CHAPTER 2

49 1 0
                                    

CHAPTER 2

DANICA

Nangangalay na ang braso at kamay ko at saglit ko pang hinintay na makipagkamay siya sa akin pero tinaasan lang niya ako ng kilay. Ibinaba ko na lang ang kamay ko saka umayos ng tayo.

'Ang arte naman nitong si sir!'

Saglit siyang tumikhim bago ako seryusong tiningnan. " So, because of what happened...you're going to work here as my personal maid, secretary, and my slave. In short wag kang lalayo sa tabi ko."

Napakunot naman ako ng noo dahil sa sinabi niya. "Nahiya pa kayo sir, sana ikinadena niyo na lang ako sa inyo para kahit saan kasama n'yo ako."

Muli niya akong sinamaan ng tingin na para bang nagsasabi na, ' isang salita mo pa tutuluyan na kita,'

'Sabi kasing manahimik ka na lang Danica Lacompoque dahil malilintikan ka pa!'

"Katulad nga ng sinabi ko, magtatrabaho ka sa akin para mabayaran mo 'yong utang mo sa akin, dahil sa ginawa mong pambabato sa sasakyan ko."

"Anong pambabato Sir? Aksidente naman kasi ang nangyari!" Padabog na saad ko sa kaniya. Tama naman ako ah! 'Yong karinderya naman talaga 'yong babatuhin ko kaso sasakyan niya ang natamaan. Malay ko ba kung sablay akong bumato?!

"Tahimik. Titigil ka lang sa pagtatrabaho sa akin kapag tapos mo nang bayaran ang utang mo sa akin."  Seryusong saad nya pa at muling uminom sa kaniyang kape.

'Bakit kasi 'di mo sinigurado kung alin ba dapat ang tatamaan! Nagkautang ka pa tuloy!'

"Hmm Sir, malala po ba 'yong tama no'ng sasakyan ninyo? Baka naman pwedeng pang daanin sa alam niyo na ako na lang mag aayos,"

"Absolutely yes! That's the newest brand of sportscar and binato mo lang, did you know na nagkakahalaga 'yon ng ilang milyon?"

'Bwesit! Bakit sobrang mahal naman yata no'ng sasakyan nya?! Gawa ba 'yan sa ginto?!'

Napadabog na lang ako dahil sa sobrang inis. Wala nga ako kahit na piso! Saan ako kukuha ng milyon? Kahit yata magtrabaho ako hanggang pumuti ang buhok ko ay wala parin akong makikita na milyones! Paano kaya kung...

"Sir may kilala ba kayong MMMM?"

"MMMM?"

"Oo sir!"

"What's the meaning of that?" Nagtatakang tanong pa niya at inayos ang kaniyang pagkakaupo at seryusong akong tiningnan. Para siyang isang bata na handang makinig sa teacher niya dahil takot mabato ng chalk o eraser.

"MMMM, Matandang Mayamang Madaling Mamatay! Ano kaya sir kung mag asawa na lang ako n'yan, tapos edi kabang natigok na siya sa akin mapupunta mga pera niya, edi mababayaran na kita." Nakangiting saad ko pa saka siya nginitian ng malaki.

'Ang talino ko talaga.'

"What the fuck?! Are you insane?!!" Malakas na sigaw niya sa akin, bahagyang pa siyang napatayo no'ng sabihin niya 'yon. Napangiwi na lang ako dahil sa sobrang lakas ng sigaw niya sa akin. Inayos niya ang suot na damit bago ako sinamaan ng tingin at pagkatapos ay tinaasan ako ng kilay.

'Panutin ko 'yang kilay mo Sir e!'

"Anong papanutin?!"

Napatakip naman ako ng bibig dahil do'n. Nasabi ko pala...akala ko pa naman hindi. "Ahh hehehe 'sabi ko Sir Boom panot, boom boom panot panot, 'yong kanta ni Vice Ganda hehehehe."

The Unexpected Encounter Where stories live. Discover now