Eleven Two

9 0 1
                                    

Walang kakupas-kupas si Sapphire. Napakaganda at elegante nya sa suot nyang purple na dress. Minsan naisip ko na ba't kaya ang hilig nya sa dress. Sa Facebook ko lang sya nakitang naka-tshirt, jeans at shorts. Bagay naman sa kanya lahat ng damit e.

"You look...awesome," bati sa akin ni Sapphire. Malagkit ang tingin niya sa akin. Ilang ulit syang tumingin mula ulo ko hanggang paa.

Naramdaman ko ang pag-init ng aking pisngi. Pilit kong pinipigilan ang namumuong ngiti sa aking labi. Tumungo ako sabay kagat sa 'king dila.

"Okay ka lang?" hinawakan niya ang baba ko, dahan-dahang inangat at nagtagpo ang mga mata namin. Kumikislap ang mga mata nya na tila sa isang galaxy ako nakatingin.

Bumilis ang tibok ng puso ko. Sinubukan kong magsalita pero walang lumalabas na boses mula rito. Pumikit ako at nilakasan pa ang pagkagat sa aking dila hanggang sa naluluha ang mga mata ko.

Damn Sapphire, lalo mo akong pinapa-in love.

"Oy, okay ka lang?" pag-ulit niya.

Tumango ako. "Uh, yeah, medyo, um...may iniisip lang."

Tumaas ang kaliwang kilay niya. "Hm? Ano naman 'yun?"

Hinugot ko ang buong lakas para kumalma. Malakas ang tibok ng puso ko, parang speaker sa disco. Mahirap itago ang ngiti ko. Ayokong isipin niyang kinilig ako sa sinabi niya. Ang totoo kinilig talaga ako, pero nakakahiya pag pinakita ko. Isa pa hindi pa niya alam na mahal ko siya.

"Ano, ahh, masaya lang na pumayag ka sa date natin," sagot ko kalaunan.

Ngumiti siya. "Syempre, 'di ko tatanggihan ang friendly date kasama ang best friend ko!" Niyakap niya ako.

Friendly date. Best friend.

Nanghina ang mga tuhod ko habang nakatingin sa kawalan at pilit ngumiti nang tingnan niya ako matapos yakapin. Blurry ang mukha ni Sapphire. Hindi ko makita ang expression ng mukha niya. Nilipat ko ang tingin sa iba, katulad lang din kay Sapphire. Blurry ang lahat. Bumibigat ang mga mata ko. Parang sinuntok ako sa puso. Parang sinikmuraan ako ni Pacman. Parang kinagat ng piranha ang puso ko. Masakit. Masyadong mabigat sa loob ko.

May mainit na luhang tumulo. Hindi ko napigilan. Agad kong pinunasan 'yun at naglabas ng pekeng ngiti. "Nakakapuwing dito sa labas, pasok na tayo."

Hinawakan ko ang kamay niya at dumiretso sa loob. Iniwasan ko syang tignan ulit. Kailangan ko munang pagaanin ang nararamdaman. Nagpaalam ako sa kanya na magsi-CR lang saglit.

"Sige, I'll wait here," sabi ni Sapphire.

Pagpasok ko sa CR ay agad akong nanghilamos. Binunot ko ang panyo sa bulsa at pinampunas sa aking basang mukha. Tiningnan ko ang sarili sa salamin. Pumikit ako tapos huminga ng malalim.

"Iisipin ko lang ang mga masasayang moments namin at mawawala 'to," bulong ko sa sarili. "Okay lang ako. Kaya ko 'to. Hindi ako susuko."

I sigh.

Lumabas na ako at hinahanap si Sapphire. Nakita ko sya sa isang mesa at kumakain ng burger. Pagkakita niya sa akin ay ngumiti sya ng malapad sabay kaway. Umupo ako sa tapat niya.

"Gusto mo?" iniabot nya sa akin ang burger na nangangalahati na. Umiling ako bilang pagtanggi at dinagdagan ng pekeng ngiti.

"Bigay lang 'to sa akin," dugtong nya.

"Ni Jason?"

Nag-iba ang itsura nya. Nakakunot ang noo at nanliit ang mga mata. "NO. Ba't sa lahat e sya naisip mo?"

Inabot ko ang kamay nya. "Sorry, may...um, basta. Sorry."

Ayokong sabihin sa kanya na naiinis ako sa sinabi niyang friendly date lang ito. Para sa akin higit pa roon ang date na ito. Hindi ko rin naman sya masisisi lalo na't wala syang kaalam-alam sa nararamdaman ko para sa kanya.

Eleven and Eureka and ElijahTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon