Umupo na lamng ako sa tapat ni Ina, at dali daling kumuha ng pagkain sa mesa. Marami-rami din ang aking kinuha sapagka't mukhang napakasarap ng mga ito, nilantakan ko ng kanin at prinitong isda mukhang ito ay galunggong! Napakasarap.

"Napakatakaw mo pala anak" ani ni ama

Mukhang hindi ito tanong at hindi din papuri(・o・;)

"Pwede ba akong lumabas mamaya? gusto ko sanang magpinta doon may pintahan"

Nagkatinginan naman sila

"Magpasama ka lamang kay emerala,"

Bigla naman si rara pumunta kay ama at bumulong ito, ano kayang binulong niya? Mukhang nagulat ito sa binulong ni rara at may sinabi din ito sa kanya.

Kung anu-ano na ang pinagsasabi niya, siguro tungkol sa'akin o...

Nangyari kahapon noong pumunta sina Doktor Calixto at Ginoong Sebastian, mukhang oo nga ngunit bakit kaya parang galit si Ama? baka iba ang sinabi ni rara.

"Tapos kana ba ate Lara? Saan ba kayo pupunta mukhang magpipinta ka ah, may alam akong lugar upang makapinta ka."

Siguro sa lugar na lang na sasabihin ni Rara, saka hindi ko naman alam ang bawat sulok ng lugar na ito. Mas mabuti talagang kasama ko si Rara ngunit isasama ko ba si Rara sa loob eh hindi naman ako sanay na may tao na tumitingin sa akin kapag ako'y nagpipinta.

"Maghihintay na lamang ako sa labas ate lara katulad ng dati"

Tumango na lamang ako bilang ganti. May mga gamit naman yata doon kaya't hindi na ako magdadala doon ng kagamitan pagpinta.

"Malayo ba iyon rara? Ayos lang ba sayo na hintayin ako?"

"Hindi naman malayo at ayos naman sa'kin iyon ate lara kasi parati naman tayong magkasama at ginagawa yoon"

Tumango ulit ako at inaya na siyang lumabas, kanina ay nagpaalam na ako kay ina't ama. Ayos lang din daw sa kanila ako'y lumabas para masanay muli ang aking katawan sa pagpinta at para makibagay na din ako sa kapaligiran kasi naman hindi ko alam ang mga pasikot-sikot ng bayan namin kaya hindi ko alam kung paano ba ako makibagay o makisama sa sitwasyon kong ito.

Magandang umaga senorita Lara Isabella, kinagagalak kong ika'y makita muli! Pasalamat nga't ika'y gumaling agad, senorita

Alam ko kung sino siya! Siya si Arturo, siya ang naghahatid saamin kotsero kumbaga. Sinabi kasi ni Rara ang mga kasama namin sa bahay, kabilang din doon si ginoong Arturo.

Magandang umaga din, ginoo. Wari'y ihatid mo sana kami sa lugar kung saan ako parati nagpipinta? Hindi ko kasi alam.

Napatango siya at sinabing

Alam ko senorita kung saan kayo parating pumipinta, doon sa may malapit sa simbahan na kung saan—” nabigla ako nang hindi pinatapos ni Rara si Ginoong Arturo at siya na ang nagpatuloy nito! Gamit ang paglagay ng kanyang daliri sa bibig ni Ginoong Arturo na hindi nga wastong gawain! Napadaldal at pasaway talaga ito si Rara.

Kung saan kayo ni Ginoong Sebastian nagiistambay!

Kinurot ko naman siya kaya siya napasigaw, napakadaming sinasabi eh kapag iba na ang aking tinatanong eh ang ikli lang naman sinasagot hmpp.

Parang kinse minutos lang ay nakarating na kami sa aming patutunguhan, napakaganda at aliwalas ito. Tahimik at payapa dahil may puno at halaman may sampaguita sa tabi pagkapunta namin ito ay aking napansin kasi naman ang halimuyak ay napakabango! Mukhang ito na lamang aking pipintahin kasama ang puno ng mangga.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 08, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

I LOVE YOU, Changes (1894-Makalumang Panahon)Where stories live. Discover now