Kabanata V

0 0 0
                                    

Kabanata 5
Binibining Laraliah Isabella'
        Point of view     


ALAS SINGKO NG HAPON na ngayon at mag-gagabi na naman pero hindi talaga ako makapaniwala na siya ang doktor ko dahil batang doktor pa lamang iyon. Sa palagay ko, mga Bente tres anyos pa lamang siguro siya.

Siya pala iyong sinabi ng aking kapatid, si Antipatik– Calixto Tadeus Alvarez pala. Masyado akong nasasanay na tawagin siyang antipatiko kahit medyo masama pakinggan lalo na't isa siyang doktor. Nagulat kasi ako nang husto sa biglang niyang pagdating at lalo na't pagpasok ng isang lalaki sa aking kwarto pero sa puntong iyon syempre, ayaw ko na iyon mangyari dahil masama din ang pagpasok sa isang kwarto ng walang pahintulot, sabagay napatawad ko na siya kahit naging antipatiko si kanina...

Pagkatapos noon ay sinabihan ko si Rara na ipaghanda ng maiinom si Ginoong doktor dahil pupunta muna ako sa kwarto at itatago ko muna itong tula kaya mamaya ko pa si siya kikitain.

Hindi pa ako makatapos sa aking nabasa may ilang katanungan din ang nabuo sa aking isipan, wari'y natipon ito sa aking utak na para bang hindi masasagot kong hindi magbalik ang ang aking memorya.

Matagal kong tinitignan ang tula bago paman marahang hinaplos ang papel, mukhang hindi pa ito gaanong luma at tumatala sa aking kamay ang bawa't letra nakasulat. Wari'y may pinagsisigawan ang bawat stanza na para bang may sinasabihan?

Sino ang taong pinaghuhugutan?

Binibini? Iyo bang gustong pumunta sa harden at makapag-usap tayo tungkol sa iyong kondisyon”

Mukhang kailangan ko talaga itong doktor na ito upang mabalik ang aking memorya.
“Sandali lamang Ginoong doktor at huwag sanang gaanong mainip”

“Ganoon ba, aking ka na lamang hihintayin sa harden.”

Mabilisang tinakpan ko na itong maliit na kahon ng aking damit sabay labas papunta sa kusina. Kanina pa akong nauuhaw dahil sa pakikipagtalakan na kaya parang natoyo na ang aking laway.

Gumawa nang ingay ang aking ang aking paglakad sa hagdanan iilan na lamang ang aking lalakarin bago ko marating ang kusina. Sa aking pagdating kumuha agad ako ng tubig, nakita ko pa si Rara habang siya'y dumadaldal ay nilalagok ko naman ang aking tubig

Napaswerte mo naman talaga ate Lara Napakagwapo ng iyong personal na doktor mukhang may kakumpitensya na si ginoong Sebasti–”

Nabilaukan naman ako sa kanyang nasambit Maghinay hinay ka nga Rara ako sa iyo'y nagulat ha! At anong kakumpitensya hindi ko nga kilala yang Sebastian na yan eh!”

Napailing-iling ito na para bang nagsisinungaling ako. Hhmp, kayo na lamang pumunta sa iyong doktor, napakayamang gwapong doktor.”

Talagang rara na iyan, napakaloko ng utak. Kung anu-anong sinasabi ng kanyang imahinasyon. Umalis na ito sapagkat may aayusin pa raw siya. Ako naman, ay nag-aayos ng sarili bago pumunta sa harden.

Binibining Lara!”

May sumigaw ng aking pangalan. Siguro si Antipatiko iyon dahil siya lang naman ang bisitang lalaki dito.

Akala ko ba'y sa harden tayo? Ikaw talagang Ginoong Calixt-” bako ko paman masabi ay nagulat ako dahil sa narito ang hindi ko inaakalang taong paparito.

Hindi siya si Doktor antipatiko kundi, ang tinutukoy ni Rara kanina “Sinong Calixto? Ako ito, si Sebastian

Bakit siya narito? Ayaw ko siyang makita, parang may kung ano sa'kin na kirot ngayong nakikita ko siya mismo sa aking harapan. Hindi ko muna siya kinibo, hindi ko alam ang aking sasabihin. Hindi ko inaakalang may epekto pa rin pala kapag makikita mo na mismo ang taong hindi mo na naaalala.

Ilang segundo ng pangyayari ay naparito sa kinatatayuan namin si Ginoong Doktor. Katulad ko, kita sa kanyang mukha ang pagkagulat pero hindi ko alam kung bakit, dahil ba ito sa akin o dahil sa lalaking nasa harapan ko.

Binibining Lara! nandito ka lang pala. Oh bakit ka narito Ginoong Sebastian akala ko ba'y pupuntahan mo si Crese–

Napa-ubo naman si Ginoong Sebastian. Kaya't naputol ang sasabihin sana ni doktor antipatiko, na ngayon ay parang may nakapaskil sa kanyang mukha ang nakakalokong ngiti? May nasambit ang doktor na nakapa-ubo sa lalaki, sigurado naman na tao iyon at babae ang tinutukoy. Ngunit sa ngayon, hindi ako naaapektuhan sa nabanggit dahil bakit naman ako maaapektuhan 'di ba.

Parang kilala nila ang isa't isa. “Mag-usap mo na kayong dalawa, mukhang magkakilala kayo. Hihintayin ko na lamang ikaw Ginoong An– Ginoong Calixto sa harden.

Pinigilan naman ako ni Ginoong Sebastian? Pumiglas naman ako, kasi bawal iyong gawain! Mas lalong napangisi si Doktor antipatiko, at tiningnan ang kamay ni ginoong Sebastian.

Hindi ko alam kung ano sila sa isa't isa, siguro magkababata sila katulad namin ni Sebastian. Masyado silang maasar sa isa't isa na para bang matalik na kaibigan.

Tumikhim naman siya at nagpahiwatig sa kanyang mata ng paumanhin sa'kin. “Gusto ko lamang na makausap ka muna, Binibining Lara. May sasabihin lamang ako saiyo.

Tiningnan ko muna si doktor antipatiko at nagpahiwatig na ako ay aalis at sasama kay Sebastian. Nagsimula akong maglakad at sumunod kay Ginoong Sebastian. Hindi ko alam kung saan ba kami tutungo dahil hindi siya nagsasalita at masyadong seryoso sa paglakad.

Teka nga, saan mo ba ako dadalhin? Dito na lamang tayo sa may upuan.” ani ko.

Masyadong kita sa kanyang mga mata ang lungkot sa sinabi ko kanina. Hindi yata ako aware sa aking mga sinasabi at bigla na lamang nagiba ng timpla ang kanyang ekspresyon ng mukha at siyang nalungkot kahit na wala naman akong nasambit na nakakalungkot.

Bumuntong hininga siya at bumalik sa dating ekspresyon ang kanyang mukha. “Pupunta sana tayo sa inyong likod bahay na may mangga kung saan tayo pumupunta kung tayo'y mag-uusap.” seryoso na siya pero parang ewan.

Ah gano'n ba? Pasensya na hindi ko na kasi iyon pa naalala, maaaring dito na lamang tayo.” mahinahon kong sabi.

Napangiti siya.“Kung iyon ang gusto mo, binibini.” sabi niya sabay upo sa upuan kaya umupo na din ako.

Bago siya magsalita ay napakamot siya ng ulo at mukhang nagiisip pa ng sasabihin.

“Gusto ko sanang imbitahan kang tayo'y magliwaliw ngayong nararapit na fiesta sa ating lugar katulad ng dati.” malapit na pala ang fiesta dito hindi manlang ibinahagi ni Rara sa akin.

dadalo ba ako?

Pagiisipan ko muna iyon, Ginoong Sebastian. Huwag mo sanang damdamin kung hindi ako dumalo at samahan ka o hindi.

Aasahan ko yan at itatatak sa'king isipan, binibini. Paalam matalik kong kaibigan! Ako'y aalis na.” napakamot ito sa noo nang ako'y tumango lamang. May hinihintay ba siyang gawin ko?

Tinanaw ko naman siya at tuluyang nang nawala sa aking paningin.

Napakalayo naman ang iyong tinitingnan ate Lara, mukhang si Ginoong Sebastian iyon ano? Batid ko'y pumunta siya dito kani-kanina lamang, mukhang sumisimple na din siya sa iyo ano?! Ha ha ha

Napakachismosang bata talaga itong babaeng ito. “Totoo bang malapit na ang fiesta dito?

Ha? Matagal pa po ang fiesta. Siguro inaya ka ano? Pero malabo na man na inaya ka niya dahil hindi pa naman magfi-fiesta at masyadong malayo pa dahil October pa lang ngayon at ang fiesta ay sa June 16-18 pa.

Pinagluluko ba ako nang Sebastian na iyon?! “Hayaan mo na. Parati naman kanyang ginaganon, pinaglalaruan, pinapaasa

Talagang bata to ha!

Ipagpatuloy...

I LOVE YOU, Changes (1894-Makalumang Panahon)Where stories live. Discover now