Prologue

14 4 0
                                    

                             PROLOGUE
Minsan aking napapaisip na ako ay mas kapos palad kahit na may marangyang buhay naman ako, dahil kahit anong gawin ko ay hindi man lamang ako minahal pabalik. Kahit ganoon ay minahal niya rin ako bilang isang matalik na kaibigan.


Ngunit kahit siguro aking ipagkaloob ang aking pagmamahal at ako ay umamin na ay hindi naman niya ako mamahalin dahil may mahal na siyang iba. Si Eva Cresela ang tunay niyang mahal kung kaya't kapag nakialam ako sa pagmamahalan nila ay masisira ang kanilang pagmamahalan. Hindi naman siguro nakakamatay ang hindi mahalin pabalik ano? siguro ay ito na ang tamang panahon.



Ako si Laraliah Isabella Delos Angeles at oo, ako ay umiibig ng lubos sa aking matalik na kaibigan na nakatakdang aking magiging asawa ngunit aking iuurong dahil kahit pag-iisahin kami ay hindi niya ako mamahalin bilang asawa.


______________________________________________
Mahal kong Ama,   
           Kamusta ka aking Ama? aking nabalitan na ikaw ay may mahalagang ginagawa sa Bulacan kaya't ikaw ay hindi na kapag paalam at ikaw muna ay hindi pa maaring makita, kaya't ako ay hindi magtatampo ngunit sana'y ikaw naman ay huwag sanang magtampo o magalit dahil sa aking kahilingan.

         Ang akin lamang na hiling ay iyong iurong ang aking pagpapakasal sa iyong inaanak na anak ng iyong kumpadre. Alam kong ang aking kahilingan ay dapat pagusapan ng personalan at masinsinan ngunit sana'y iyo'y pagbigyan ang aking unang kahilingan  at wag niyo sanang kakalimutan na lubos kitang minamahal at lubos na aking sasabihin na ikaw ay saakin ay pinakamahusay at mapagmahal na Ama.
                          Ang iyong bunsong anak,
                                      Laraliah Isabella
—————————————————————



Kahit ito'y masakit ay aking kakayanin para sa ikaliligaya ng aking sinisintang Sebastian Venedicto Villas. Nasasaktan ako ngunit nangingibabaw ang saya dahil kahit papaano ay mas mahahalin niya ako kahit bilang isang matalik na kaibigan, at aking napagpasiyahan na pumunta sa Hacienda Villas upang masabi sa kaniyang ipinapaurong ko na tinakdang kasalan.



"Saan po tayo pupunta Senorita Lara Isabella? at hindi po ba kayo mag papaalam kay Donya Madelaida? tiyak ko pong iyo'y mag-aalala sapagkat ikaw ay aalis ng hindi nagpapaalam." magalang na ani ni Era, Si Era ay ang aking alalay kung saan ako pupunta ngunit ang tunay  pangalan ay Emerala, aking lamang siyang tinatawag na Era ay dahil yun ang aking gusto at ako lang ang nagbigay ng palayaw na iyon. Kinse anyos pa lamang ang kaniyang edad at aking siyang naging alalay dahil pumanaw na ang ina niyang katulong namin noon.



Aking nalamang siyang nginitian, "Huwag kang magalala Era, ako lamang ay hindi magtatagal sa bahay ni Ginoong Sebastian at may mahalagang akong sasabihin sakaniya" aking sinabi kaya naman ay mas mabilis pa sa kidlat na napatingin saakin si Era at mapang-asar n napatingin. Ganyan talaga si Era masyadong mapang-asar, maganda kasama at maalam sa buhay dahil ulila na siya.



Tinapik ko na lamang ang kaniyang balikat at sumakay na sa kalesa at ang kutsero ay si Ginoong Arturo. "Magandang gabi Senorita Lara Isabella" bati ni ginoong Arturo nginitian ko naman siya at binati pabalik.



"Magandang gabi din Ginoong Arturo, kina Ginoong Sebastian tayo pupunta." napatangu-tango naman siya. Diyes minutos (10 minutes) bago kami nakarating una na akong bumaba. Napag-isipan kong ako na lamang ang papasok sa loob.



"Dito ka muna Era, madali lang kami mag-uusap at huwag ka sanang mag-isip ng kung anu-ano dahil simula ngayon ay iurong na ni ama ang kasalan." ani ko ngunit ibinulong na lamang ang huling mga kataga. Napatango naman siya at mapang-asar na napangisi, batid ko'y hindi niya narinig ang huli.



I LOVE YOU, Changes (1894-Makalumang Panahon)Where stories live. Discover now