Tiningnan muli niya ang podcast at napatingala. Sinilip niya rin ang mensahe ni Doctor Bombshell, hindi na ito muli pang sumagot. Napahilamos siya ng palad kasi naghihintay siya ng reply.

"Sige, saan?"

Si Thea lang yan. He shouldn't be affected that she's really back. After almost 10 years, it couldn't be the fcking same. He's the different Saint now.

--

Thea

'Talaga ba, Thea? Makikipagblind date ka nga?'

Ni hindi man lang siya nakapagpalit ng damit mula sa ospital. Sa ilalim ng kanyang white coat ay red body hugging sleeveless dress. Hinayaan niyang nakalugay ang mahaba niyang buhok at naglagay lang siya ng kaunting make-up para mas maging presentable.

Ang sabi ni Tash ay sa Shangri-la sa The Fort sila magkikita ng kapatid nito dahil ito na rin ang nagpareserve, pero nang papasakay na siya sa kanyang sedan ay tumunog ang kanyang cellphone sa isang tawag ng unknown number.

"Hello?"

"Uhm, hi, is this Thekla?" Isang baritonong boses ang sumagot doon sa kabilang linya.

"Yes, who's this?"

"Lucifer. Your blind date?" Parang nag-aalangan pa ito sa huling sasabihin. "I will just ask if you are on your way to Shangri-la and if you can drive a little bit further papunta sa Makati? I am thinking to try something different.."

Sinilip niya muli ang cellphone para tiyaking totoong tao ang kanyang kausap. First date at blind date, hindi man lang siya tanungin kung ano ang gusto niya? Ito pa ang namili ha!

Pero dahil hindi talaga siya palapatol sa bata kaya nagpasensya na lang siya.

"Sure. Saan don?" Baka naman ito ang pinakawalang pera sa Monasterio kaya ayaw sa hotel dinner.

Hala ka Thea, baka sa Jollijeep kayo kakain, Sisig sa Rada, o kaya Tapa King at iyan ang depinisyon niya ng 'something different.'

Nakaluwa pa naman ang boobs niya sa kanyang suot at hindi niya alam kung pupwede ba siyang kumain ng nakatayo. Bukod sa nakaupo ay nakaluhod lang ang alam niyang paraan ng pagkain pa naman.

"Black Bird." Lucifer answered.

"Ha? Wala bang white? Not being racist here pero yung medyo maputi kasi ang gusto ko."

She heard Lucifer roared in laughter.

"Tngina, why would.." Parang may gusto itong sabihin na hindi itinuloy. "If that's the case, maybe you can try Monasterio's White Bird next time."

"Luh, bastos!" She hissed.

"Sinakyan lang kita.."

"Mas bastos! Anong sinakyan? Hindi pa nga tayo nagkikita, hindi pa ako makapagdecide kung kasakay-sakay ka nga bang talaga!"

"You are crazy, lady! Come on, I am so excited to see you."

Ibinaba niya ang tawag at napailing. Siya pa talaga ang pinalapit sa Makati ha! Sa BGC kasi ang kanyang clinic, although malapit lang naman sana pero mas malapit siya sa Shangri-la. Kapag hindi masarap itong si Lucifer talaga ay magsisisi siya.

Bakit, Thea, titikman mo ba? She shook her head with the thought.

It was a 30-minute drive from her clinic. May nakareserve na parking space sa kanya katabi ang itim na porsche at isang puti na Aston Martin. Look at that, nahiya ang kanyang Toyota Altis na napapagitnaan ng dalawa.

Isang fine dining restaurant pala ang Black Bird. Masyadong magarbo ang ayos at sosyal ang bawat muebles at ilaw. She wouldn't think that someone like Lucifer Monasterio would pick this place. Iniexpect niya ay doon sa maraming tao at nagsisigawan sila pagkatapos ay maglilikot ang mga kamay nito sa kanyang katawan at yayayain siya sa parking lot para magmake-out.

Temptation Island: Broken TiesWhere stories live. Discover now