"Seryoso?" Lumuwang ang pagkakangiti niya.

"Oo, Thea."

"Kaso hindi kita kayang landiin kasi ingat na ingat ka sa kamay mo. Gusto ko pa naman 'yan." She giggled.

"Ang bastos mo, Thea."

"Gusto kong kaholding hands! What are you even thinking?!"

Her phone beeped, Big Bad Boy just sent her an image kaya excited muli siyang lumandi. Napangiti siya sa nakita.

"Wow! Ang laki ng hotdog ng jowa ko." She opened her mouth and imagined how it would fit, "Hindi ko alam kung maisasali ko ang itlog."

Karev shook his head and left her.

"Hey, Doc! Pikon! Wholesome ito!" Umirap siya at nagreply na lang kay Big Bad Boy.

Baby Love: Bhie, ang laki naman ng hotdog mo, mamasa-masa pa ang itlog, sarap naman niyan! Kailan ko ba matitikman yan

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Baby Love: Bhie, ang laki naman ng hotdog mo, mamasa-masa pa ang itlog, sarap naman niyan! Kailan ko ba matitikman yan...

Thea's day went as usual. Busy, demanding, emotional. Psychology isn't her passion before but hearing stories how people cried for help, she couldn't find any reason to ignore these people. Mahirap na may pagdaanang hindi nakikita ng iba at gusto niyang makinig sa bawat kuwentong iyon baka sakaling makatulong siya.

"I know that your husband cheated on you while you were pregnant, but you need to understand that his cheating is just a part of your book. It is not your whole life. Failure of marriage will never define who you are as a wife, as a mother, or as a woman." Iniabot niya ang isang box ng tissue sa kausap. They were sitting on her bean bags at her clinic floor beside the floor to ceiling window, just like friends talking about problems.

"I know, Thea pero tuwing nakikita ko siya, lalo lang nabubuhay ang galit at hindi na ako makapagtrabaho.."

"Do yourself a favor, Beati.. Schedule yourself whenever you will cry or get angry. Twenty minutes, iiyak ko ito, I will let myself grieve and be angry. After that twenty minutes, stand-up, do your work, take care of the kids. Don't be a slave of your emotions. You can control it. You can schedule it. You can set it aside and acknowledge it on a certain time you chose." Bigay niya ng payo.

Huminga siya ng malalim matapos ang kanyang huling pasyente nang umagang iyon at meron pa sa hapon.

"Bilhan kita ng lunch, Doc?" Sumilip si Myra sa kanyang clinic. Umiling siya, last patient naman na niya iyon ngayon at isa lang ang tinanggap nila sa hapon dahil pupuntahan niya si Jane ng alas-kuwatro. Hihintayin niya na lang si Fox na puntahan siya sa ospital.

Napatingin siya sa kanyang cellphone at napakarami nang mensahe roon ng kanyang internet boyfriend! Naku, napakarami naman kasing kumakabit na lalaki kahit napakaganda at sexy na ng mga asawa. Kaya hindi talaga siyang mag-aasawa dahil kalokohan lang iyan!

Tumayo siya at kinuha ang kanyang bag para maghanap ng makakainan sa mga restaurants sa first three floors ng ospital. Gustong-gusto niya ang ospital nila Karev kasi parang mall ang ibaba nito sa dami ng establishments.

Temptation Island: Broken TiesWhere stories live. Discover now