Kabanata IV

11 1 0
                                    

KABANATA 4

         Binibining Laraliah Isabella'
                           Point of view   
                       {Oktobre 16, 1898}

Hapon...


Ayaw ko bumaba, hapon na ngayon at magmimiryenda kami kaya ayaw ko bumaba. E paano, si kuya ay isang dakilang taga-asar at  baka naisipan ni Sebastian na ibahagi sa kapatid ko yung nangyari kanina.



Pero sa totoo lang, hindi naman dapat ako magpakaganto. 'Yun lang tapos magkakaganto ako?


Kailangan kong maging matapang na binibini, at kailangan ko na din bumaba kasi nga gutom na gutom na ako. Hindi ko man gustong bumaba ay kailangan ko pa rin, naisip ko din na nandoon si Kuya.


Naabutan ko silang nasa kanya-kanyang pwesto na. Ngumiti ako nang makita ko si Ina at pilit ngiti naman ka'y kuya, na ngayon e mukhang baby damulag.


“Kamusta ang iyong pakiramdam anak?”



Si Ama! Ngayon ko lang siya nakita at pansin ay sakanya nagmana ang kapatid ko.



“Sa palagay ko po, maayos naman ako at may nararamdaman ha ha ha...”



Napatawa naman ito, “Nganyon lamang akong nagkaroon ng panahon anak, gusto ko sanang pumunta sa centro–” pinulot ko ang sasabihin niya.


“Alam ko na Ama, gusto niyo kong isama ano? He he–”


Nagulat ako sa sinabi ni Ama. “Ano ba'ng sinasabi mo anak? Kasama ang iyong ina kami'y aalis mamaya lamang,”



Huh?!


“At saka, noon pa man ay hindi mo naman gusto sumama sa'akin na mamasyal man lamang.” ani nito. “Ngunit past is past naman Ama eh.”


“Ha? Hindi kita gaanong maintindihan ngunit ang alam ko ay gusto mong mapagisang magpinta nang mga larawan eh”


At dahil doon, hindi na ako sumagot pa. Siguro nga ay nahihiya lamang ang aking ama. Mabuti pang magpinta na lamang ako ng nakakaloko mukha ng aking kapatid^_^



Speaking of the kapatid,

Aalis din ako Ama, sino ang kasama nang aking kapatid? Siya nga't papuntahin ko dito si Seb–” bago pa man masabi ni aking lokong kapatid ay pinutol ito ni Ama.


Mabuti nga “Huwag mong ipagpatuloy Fedirech Isaac, may papuntahin akong iba dito,”


Napabusangot na lamang ang kapatid ko, mukhang may kalokohan na naman sanang gagawin ito.


Isang bagong bisita, ang panganay na anak ng Don Alvarez”


Nandito naman si rara ah, bakit pa nila papupuntahin iyon? “Panganay? isang Alvarez huwag mong sabihin na si–” si kuya.


“CALIXTO?!”


TALAGANG hindi nila ako sinama ha! Ang sabi kasi nang akong ina na dumito mona ako kase baga mabigla ang aking katawan sa kapaligiran. At hindi pa din pumaparito iyong Calixto' kuno. Kaya't minabuti kong pumunta sa aking kwarto, nilinisan na ito ni Rara. May bago na pala akong personal na Doctor at hindi ko pa naman alam kong anong pangalan nito.


Binuksan ko ang aking aparador. Malaki ito at may mga kasuotan katulad traje de mestiza, saya de suelta, may simple din katulad ng tapis, at iba pang pangtulog na maninipis na tela.


Isa sa traje de mestiza na nakatupi ay aking napansin sa may ilalim nito ay may isang maliit na kahon na yare sa kahoy?



May nakasulat dito na may pangalan ko at mukhang sa'akin iyon dahil may signature.
'el poema de lara


Nakatingin sa iyong mga matang
Namumutawi ang saya
At muling nasilayan ang ngiting abot tenga
Nasisiyahan nga ba ako o nalulungkot?
Hindi naman ang isang binibining
katulad ang iyong nais.

Malaya akong makasama ka
Ngunit hindi parin maiaalis sa isipan
Na ako'y iyong kaibigan lamang.

Isa sa tala na humahanga
na paulit-ulit na darating sa
gabi makasama ka lamang aking buwan.


Baka hindi ako ito. Hijó de putá, hindi ako ang nagsulat nito oo. Oo, baka hindi namna ako ang nagsukat nito lalong-lalo na't hindi pa naman tugma-tugma ang pagkagawa. Sigurado akong hindi ako ito o kaya baka koleksyon ito ng tula ko, pero ba't parang may pinapahiwatig? may pinanghuhuguta–


Laraliah!


Que cabron! Sino ka? RARA! ba't may lalaki dito sa'king kwarto?!


Isa itong lalaki, oo lalaki at hindi lang lalaki. Isa itong may isturang lalaki, maala-adonis ang tindig katulad ni Seb— basta sekretong malupit.


Paumanhin binibining Lara, ako'y lamang nalulubos na makita ka sa personal. Ako si–” aking siyang pinutol ang kanyang sinasabi at huminga ng malalim bago paman ilabas ang aking salita.


Ikaw si Antipatiko, oo isa kang antipatiko. Sinong mangangahas na pumasok dito, sa babaeng kwarto?!


“Naiintindihan ko, binibini. Patawad muli ngunit hindi ako si Antipatiko, ako si Calixto Tadeus Alvarez ang iyong bagong personal na doktor”


Siya?! Napakagwapong doktor kung gano'n, hijó de putà!



Ipagpatuloy....

I LOVE YOU, Changes (1894-Makalumang Panahon)Where stories live. Discover now