CHAPTER 4

53 2 1
                                    

CHAPTER 4

DANICA

Tahimik akong nakaupo habang kaharap ang walang hiyang lalaking ito na nakasabay ko sa loob ng bus at ang umubos ng baon kong suman. Sa dami-rami ng tao sa mundo itong bwesit na ito pa talaga ang makikita ko.

Nadagdagan na naman ang sama ng loob ko ngayong araw. Kung minamalas ka nga naman. Kung sino pa 'yong taong ayaw mong makita saka naman nagtatagpo ang landas ninyong dalawa.

"B-bakit gan'yan ka makatingin?" Tanong niya sa akin. Nagpalipat-lipat naman ng tingin ni Sir sa aming dalawa. Nagtataka.

"You know each other?"

"Ahhmm yes?" Alanging sagot ng hinayupak na ito. E kung isaksak ko kaya sa ngalangala niya itong ballpen na hawak ko?! Kagigil siya ha.

'Kalma Danica...habaan mo pa ang pasensya na meron ka ngayon'

"Oo." Diretsong saad ko. " Paano ko ba hindi malilimutan ang pagmumukha ng hinayupak na 'yan." Nanggigigil na saad ko pa, kumukulo talaga ang dugo ko sa bwusita na 'to.

"Hey, bakit parang galit na galit ka naman yata sa akin?" Tanong niya sa akin habang prenteng nakasandal sa kaniyang inuupuan.

"Hindi parang, dahil galit na galit na galit na galit ultra mega na galit talaga ako sa 'yong bwesit ka." Inis na saad ko pa, kung kayo kaya ang nasa position ko, ewan ko lang kung 'di kumulo ang dugo mo.

"Why? Wala naman akong natatandaang atraso sa 'yo ah." Saad niya, bahagya pa niya akong tinitigan habang nagtataka kung bakit gano'n na lang ang inis ko sa kaniya.

"Baka nakakalimutan mo na ikaw ang umubos ng baon kong suman?!" Inis na saad ko at saka siya tiningnan ng masama. Ang kapal naman talaga ng pagmumukha ng isang ito. Ni hindi man nga lang nagawang magpaslaamat.

"What? Nagagalit ka dahil lang sa kinain ko ang baon mong suman?" Tanong niya sa akin habang hindi makapaniwala.

"Anong lang? H'wag mong malang lang 'yon! Alam mo bang dahil d'yan sa katakawan mo ha?! Nawalan ng laman ang sikmura ko buong maghapon?!" Sigaw ko pa sa kaniya at binato siya ng unan na agad naman niyang nasalo.

"Hey it's not my fault ok, gutom lang talaga ako no'ng araw na 'yon." Depensa pa niya sa akin.

"What are you doing here Nyle?" Tanong naman ni Sir sanhi para mapatigil kami sa paguusap.

"Nothing, patambay ako." Tipid na sagot naman nito. Aba ang kapal naman talaga ng pagmumukha ng isang 'to.

"Tss."

"Hey man what's that? Hindi mo man lang ba ako namiss?" Tanong nito at bahagyang nagpahalumbaba.

"Baka gusto mong ihagis kita palabas?" Masungit na saad ni Sir habang hindi inaalis ang tingin sa mga papel na binabasa niya.

"Ihagis mo na lang mula dito Sir sa itaas ng building." Suhestyon ko pa. "Sagot ko na ang kape, Nescafe pa."

"Ouch you hurting me Ms. Suman Girl, alam mo ba na maraming iiyak kapag nawala ang isang tulad ko sa mundo? Sa dami ba naman ng babaeng naghahabol sa akin." Pagmamayabang pa niya habang itinuturo ang pagmumukha niya. E kung bangasan ko kaya ang pagmumukha na ipinagmamalaki niya?

"Baka naman aso ang maraming naghahabol sa'yo, mukha ka raw kasing buto-buto." Nakangising saad ko. Bigla naman siyang napasimangot dahil doon.

"Hey, baka gusto mong ipakita sayo ang abs na iniingatan ko?"

"Wag mo ng ipakita, sarilihin mo na lang 'yan baka magkaroon pa ako ng sakit sa mata dahil d'yan."

"You looks like a living bone Nyle." Nakangising saad ni Sir, halatang nang aasar.

"Hey that's not true!" Maktol pa nya.

"Whatever dude."

Tiningnan naman niya ako ng masama at pagkatapos ay saka ako inirapan. Aba?! Ang kapal naman talaga ng pagmumukha nito e. E kung bigwasan ko kaya ang isang ito.

"Danica, make us some coffee." Utos sa akin ni Sir. Tahimik naman akong tumayo at lumabas ng opisina niya.

"Uhmm Miss, saan ba dito pwedeng magtimpla ng kape?" tanong ko. Tinaasan naman niya ako ng kilay at saka ako pinasadahan ng tingin.

"Sumunod ka sa akin," saad nito at saka ako muling inirapan. Problema naman ng isang 'to.

'Pigilan mo ang sarili mo Danica baka madukot mo ang mata ng babaeng 'yan na kinulang sa tela.'

Tahimik lang akong sumunod sa kaniya dahil baka 'di ako makapampigil at gawin kong walis tambo ang buhok niya.

"That's the coffee maker." Turo pa niya sa akin, saad niya at agad akong iniwang magisa. Napakamot ako sa aking batok dahil hindi ako marunong gumamit ng coffee maker na sinasabi niya.

"Have a problem Miss?" Nilingon ko naman ang lalaking bigla na lang nagsalita mula sa likuran ko. Singkit ang mga mata, mapupulang mga labi, may dimples at mapuputing mga ngipin, halata rin ang maputi nitong balat, talo pa ako sa kakinisan.

'Lalo kang nagmumukhang dugyot ngayon Danica!'

"Ano kasi, hindi ako marunong gumamit ng coffee maker." Nahihiyang saad ko pa.

'Sorry naman, wala kasi niyan sa bundok.'

"Really?" Namamanghang tanong niya pa. Tumango naman ako habang pasimpleng kumakamot sa aking batok. " You're so cute, don't worry I'll help you."

Pinamulahan naman ako dahil sa sinabi niya sa akin.

'At kailan ka pa natutong lumandi ha, Danica?!'

Ipinakita naman niya sa akin kung paano at pagkatapos ay nakangiti akong tumingin sa kaniya.

"Salamat!"

"You're welcome, saan mo ba dadalhin 'yan?" Tanong niya sa akin. Itinuro ko naman ang opisina ni Sir.

"Really? Then let's go, doon din ang punta ko." Nakangiting saad pa niya at sinabayan ako sa paglalakad. Siya narin ang nagbukas ng pinto para makapasok ako.

Ipinatong ko ang kape sa ibabaw ng mesa ni Sir at ang isa naman ay iniabot ko sa bwusita niya.

"Hey Man!"

"Hey Tristan," bati naman ng bwusita. Magkakilala sila?

"What are you doing here?" tanong naman ni Sir at saglit na hininto ang ginagawang pagbabasa.

"Nagpunta lang ako dahil pinapasabi ni Mom na kailangan mong pumunta sa wedding anniversary nila ni Dad, dahil kung hindi magtatampo siya sa'yo."

"Sure, pakisabi kay Tita na darating ako."

"Mukhang mapapadalas yata ang pagpunta ko rito ah." Nakangiting saad niya at bahagya pa akong nilingon. Napaiwas naman ako ng tingin dahil parang gusto kong pisilin ang pisngi nitong si Tristan.

Lumapit ito sa akin at pagkatapos ay inilahad ang kamay niya sa akin. "Hi, I'm Tristan."

"Danica."

"You're so cute." Nakangiting saad niya at bahagyang ginulo ang buhok ko. Bigla namang nasamid si Sir pati ang isa niya pang bwusita.

"Gsgu ang init!" Malakas na sigaw ng dalawa.



Bạn đã đọc hết các phần đã được đăng tải.

⏰ Cập nhật Lần cuối: Sep 16, 2022 ⏰

Thêm truyện này vào Thư viện của bạn để nhận thông báo chương mới!

The Unexpected Encounter Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ