Chapter 1

1 0 0
                                    

Pagpasok ko sa room ay agad na bumungad sa akin ang mga classmates kong may malalaking guhit ng ngiti ang mga mukha.

"Omg! Excited na ako, i already packed my things and guess what? Nilagay ko sa aquaflask yung soju HAHAHAHAHA"  halakhak pa ni maine.

"Gagi HAHAHA. Pag ito nalaman ni Sir labas kami ah" biro pa ni janine.

Napa roll eyes nalang ako at nilagpasan na sila.

Nakita ko si Niña sa may gilid na may kausap na classmates din namin kaya umupo nalang ako malayo sa kanila.

Isa akong ambivert person. Half Extrovert and Half Introvert. Inshort, may saltik ako.

Minsan ayokong pansinin mga kaibigan ko kasi gusto kong mapag isa at minsan naman gusto ko silang kausap palagi as in tapos walang pause pause yung mga chika ko.

Diba? May saltik ako kaya umiwas nalang kayo sakin HAHAHAH chariz.

Kinuha ko ang ballpen ko at sinulat ang mga kailangan kong bilhin mamaya sa supermarket. Binigyan kasi ako ni papa ng 200 petot pambili ng mga dadalhin kong snacks and foods para sa camp namin tomorrow at habang nagsusulat ako ay biglang pumasok si maam valencia na may dalang sandamakmak na papel.

"Maam? May quiz ba? Di kami nagdala ng papel kasi akala namin meeting para sa----

Hindi natapos ang sasabihin ni princess dahil tinapunan ito ni maam ng masamang tingin.

"Zip your mouth and listen to me. These will be the final schedule for the 3 days camp at Bernentura Campsite. I'll distribute this after the meeting. Buckled up students! Close all the doors dexter and listen to me" dire diretsang saad ni maam valencia.

Dexter closed the doors and spread the curtains at the window.

"Listen! Camp Bernentura is the most haunted campsite in Lez Vegera. Camp Bernentura is far from downtown city. Ang pinaka nakakatakot pa dito ay dito nilibing ang pamilyang bernentura sa mismong open field dito. May mga nabalitaang namatay na labing tatlong tao dito dahil dun sila nag camp for three days. Sobrang ingay at sobrang liwanag pero nauwi lahat iyon sa duguan at patayan.  Sa inyo ko lang sasabihin ito para ma aware kayo sa lugar na pupuntahan niyo" she paused and cleared her throat.

"Wag niyong iwan ang isat isa at palaging bantayan ang iba pang estudyante. Para saan pa't kayo ang seniors ng school na ito. Camp Bernentura is not a safe place but due to School's high demand ay napilitan kaming dito mag camp. We will be installing cameras and hire some guards for our safety. Now, let me tell you the rules and regulations during the 3 days camp" She paused again and look at us with those worried eyes.

"Each of you will be given a whistle. Malaki ang Camp Bernentura, may open field, falls, forest, mansion and campsite. If ever may mangyayaring masama, just whistle and the guards will be there to help you. All the tents should be close by 10pm, ayun sa sabi sabi ang mga multo ng mga nagcacamp na namatay ay mag iingay around 11pm. Nakakatakot pero di naman daw ito nananakot. Ang tanging nakakatakot lang dito ay ang pamilyang bernentura na lahat ay namatay dahil sa torture ng kanilang ama na ngayon ay buhay pa at nabubuhay na ito sa selda. Ang sabi ng mga nakaka alam ay ang mga multo nito ay nananakit at gagawa't gagawa ng mga bagay na ikakamatay mo. Mag ingat kayo at palaging dalhin ang whistle na ibibigay sa inyo. Also, to track you down. Flags will be given to you during the day of the camp, ito ay ilalagay niyo lamang sa lupa kung feeling niyo ay nawawala kayo at nawala niyo ang whistle niyo. For emergency purpose only! Kaya wag niyo itong gamitin para lang maglaro. Attendance will be checked 3 times a day so if ever you'll heared a bell ring pumunta na kayo sa open field for the attendance check. Wag kayong lumayo sa campsite at wag iwan ang isa't isa. Ang  Junior students ay isang araw lang na magcacamp and the rest of the day will be yours. Anyways, malabo naman sigurong may mga mangyayaring masama sa inyo dahil nagpadala na ng maraming guards at nag lagay na rin ng cctv camp for your safety kaya wag kayong mag alala. Sinabi ko lang sa inyo iyon para ma aware kayo sa campsite na pupuntahan niyo." Nag smile si ma'am sa amin tsaka sya nag lapag ng sandamakmak na papel sa mesa.

"Snacks and drinks will be checked at the bus tomorrow. Alcoholic drinks aren't allowed! If ever na may lumabag sa rules ay may parusa kayong matatanggap, kaya kung ako sa inyo ay wag magmatigas ang ulo at sumunod na lamang. Ms. Ladesma please distribute these and after you recieved the papers , you can now exit from the class. Thank you and godbless you all!" Dumiretso na sya palabas ng room.

That's weird.

"Nabaliw na talaga sya" princess.

"I heared na namatay daw yung pinagbubuntis nya kaya sya ganyan wth, para syang may saltik" saad naman ni hannah na ngayon ay tumatawa na.

Nakita kong tumayo si ladesma sabay kuha ng mga papers na nasa mesa at isa isa nya itong binigay sa amin.

Niño and troy looked at me and gave me those crazy freakin look.

Dali dali kong sinuot ang bag ko at kukuha na sana ng papel ng biglang naabutan ni troy ang mukha ko.

"Aaaaaaaaaah!!!!!" The two of them laugh at my reaction.

Pininch ni troy ng sobrang lakas ang aking pisngi habang si niño naman ay tumatawa habang tinitignan akong sinasalvage ni troy.

Pinisil lang ng pinisil ni troy ang aking pisngi hanggang sa mag sawa ito.

"Nakakagigil! Isa pa nga!" Hirit pa ni troy pero tumakbo na ako papunta sa may left corner ng room.

"Gagi ka ang sakiiiiittt!!" Naiiyak na saad ko habang hinihimas ang aking pisngi.

"Wag niyo ngang ganyanin si Feichel, binubully niyo na naman eeh" asik pa ni cybil sa dalawang lalaki na ngayon ay tumatawa pa rin.

Hinimas himas ko nalang pisngi ko hanggang sa mawala na ang hapdi nito. Gagong lalaking yon. Kulang nalang dudugo tong pisngi ko shet.

"Oh feich! Ito sa'yo" bigay ni ladesma ng papel para bukas. Ewan ko ano to, basta bay nilagay ko nalang ito sa aking bag.

"Guys! Kitakits nalang bukas! Ingat kayo vyers!" Sigaw ni richard ang aming president na vaklush.

"Feich! See you, sorry sa pang gigigil" troy na ngayoy nakangiti na sa harap ko.

"Feich! Dalhin mo guitar mo, kanta tayo dun" sabi naman ni zacharry na ngayon ay naglalakad na palabas kasama si mayang.

"Okaay copy!" Sigaw ko pabalik.

" Tara na feich, isaw tayo bago mag shopping2 hahaha" jully na ngayoy hinihila na ako palabas. Habang si troy at niño naman ay umalis na rin. Si niña? Di ko na knows, di ko napansin eh. Pero kakausapin ko nalang sya bukas kung gusto kong kausapin ang mga walangyang classmates ko.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 23, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The CampWhere stories live. Discover now