"Hoy bata. Bakit ka naiyak?"

Sam wiped the tears from her eyes pero hindi niya mapigilan ang luha niya. Lalo lang natawa ang matabang batang babae na umupo din sa swing.

"W-Wala kang paki!"

"Paano kung may paki ako?" The chubby kid smiled again. "Ano ba kasing nangyari? Maybe I could offer comfort."

Sam looked at the stranger next to her. Should she tell what's making her cry?

"M-My mother died."

Inaasahan niya na ang awa sa mga mata nito pero kumurap kurap lang ito.

"Nasa heaven na pala ang Mom mo eh. Bakit ka malulungkot para sa kanya?"

"Oo nga. Para kang tanga noon, Cha. You told me to feel happy dahil nasa heaven na ang Mom ko. Natawa talaga ako sayo nun. Thank you for making me smile that day."

Hindi niya mapigilan na ngumiti dahil kahit na naiinis siya dito dahil sa pangungulit nito noon ay hindi siguro siya makakaahon sa kalungkutan na nararamdaman niya nang mawala ang Mom niya. Naalala niya din kasi na ilang beses siyang nakikipag sagutan dito na hindi lahat ng tao na namamtay ay nasa heaven. But Cha is stubborn at ipinipilit nitong lahat ng tao na mamamatay ay mapupunta sa heaven. Mas maganda daw na yun ang isipin niya kesa isipin niyang nag dudusa ang Mom niya sa hell.

It was the exact same words that she used dahil conyo din naman noon si Cha.

Cha grinned at her. "Totoo naman kasi na ganun ang paniniwala ko. Maybe because the maids told me that story about people dying and going to heaven will make them happy."

Sam shook her head. Kinabig niya ang kaibigan para yakapin. She tapped Cha's back and held on her for support. Ang luhang kanina niya pa pinipigilan ay biglang umapaw sa mga mata niya.

She was still grateful that she had a best friend like Cha.

They heard a clearing of a throat. Nakakunot ang noo na humiwalay si Sam kay Cha.

There in front of them is Amelia Montenegro holding a fruit basket looking at them with wide set of eyes. Nagpalipat lipat pa ang tingin nito sa kanila ni Cha lalo na sa kamay niyang nakapalibot pa sa bewang ng bestfriend niya.

Napakurap kurap si Sam. Anong ginagawa nito dito? Hallucination niya lang ba ito? Ganun niya ba ka-miss si Amelia para i-manifest ito sa harap niya?

Nakarating ba talaga dito ang balita tungkol sa nangyari? Kaya ba pumunta ito?

Sa naisip ay agad na sumikdo ang dibdib niya sa saya. Unti unting lumiwanag ang mukha niya but when she stared at Amelia's face ay nakita niya ang unti unti namang pag kunot ng noo nito. Bumaba din ang tingin niya sa kaliwa nitong kamay na kuyom kuyom nito.

Her best friend cleared her throat at humiwalay sa kanya.

Doon lang naisip ni Sam na mukha pala siyang tangang nakatingin dito. Napatingin siya sa bestfriend niya na may mapanuksong tingin.

She glared at Cha para magbigay ng signal na umayos ito. But Cha stood next to her at ikinawit pa nito ang braso sa braso niya.

Umayos siya ng tayo at tinitigan si Amelia. Hindi na iya nag abalang alisin ang braso ng bestfriend niya dahil sa lakas ng kabog ng dibdib niya. Hindi niya nga malaman kung anong magiging reaksiyon niya sa biglang pagpunta nito ngayon sa ospital, para dalawin ang Dad niya.

It's been a month pero heto at ganun pa rin ang epekto ni Amelia sa kanya. Ang lakas pa din ng kabog ng dibdib niya at kahit kunot ang noo nito ngayon sa kanya ay hindi niya pa rin maiwasang sumaya na andito ito ngayon.

"B-Boss. Anong ginagawa mo dito?"

Iyon ang lumabas sa bibig niya nang mahanap niya na ang boses niya para mag salita.

"I thought you need someone to comfort you dahil alam kong nag aalala ka sa kalagayan ng Dad mo. At may nagtangka pang pumatay sa kanya." Amelia arched her eyebrow. "Pero mukhang hindi na kailangan. Bumili ako ng prutas para kay Tandang Del Rio. Pakainin mo siya pag nagising."

Pagkalapag nito sa basket ng prutas ay agad itong umalis para lumabas ng kwarto ng Dad niya.

Kumunot ang noo ni Sam. Napatingin tuloy siya sa bestfriend niya nang humalakhak ito pagkalabas ni Amelia.

"Hoy nangyayari sayo?"

Doon lang niya na-realize na nakahawak pa din pala ito sa braso niya. Mr De Dios chuckled too.

"Akala ko ba matalino ka?" Mr De Dios smiled.

"Habulin mo na. Madami kang kailangang ipaliwanag." Cha smiled at her. Inalis nito ang braso sa braso niya at itinulak siya papunta sa pinto. "Sundan mo na."

Sam looked at the door and bit her lip. Kung susundan niya si Amelia ay hindi ba binabali niya ang sinabi niya dito noon na bibigyan niya ito ng dalawang buwan para makapag isip? Bakit ba kasi pinuntahan siya nito ngayon---she shook her head. It wasn't her that Amelia visited, it was her father.

Isang malaking ilusyon na isiping siya ang gusto nitong makita. Close ito sa Dad niya kaya siguro nag alala ito.

Pero bakit umalis ito agad? Bakit hindi man lang ito nag tagal? Is it possible that Amelia is jealous?

Nag seselos ito?

Nahigit ni Sam ang paghinga niya. Then before she could think any further and talked herself into stopping herself from going after Amelia. Tumakbo na siya palabas ng kwarto ng Dad niya. 

Her heart beat wildly against her ribcage.

A/N:

Double update para masaya kayo sa weekends. ^^. 

Seducing Samantha Del Rio - CompletedWhere stories live. Discover now