The Doctor sighed. "Nakita sa CCTV ang nangyari. A man with a black cap on his head entered this room."

Parang biglang lumubo ang ulo ni Sam sa narinig. Someone is trying to kill her already dying, father?! Who is that person heartless enough to do this to a dying old man?!

Naipikit niya ng mariin ang mata niya. Kasabay nun ang pag kuyom ng mahigpit ng mga kamay niya. Who ever did this to her father will pay for their crime. Umangat ang tingin niya sa nurse. Isang nagbabagang tingin ang ibinaling niya dito.

"Are you part of this too?!" Her teeth are clenched so hard she's afraid they will bleed, but she doesn't care.

Napaatras ang nurse sa sinabi niya. Agad itong umiling.

"W-Wala po akong kinalaman. I swear Ms. Del Rio." Inangat nito ang nanginginig na mga kamay.

Sam wetted her lips and looked away. Nagiging harsh na ba siya? O kailangan niyang ilipat ang Dad niya at palitan ang nurse nito? Paano kung ganun pa din? Paano kung kasabwat din ang makuha niya?

"Kalma lang Ms. Del Rio. We will make sure that the man will be caught."

The Doctor looked at her with pity.

Tila may kumurot sa puso niya. That look. It was familiar to her. It was the same look she got when she was 9 years old. She would also frequent the hospitals before dahil sa nangyayari sa Mom niya. And eventually, her mother's death.

"Kawawa naman. Ang bata bata pa para mawalan ng ina."

"Wag masyadong malakas ang boses mo at baka marinig ka ng bata."

"Bakit kasi hindi inasikaso ng Dad niya ang Mom niya?"

"Busy daw sa kumpanya."

Sa murang edad niya. Nakatatak na sa kanya na kawawa siya dahil nawalan siya ng ina. They made her feel pathetic at dala dala niya iyon lahat. Sinisisi niya sa Dad niya ang nangyari dahil hindi man lang nito napansin na may sakit ang Mom niya. He was too busy with work. Kaya siguro ginagasta niya ang pera ng Dad niya without a care in the world. Gusto niyang saktan ito dahil sa pagkawala ng Mom niya.

But she realized that she loved her father too. Hindi niya kayang mawala din ito sa kanya. Alam niya na ngayon na hindi lang ang Dad niya ang may kasalanan sa pagkamatay ng Mom niya. Her mother hid it from her Dad. Hanggang sa lumala ang sakit nito.

That time the company of her Dad is on the verge of bankcruptcy kaya siguro halos tumira na lang ito sa kumpanya noon.

Sam took a breath and looked at the Doctor. Ipinatong niya ang kamay sa ibabaw ng dibdib niya, to calm her racing heart. "Siguraduhin niyo lang, Doc. I'll also report this to the police."

Tumingin si Sam sa nurse. The nurse looked at her with fear. Halata pa din ang panginginig ng labi at ng kamay nito.

Sam hates to do this pero kailangan niya iyon para sa ikakatahimik ng isip niya. She doesn't want to have doubts about the people around her.

"Ms Garcia. Hindi mo na kailangang alagaan ang Dad ko. I'll take care of him."

Umawang ang bibig nito. Maging ang Doktor ng Dad niya ay napanganga sa kanya.

"Ms Del Rio. Hindi pa natin alam kung involve siya sa nangyari. Maybe you could re-consider----"

Sam shook her head. Hindi niya hahayaang mawala ang Dad niya nang hindi niya inilalaban. "I can't take risks."

Pagkatapos na matulala sa kanya ng ilang minuto ay huminga ng malalim ang nurse. Ipinikit nito ang mga mata nito at marahang tumango.

"N-Naiintindihan ko po Ms Del Rio."

Lumabas ito ng pintuan. Hindi kumibo si Sam kahit na tinitigan siya ng Doktor. The Doktor bit his lips and opened his mouth as if he was about to say something pero umiling lang ito at tumalikod.

"Aalis na din muna ako Ms Del Rio. Babalik ako mamaya to check on your father."

Sam nodded her head pero hindi na siya tumingin sa Doktor.

Pumunta siya sa pwesto ng Dad niya at tinitigan ito. A tear fell from her eyes. Hindi niya hahayaang kunin din ang Dad niya sa kanya. Lalo na ngayong merong progress sa kondisyon nito. It was just halted because of people who wants to harm him.

Biglang pumasok sa isip niya si Amelia.

"Ok lang ba ang Dad mo?"

Should she tell Amelia what happened? Will Amelia come running to her kung sasabihin niya ang nangyari sa Dad niya?

Ikinuyom niya ang kamay niya at umiling. Hindi niya alam kung ano sila ni Amelia. Hindi rin ito sigurado sa nararamdaman nito para sa kanya. There's no point in telling Amelia what happened.

Then there's that thing about that clause.

Hindi pa siya handang makita ito. She had told Amelia that she would stay away for 2 months pero tila tadhana ata talaga ang nagbibigay sa kanila ng pagkakataon upang maglapit.

She needs to sort things out first with her father. Bago niya haharapin ulit si Amelia. At sana naman ay sigurado na ito sa nararamdaman nito para sa kanya dahil siguradong sigurado siya sa nararamdaman niya para dito.

----------------

A/N:

Hellodear readers. I have a Ko-Fi account where people can support me. I want toraise money to buy myself a new laptop. So if anyone is willing to donate, you can do so on the Ko-Fi website; I'll post it in this Wattpad Account. Plus, I willalso put my other ongoing stories there.

PS: Marami pong typo ito at siguro ay mga missed words

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

PS: Marami pong typo ito at siguro ay mga missed words. Pero bear with me. Aayusin ko po yan pagkatapos kong ma-draft lahat ng chapters. Thank ulit sa pag babasa. ^^

Seducing Samantha Del Rio - CompletedWhere stories live. Discover now