Eleven Four

15 0 3
                                    

Pagkatapos nung ka-dramahang ginawa namin ay umuwi kami. Kahit matinding sakit ang naramdaman ko kanina at ngayon, ay gumaan na ang loob ko. Malaki ang pasasalamat kong inintindi niya ako. Hindi niya ako hinayaang bumagsak at tuluyang mawasak. Sa simpleng yakap niya kanina ay napigilan ang pagkabiyak ng puso ko. Binuo niya ako ulit.

Mas lalong lumalim ang pag-ibig ko para sa kanya. Bahala na kung kaibigan lang ang turing niya sa akin. Basta gagawin ko ang lahat mapasaakin lang sya. Sa ngayon, sisiguraduhin kong ako ang magwawagi. Ipaparamdam ko sa kanya kung gaano kalalim ang pag-ibig ko para sa kanya.

Narealize kong nabaon ako sa lalim ng aking iniisip. Kaharap ko na pala ngayon ang pinto sa apartment ko. Nakatigil sa ere ang hawak kong susi na naghihintay kung kailan ko ipapasok sa doorknob. Pinasok ko na, inikot, at tinulak ang pinto. Nasa ayos ang lahat. Walang nakakalat na damit, papel, jeans, o pakete ng chichiria sa sahig o mesa. Malinis ang lahat. Hindi na mukhang garbage site.

Nilapag ko sa mesa ang hawak kong susi at nadatnan ang isang cinnamon cake, ang paborito ko. May naka-attach na note sa cake.

Dear Elly,

Dahan-dahan sa pagkain, baka mabilaukan ka. Sorry kung hindi mo ako naabutan. Kailangan ko ng pumasok sa trabaho e. Pakabait ka ha?

Ang iyong magandang ina,

Amelia

P.S. Tumingin ka sa salamin at makikita mo ang gwapong nakangiti at namumula ang pisngi.

Ginawa ko ang huling sulat ni mama. Totoo nga, nakita ko ang sarili kong nakangiti at namumula ang pisngi. Nakangiti ako dahil hindi ako pinapabayaan ni mama kahit may ibang pamilya na sya. At hindi sya galit dahil sa hindi ko pagsama sa kanya. Na naiintindihan niyang hindi ko pa kayang tanggapin na may papalit sa pwesto ni papa, na magbabago na ang ituturing kong pamilya. Namumula ako dahil tinawag niya akong Elly, nickname ko 'yun at sina mama at papa lang ang tumatawag sa akin ng ganun. May masayang luha ang tumulo sa aking pisngi. Miss ko na ang pamilya namin dati. Pero masaya pa rin ako dahil nakayanan namin ni mama ang pagkawala ni papa.

Nag-init ako ng tubig tapos dumiretso sa banyo at naligo. Matapos maligo at makapagbihis ay nagtimpla ako ng kape. Kumuha ako ng tinidor at sinimulang kainin ang paborito kong cake.

"Mmmm..." nakangiti ako habang ngumunguya.

Gumalaw naman ang cellphone kong nakapatong sa mesa. Nagva-vibrate ito. Inabot ko at sinagot ang tawag ni Jamie.

"Hello Jamie?"

"Oy Eleven! Asan ka? Practice tayo!"

"Huh? Di ba wala tayong----"

"Nagbago ang isip ni Sir! Kailangan daw perfect ang presentation natin ngayong Friday!"

"Pero kumakain pa---"

"Cinnamon cake ba 'yan?"

Tumahimik ako. Naging greedy ang tiyan ko at ayaw sabihin kay Jamie na cinnamon cake nga 'to. Paborito niya rin kasi ito at mas maliwanag pa sa sikat ng araw na pupunta siya rito at uubusin ang cake.

"Ah, hindi---"

"Oy oy, wag kang magdeny! Alam kong cinnamon yan kasi matagal kang sumagot! Magsisinungaling ka pa talaga sa akin ha?! Parating na ako dyan!"

End call.

Hala, patay ako nito. Natataranta akong tumayo at tinungo ang maliit kong kusina. Nasa kalagitnaan ako ng pagkuha ng plato ng may kumatok sa pinto.

"Si Jamie," binilisan ko pa lalo ang pagbalik sa maliit kong sala. Hinati ko ang cake at nilagay ang kalahati sa platong dala ko tapos dali-daling tinago sa cabinet ang plato na may cake. Kumuha ako ng plastic na mangkok saka ginamit pantakip sa cake. Tinulak ko ang plato hanggang sa pinakasulok ng cabinet. Inabot ko ang mga carton ng coco crunch atsaka nilagay sa harapan ng cake para matakpan ito.

Eleven and Eureka and ElijahWhere stories live. Discover now