CHAPTER THIRTY SEVEN

24 2 1
                                    

Our examination days are over and I feel great with the results. Hindi siya as satisfying as I aimed it to be but comparing myself with the majority, mukhang ayos naman ang results ko.

After all, I wanted change - away from my achiever image.

"Mas draining pala tumanggap ng results kaysa actual exams, no?" Natatawang sabi ni Max habang bumababa kami para bumili ng pagkain. We have 15 minutes before the next class starts kaya dito na lang din kami sa building namin bibili where I first encountered Val.

It wasn't long ago pero parang ang tagal na sa dami ng pinagsamahan namin ni Val. Pakiramdam ko nga, I've known him for more than a year already pero wala pa pala.

"Hindi ka naman kasi nag-aral nang maayos. Iniwan mo pa nga ako para kumain." Sagot ni Carl dito.

"Oy! Niyaya kita pero hindi ka naman namansin." Depensa ni Max. "Besides, pasado naman si Lij na kasama kong kumain so technically, hindi siya valid reason."

"Pasado rin ako, ah!" Singit ni Val sa usapan nilang dalawa.

"So, ako lang pala bagsak dito? Sige. Hanap na lang ako ng bagong makakasama." Biro nito.

"Bawi ka na lang sa quizzes. Kaya pa naman 'yan." Sagot ko rito. Marami pa namang quizzes para makabawi siya. Besides, marami namang bumagsak sa amin kaya kung average lang ang gagawing basehan, hindi naman siya ganoon kadehado.

Para mabilis kaming makaakyat ay doon na lang kami bumili kung saan kami unang nagkakilala ni Val.

Masarap naman ang burger doon kaya't ayos lang sa akin. Besides, aside sa burger, marami pang pwedeng pagpilian kapag nagsawa na.

I ordered the usual, burger with egg and coke, dahil mabilis lang kainin. We don't have the luxury of time and ayaw ko namang maabutan pa ako ng professor na kumakain lalo na't he expressed how he hates his room being smelly dahil sa pagkain.

I remember one time, napagalitan niya 'yung isa naming kaklase dahil kumain ng pancit canton before his class kaya nangamoy talaga sa klase.

When we finished ordering, paakyat na sana kami pabalik sa classroom nang mapansin naming parang nagpanic ang mga tao sa paligid namin. Nagulat kami nang magsimula silang magtakbuhan pababa kaya hindi na naiwasan ni Val makiusyoso sa kanila.

"Anong meron?" Tanong ni Val sa isa sa mga tumatakbo pababa.

"May bomb threat!" Sagot nito kaya't kahit ako, kinabahan na. It is as if my adrenaline told me to run with the crowd kaya't hinila ko na si Val para sabay kaming tumakbo.

"Saan ka pupunta? Sandali!" Sigaw ni Val dahil hindi na kami magkakarinigan kung hindi pa siya sisigaw.

Imbis na makitakbo ay nagcellphone pa ito. Mukhang uunahin pa niyang kumpirmahin kung totoo ba talagang may bomb threat kaysa iligtas ang sarili niya.

"Ano ba? Masasabugan tayo ng bomba kung magfafact check ka pa!" I shouted in frustration. Besides, hindi naman niya makukumpirma talaga 'yon dahil threat pa lang naman.

Naisipan kong sila Max na lang ang hilahin dahil sa inis ko kay Val ngunit patakbo pa lang kami ay hinila na agad ako nito papunta sa parking lot.

Nagulat ako dahil may sasakyan na agad na nakaabang doon at binuksan ito ni Val.

There, I saw familiar faces na ngayon ko na lang uli nakita.

"Ano 'to?" I asked my bodyguards while entering the car.

Nang makapasok ako ay hinihintay ko sanang sumakay din si Val ngunit imbis na sumakay ay sinara nito ang pinto ng sasakyan.

The last thing I heard from him was, "Xander, secured!"

Not MeOnde histórias criam vida. Descubra agora