy ang kasalan na ito! Marumi ang pamamalakad ng Hari ng Bridgette Silvers Kingdom at Graziel Kingdom!" Sigaw ni Facio at pinosasan din ang tatay ni Liezey.

Kita ko pa ang pagkahimatay ni Liezey pero kasama siyang dinala ng mga kawal papalabas.

"Hail to the new King of Bridgette Silvers Kingdom!"

"Hail to King West of Bridgette Silvers Kingdom!"

"Long live King West of Bridgette Silvers Kingdom!"

Sumaludo sa kaniya ang lahat ng mga kawal na nasa loob ng simbahan.

Halos hindi na mag-sink in sa utak ko ang lahat ng mga pangyayaring naganap.

"I, King West of Bridgette Silvers, will have the right to choose the right Queen and the one that I truly love that will sit with me on the throne," humarap ito sa direksyon ko at nag-singhapan na sina Krezella at Amora pati ang iba pang mga nobles. "Princess Iris Luna, you are the only one, right and perfect Queen who will sit beside me on the throne. You will marry me." He then declared officially our marriage.

I gasped and tears began to stream down through my cheeks.

Lumapit siya sa akin at niyakap ako ng mahigpit.

"I'm sorry for hurting you, my Luna. I know that sorry is a small word for the mistakes I've made, but the price of my actions I've heavily paid. Every second away from you is like a dagger in my heart. Punish me anyway you want to, but I can't stand being apart from you. I love you so damn much, my Luna. A hundred hearts would be too few to carry all my love for you. Words will never be enough to describe how much I love you and what you mean to me." His soft voice finally calmed me.

Akala ko, nakalimutan na niya ako.

"I love you more, my Prince, my King." I smiled and hugged him.

***


Iris LunaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon