Eleven Prologue

31 1 0
                                    

Ang init ng panahon. Sumasakit lalo ang ulo ko. Dagdag pa yung tambak na activities ng eskwelahan. Binalak kong umuwi sa apartment at matulog. Malas lang may klase pa 'ko.

Parang school of fish ang mga estudyanteng naglabasan mula sa classroom. Kumpul-kumpol e. Maingay na ang hallway. Lalong uminit nung dumaan sila sa akin. Nang nakalabas na ang lahat ng naunang mga estudyante ay pumasok na 'ko sa classroom. Hinanap ko yung pwesto malapit sa bintana. Swerte namang wala pang nakakauna. Nagsipasok na rin ang mga kaklase ko at paunti-unting napupunan ang mga bakanteng silya.

Pagkaupo, nakita ko sa bintana ang dalawang ibon na naghahabulan. Yung isa lilipad patungo sa kable ng kuryente, susundan naman nung natira, at babalik na naman yung isa sa sanga tapos susunod na naman yung natira. Paulit-ulit lang nilang ginagawa yun. Minsan gusto kong maging ibon. Kasi diba, mababaw lang ang kaligayahan nila? Simple lang ang ginagawa nila tapos inuulit, pero yung kasiyahan nila abot langit.

Sabagay, nagmamahalan sila kaya kahit gaano pa kasimple ang mga bagay ay nagiging espesyal kapag sila ang gumagawa. Ito yata ang dahilan kung bakit masarap magmahal. Parang nilalagyan ng pag-ibig ng sugarcoating ang mga gawain at iisiping sweet kahit di na man talaga. Kahit nga simpleng eye contact sa taong mahal o crush mo ay tila pinapalutang ka sa ere.

Pumasok na si Mrs Elena, late sya ng ten minutes. Walang sumita na nalate siya. Pero kapag isa sa aming mga estudyante ang nalate, sasabog na kaagad 'yan. Magsi-sermon na naman tapos kung anu-anong bagay ang sinasabi na wala namang kinalaman sa subject. Pinanindigan talaga niya ang pagiging halimaw. Ganoon pa rin ang itsura niya, nakalugay ang patay na buhok, manipis ang mga kilay, maputla ang mukha, at parang bibig ng gold fish ang kanyang mga labi. Makakapal at matataba. Mapupula pa.

"Class, today, we'll tackle this..." nagsimula ng magdiscuss si Mrs Elena.

Ako naman, sinusulat ang mga sinasabi niya. Mas gusto kong isulat ang mga dini-discuss nya at sa apartment babasahin. Kasi di ko gustong magka-nightmare nang dilat ang aking mga mata. No offense pero nakakabother ang itsura niya. Isipin na lang ang taong tumatae habang nagdidiscuss. 'Yan si Mrs Elena. Though magaling naman syang magturo at mataas ang score ko last midterm. Mahirap lang talagang makinig nang nakatingin sa kanya.

Mabilis naubos ang isang oras at tapos na kaagad ang klase. Yung itsura ng mga kaklase ko parang galing sa ROTC. Haggard. Pawisan e. Tila dumaan sila sa gyera.

Paglabas ko medyo lumalamig ang hallway. Hindi na tulad kanina na parang walang kwenta ang bubong ng building dito. Lagpas ang init ng araw. Pagbaba ko sa second floor ay naisipan kong tumambay muna sa library. Hindi para magbasa, gusto ko lang magpalamig. Kanina pa 'ko pawisan e. Sayang naman ang tuition ko kung hindi ko lulubusin ang aircon dito sa lib. . Kumuha na rin lang ako ng libro, baka makita pa ako ng librarian at kainin ng buhay. State university ang pinapasukan ko tapos iilang classrooms lang ang de air con.

Tuyo na ang katawan kong kanina'y nalunod sa pawis kaya lumabas na ako matapos maisauli ang librong binasa ko. Bumaba ako sa first floor, naglakad na naman sa hallway, at hanggang sa nakalabas ng gate. Palinga-linga lang ako. Naghihintay ng traysikel. May babaeng tumabi sa akin.

Maganda sya. Nakasampay sa balikat nya ang itim na bag--yung nilalagyan ng gitara--habang enjoy na enjoy sa pinapakinggang musika hatid ng kanyang pink earphones. 'Yung wire nakatago sa loob ng kanyang t-shirt hanggang sa bulsa ng kanyang skinny jeans na yumayakap sa kanyang mga hita. Converse ang sapatos nya, kulay pink.

Binalik ko ang atensyon sa kalsada.

Tinaas ko ang aking kamay at pinara yung green na traysikel. Nag-U turn muna ito bago huminto sa tapat ko. Nauna akong sumakay tapos sumunod yung babae.

Eleven and Eureka and ElijahDonde viven las historias. Descúbrelo ahora