Chapter 23

54 3 0
                                    

Chapter 23

After the call conversation of Mr. Park and the kidnapper of Nayeon slash Jeongyeon's father, he face the others who also waiting about the news. Only to see them looks so anxious thinking they're sister and brother are kidnapped.

"Dad, kilala mo ba ang taong yun? Bakit parang may galit kayo sa isa't isa habang nag-uusap?" Tanong ni Mina.

Kanina pa siya tahimik at ngayon lang nagkalakas ng loob na magtanong.

"Oo, kilala ko siya." Sagot niya. At tiningnan ang gawi ng Ginang na kasama nila na ngayon ay hindi pa rin mapakali. Nilapitan niya ito.

"Linda, kailangan nating mag-usap." Aniya niya dito.

Tumango na lang ang Ginang at nagpatianod sa lalaki habang hinihila siya nito palabas ng bahay for their privacy. Naiwan naman ang mga anak nila sa loob kasama ang mga kasambahay.

~~

"Bakit kailangan pa nilang lumabas? Hindi ba natin pwedeng marinig ang pag-uusapan nila?" Saad naman ni Sana nang makalabas na ang dalawa.

"Kumalma ka nga. Maging ako rin nagtatanong kung bakit pa sila mag-uusap sa labas eh pwede naman dito. Hintayin na lang natin sila. Magsasabi naman ang mga yun eh." Kalmadong saad naman ni Mina sa kakambal.

"Tama po siya, Noona. Kumalma lang po tayo. Alam naman po nating gagawa sila ng paraan para kina Hyung at Nayeon-noona. At sa mga tulad nitong sitwasyon, kailangan na kailangan nating kumalma. Mas lalong hindi tayo makakapag-usip ng maayos kapag pinairal po natin ang pagpa-panic." Segunda naman ni Ryujin.

"Excuse me!" Singit naman ni Daniel na kanina pa nakikinig sa usapan nila.

"Bakit, Hyung? May problema ba?" Tanong ni Ryujin sa nakatatandang lalaki.

"Hindi ko alam..... kung paano ito sasabihin pero.... sa tingin ko, alam ko kung nasaan sila ngayon."

"Anong ibig mong sabihin? -Dahyun

"Hindi naman siguro lingid sa inyong kaalaman na nagtatrabaho ako sa mga Yoo, hindi ba?"

"So? What's the matter? Ano bang alam mo?" -Sana

"Itong paglabas naming ito, iniutos ni Uncle Dennis para makakilos siya nang maayos na hindi nalalaman ni Ms. Reyes. Plano niya na talaga ito noon pa. Naghahanap lang siya ng tiyempo."

"Nagbibiro po ba kayo, Hyung? Paanong magagawa ito ni Papa?" Ani Ryujin.

"Hindi mo pa siya kilala. Pero ang Kuya mo, paniguradong matagal na."

"Marami pa siyang sikreto na malamang sa alam na rin ni Jeongyeon. Hindi ko alam kung alam na rin ba ito ng Mama mo. Pero si Mr. Park lang sa ngayon ang makakapagpaliwanag." Dugtong niya.

"Kung ganun, sabihin mo na saamin ngayon. Kailangan na natin silang mabawi." Ani Sana na kanina pa hindi makatiis.

"Sige. Tutulong ako. Para sa kaibigan ko."

~~

"Siya ba ang kausap mo sa telepono kanina?" Tanong ng ginang sa lalaking kasama niya ngayon sa hardin.

"Oo. Alam mo ba ang lahat ng ito?"

Tango lang ang sinagot ng babae sa kanya.

"B-bakit mo pa siya binalikan kung alam mo naman pala ang lahat ng kapintasan niya? Sorry to say this, Linda but.... Nagpapaka-martyr ka na sa lalaking yun."

"I know. Pero akala ko kasi nagbago na siya. At gusto ko ring mabuo ang pamilya namin ulit. Naging masaya naman ang pamilya namin noon pero kung hindi lang dahil sa mga nangyari...."

"Let's not talk about it for now, Linda. Kailangan na muna nating mabawi ang mga anak natin sa kanya nang ligtas. Pagkatapos, saka natin siya pagbabayarin sa mga ginawa niya, Okay?"

~~

"Akala niyo ba talaga makakaalis kayo dito? Hindi ba ako tapos sainyo, maghintay muna kayo sandali." Aniya ng lalaki na kaharap ngayon nina Jeongyeon at Nayeon.

Hindi pa rin nito inaalis ang pagkakatutok ng baril sa kanila. Ilang sandali pa ay nagsidatingan na rin ang mga tauhan nito.

"Kunin sila at ibalik sa loob." Utos niya sa mga ito.

Wala namang ginawa ang dalawa dahil wala silang laban sa mga ito. Kailangan nilang makalabas ng buhay sa lugar na yun.

~~

"Dad, alam na namin kung nasaan sila?" Bungad ni Dahyun sa Ama nang makabalik ito kasama ang Ina ni Jeongyeon.

"Paano?"

"Alam ni Daniel ang lugar. Ano pa ang hinihintay natin? Sabihin na natin sa mga pulis at iligtas na natin sina Jeongyeon-oppa at Nayein-eonni." Sagot naman ni Sana.

"Hindi yun ganun kadali." Saad naman ni Mr. Park.

"Tutulong po ako kahit anong mangyari. Kung gusto niyo po puntahan ko na ang lugar para makasigurado na tayo." Presinta naman ni Daniel.

"Kahit gusto ko, delikado. Napaka-risky ng pagpunta dun. Paano kung malaman niyang kampi ka saamin?"

"Kung ganun, kakailanganin ko po ang tulong niyo. Kung sakali mang hindi na ako makalabas atleast nagawa ko po ang part ko. Saka.... lahat naman ng trabaho ko ay delikado. Ang pagtangkang pagkuha ko sa anak niyo nung nakaraan...." Ani ng lalaki saka nilingon ang gawi ni Mina bago muling tumingin sa kausap.

"Kung hindi lang ako napigilan ni Jeong noon, baka ngayon.... hindi lang ang anak niyong panganay ang nasa panganib ngayon. Sa tagal kong nagtatrabaho kay Uncle Dennis, nakita ko ang lahat ng lihim niya. Kahit pamilya niya ay hindi exempted kung magiging sagabal rin sila." Dugtong pa nito.

"Sandali, ikaw yung muntik na kumuha sa akin?" Tanong naman ni Mina.

"Tama na! Dahyun, samahan mo na ang mga kapatid mo sa kwarto nila. Magpahinga na kayo. Ako na ang bahala dito." Saad naman ni Mr. Park.

"Hindi, Dad. Gusto ko lang naman malaman ang dahilan nila. Ano ba kasi ang balak ng lalaking yun? May tinatago ba kayo saamin?" Ani Mina.

"Nararapat lang na hindi niyo na malaman pa ang dahilan. Masasaktan lang kayo. Mas lalo na kapag nakilala niyo kung sino ang taong yun, mas lalo niyo lang iisipin na ang lahat ng nangyayaring ito ay hindi sana naganap."

~~

"Pa, iniisip niyo pa rin ba na makasama at makilala ka ng iba niyo pang anak?" Tanong ni Jeongyeon sa lalaking kasama niya ngayon sa isang kwarto.

Hiwalay silang dalawa ni Nayeon ng kwarto para na rin maiwasan na makapagplano sila na siyang iniisip ng kanyang Ama ngayon.

"Gustong-gusto pero hindi ito ang oras para diyan. Kailangan ko munang makuha ang dapat kong makuha sa butihin mong Amo at babawiin ko sila." Sagot nito.

"Gagawin mo yun? Paano kung kamuhian ka nila dahil sa ginagawa mong ito? Kapag nalaman nila ang lahat ng ginawa mo noon?"

"Alam kong hindi yun gagawin ni JinYoung. Alam niyang maaapektuhan ang kambal kapag nangyari yun. Iniisip niya pa rin ang mararamdaman nila kahit papano. Kaya sigurado akong mangyayari pa rin ang lahat ng plano ko."

"Paano kung sabihin kong tutulong ako?"

Dahil sa sinabi ni Jeongyeon ay nilingon siya ng lalaki na hindi makapaniwala.

"Anong sabi mo?" Tanong sa kanya ng nakatatandang lalaki.

"Tutulong ako. Tutulungan kita para matapos na ang lahat ng ito. Ayoko rin namang magtagal pa ang lahat ng ito. Ayokong..... May madamay pang mga inosente sa plano niyo. Ako na ang bahala kay Mr. Park sa pagkumbinsi sa kanya na ibigay ang gusto mo. Kakausapin ko rin ang triplets para maintindihan nila ang side niyo. At pati na rin kay Mama at kay Ryu."

"Bakit mo ito ginagawa?"

"Gusto kong maging maayos ang lahat, Pa. Ayokong masira ang relasyon ko kay Mr. Park, maging ang pamilya natin. Sana ganun din ang gusto niyo."

Fix Our Future (2yeon Fanfic) Completed Where stories live. Discover now