Chapter 6

73 5 0
                                    

Chapter 6

Isang babae ang bumaba sa isang sasakyan at nakita yun ng isa pang babaeng may-ari ng bahay na tinigilan ng sasakyan.

Lumapit ang babaeng may-ari ng bahay sa gate nila at inusisa ang dumating na babae.

Nagkatitigan muna ang dalawa bago magsalita ang may-aring babae na mas matanda sa dumating na babae.

Samantala sa Hotel, palabas na si Jeongyeon at nakita niya naman ang triplets at ang mga bodyguards nito na palapit sa kanya.

Ngunit napansin niyang wala si Nayeon.

"Sandali lang po mga Ma'am, nasaan si Ms. Nayeon?" Tanong niya sa mga ito.

(Yung mga naka-highlights na letters, yun ang mga pag-uusap nila in Korean. Para hindi rin kayo malito kasi nga nasa Philippines sila.)

"Nauna na syang umalis kanina pa. Ang sabi niya may dadaanan pa daw kasi siya eh." Sagot naman ni Sana.

"Ganun ba? Saan naman kaya siya nagpunta? Hindi man lang siya nagsabi." Sambit naman ni Jeongyeon sa sarili na narinig ng tatlo.

"May sinasabi ka, Mr. Yoo?" Usisa ni Mina.

Ang totoo, narinig niya naman lahat. Gusto niya lang alamin mula sa lalaki.

"Ah! Wala po. Halina po kayo." Sagot naman ng lalaki sa kanya.

Nagpatiuna na sa paglalakad si Jeongyeon sa mga ito hanggang sa marating nila ang sasakyan.

As usual, siya ang magmamaneho habang ang ibang guards na kasama nila ay may hiwalay na sasakyan.

Ilang oras ang naging biyahe bago nila marating ang isang papasok na kalsada. Makikita ang hindi karangyaan na mga kabahayan ang nakahilera sa magkabilang gilid ng kalsada.

Napansin nila ang pagtitinginan ng mga tao na nakakakakita sa pagdating nila.

Isang hindi gaanong kalaking bahay ang tinigilan ng kanilang sasakyan.

Unang bumaba si Jeongyeon saka pinagbuksan ang tatlo. Sumunod rin ang mga bodyguards.

Isang pamilyar na sasakyan naman ang nakita nila ang nakaparada sa may gilid ng bahay na sadya nila.

"Sasakyan yan ni Eonni, di ba?" Tanong ni Sana sa mga kapatid niya na tango naman ang naging sagot ng mga ito sa kanya.

Si Jeongyeon naman ay nilapitan ang kanilang gate at napansing naka-lock ito sa loob. Sumigaw rin siya para tawagin ang Mama o kapatid niya mula sa loob.

Isang binata naman ang lumabas sa bahay at pinagbuksan sila.

"Hyung!! Dumating ka!!" Naluluhang saad ng kapatid niya nang makita siya.

"Sabi ko naman sayo, di ba? Gagawa ako ng paraan."

"Ang saya ko talaga ngayon. Salamat, Hyung."

"Teka lang. Hindi ko pa nga naibibigay ang regalo ko eh."

"Sige. Pasok na muna tayo." Alok naman ni Ryujin sa kanya.

"Sandali, May kasama ako." Pigil naman ni Jeongyeon sa kapatid saka nilapitan ang mga amo.

"Bro, mga amo ko." Pakilala niya sa mga ito.

Kumaway naman ang tatlo sa kapatid niya at binati sa kaarawan nito.

"Annyeonghaseyo, Noona/s!! (eldest sister for guys) Let's go inside." Bati niya naman sa mga ito saka pinapasok sa bahay.

"Nasaan nga pala si Mama?" Tanong niya sa kapatid.

Fix Our Future (2yeon Fanfic) Completed Where stories live. Discover now