PROLOGUE

13 1 0
                                    


HINDI mawala ang ngiti ni Zendaya habang nakikipag-chat siya sa kaniyang manliligaw. Kagigising palang niya sa umaga ay una niyang tiningnan ang kaniyang messenger at bumungad sa kaniya ang pagbati sa kaniya ni Rafael nang 'Good morning' simple lang naman iyon pero dahil siguro sa crush niya ang kausap at kalauna'y naging manliligaw niya kaya naman ganoon na lang ang pag-aalburuto ng kaniyang tiyan na animo'y may nagsisiliparang mga paru-paro doon.

"Hayy naku! Kung ganito ba naman araw-araw, edi baka makalimutan ko na ang almusal ko," napahagikgik pa siya habang tumitipa ng mensahe pabalik kay Rafael. Binati niya rin ito nang magandang umaga at hindi naman nagtagal ay tumunog ulit ang messenger niya.

Rafael Derossan: Mag-almusal ka na dyan o baka gusto mong sabay na tayo sa canteen?

Nag-tipa si Zendaya nang mabilis.

Me: hintayin mo na lang ako sa canteen, sabay na tayo.

Nang mai-send niya ang message niya ay nagpagulong-gulong muna siya sa kinahihigaan bago bumangon at kinuha ang kaniyang tuwalya. Patakbo siyang lumabas sa kuwarto habang bitbit parin niya ang kaniyang cellphone. Bago siya naligo ay nagpaalam muna siya sa ka-chat.

Nag-shampoo siya, pinadaanan ng sabon ang bawat kasuluksulukan ng katawan niya. Nang matapos ay mabilis siyang nagbanlaw at pinatuyo ang katawan gamit ang tuwalyang dala niya bago iyon itinapi sa kaniyang katawan. Nagmamadali siyang lumabas sa banyo habang bitbit parin ang kaniyang cellphone. Nadaanan niya pa ang tatay niyang nagluluto ng kanilang pang-almusal.

"Bilisan mo na dyan, Zen. Baka ma-late ka!" Malakas ang boses na ani ng ama.

"Ito na! Magmamadali na," sagot niya sa ama at tumakbo na papasok sa kuwarto.

Matapos niyang maisuot ang undergarments at sando ay sinunod naman niya ang kaniyang uniform. Maayos niyang itinali nang pa-ribbon ang kaniyang necktie. Nagsuklay siya ng buhok bago isinuot ang kaniyang headban na may maliliit na pekeng dyamanteng design. Naglagay siya ng pulbo sa mukha pagkatapos ay naglagay ng liptint sa kaniyang labi. Ang ginamit na liptint ay ginamit niya rin sa pisngi para gawing blush-on. Nang makuntento sa itsura ay tiyaka lang siya lumabas sa kuwarto habang nakasukbit na ang backpack niya sa likod.

Nadatnan niya ang kaniyang kuyang nag-aalmusal narin kasama ang papa niya. Umupo na siya at nagsimula na ring kumain.

"Siya nga po pala, pa," panimula niya. "Sabi nung teacher namin ay one-thousand five hundred daw ang babayaran para sa costume, kasama na raw ang boots at ang baton doon," paalam niya sa ama. Sumali kasi siya bilang isang Majorette sa kanilang school.

Umubo naman ang ama. "Masiyado namang mahal iyan, Zen, baka hindi ko kayanin," sambit ng ama.

Humaba ang kaniyang nguso. "Pero, pa! Ilang araw na kaming nag-pa-practice at sa susunod na dalawang linggo na ang drum and lyre competition!" Maktol niya.

Sinuway siya ng kaniyang kuya. "Zendaya! Bakit mo ba ipinipilit ang hindi natin kaya?!" Nagbabaga ang tingin nito sa kaniya dahilan para manubig ang mga mata ng huli.

Bumuntonghininga ang ama. "Sige na sige na! Sumali ka na riyan. Hahanapan ko na lang ng paraan," napipilitang awat ng ama.

Dahil sa narinig ang binelatan niya ang kapatid. Umalma naman ito sa ama.

"Pero papa! Napakaraming bagay na mas kailangang pagtuonan ng pansin," ani ng kaniyang kuya.

"Tumahimik ka na lang kuya, hindi naman ikaw ang magbabayad, e," pagpaparinig niya pa rito.

Galit naman siya nitong nilingon pabalik. "Palibhasa hindi mo pa naiintindihan ang lahat," anito sa mababang boses.

Pinagpatuloy na lang niya ang pag-kain. Hindi naman kasi puwedeng hindi siya kumain dahil mangungulit ang papa niya at itatanong nang itatanong kung bakit hindi siya kakain. Alangan naman sabihin niyang sabay silang kakain ng manliligaw niya sa canteen baka kung anu-ano namang pangaral ang marinig niya.

Nang matapos silang kumain ay hinatid na sila ng tatay nila gamit ang trycicle na ginagamit nito sa pamamasada. Same school sila ng kapatid kaya lang ay magkalayo ang building nilang dalawa at halos hindi pa sila magkita sa isang araw-na gustong-gusto niya.

"Baon ko, pa," nakalahad ang palad niya sa harap ng ama habang ito ay nakaupo parin sa motor.

Dinukot nito ang limampung piso sa belt bag na luma at inabot iyon sa kaniya. Nagkakamot sa batok na tinanggap niya iyon.

"May baon ka narin namang pananghalian, e. Ayos na iyan," ani pa ng ama.

Humaba ang kaniyang nguso. "Oo na! oo na!"

Nakita niya pa ang pagtalim ng mga mata ng kuya niya, tinarayan niya lang ito at naunang naglakad papasok sa gate. Napangiti kaagad siya nang makapasok at mabilis na naglakad papuntang canteen. Hindi pa naman nagsisimula ang first subject nila. Malayo palang siya ay nakita na kaagad niya si Rafael at mukhang inaabangan siya. Sinupil niya ang ngiti sa labi nang makita ang magandang mukha ng binata.

Naglakad siya palapit dito at hindi maiwasang marinig niya ang mga bulungan ng mga seniors nila.

"Jusko! Itong mga grade seven na ito, oh!" Sabay tawanan ng mga kasamahan ng grupo ng mga senior high.

"Totoo, tayo nga na senior, walang jowa tapos sila..." umaktong naiiyak ang isa.

Tumikwas lang ang kilay niya. Kung makapagsalita akala mo naman ay hindi nila pinagtitinginan ang Rafael niya. Hmp!

"Hey," panimula ni Rafael.

Napakalinis nitong tingnan sa uniform nito. Nasa grade seven pa man sila ay matangkad na si Rafael kumpara sa mga kaedaran nila. Napakaraming nagkakagusto rito, hindi lang ang mga ka-batchmate niya kundi kahit ang mga seniors nila.

"Good morning," she shyly greeted him.

Kapag sa chat lang at hindi niya ito nakikita ay hindi naman siya nahihiyang makipagtalakan dito pero ngayong kaharap niya ito sa personal ay hindi niya maiwasang hindi mailang.

"Tara, kain na muna tayo," aya nito sa kaniya sabay pasimpleng hila sa kaniyang kamay.

Sinupil niya ang ngiting gustong kumawala sa kaniyang labi. Kakaibang pakiramdam ang hatid nito sa kaniya mas lalo namang ngayong hawak niya ang kamay ng dalaga.

May karamihan ang estudyante sa canteen, ang iba naman ay nagmamadali paalis dahil nagsisimula na ang klase. Nang makahanap sila ng bakanteng mauupuan ay tinungo nila iyon habang hindi parin binibitawan ng binata ang kamay ni Zendaya.

Habang nakaupo ang dalaga at nakatanaw sa likod ni Rafael na umu-order ng pagkain ay wala na siyang maisip pang iba, ni hindi niya marinig ang ingay sa paligid, ang kaniyang atensiyon ay nakasentro na lang sa binatang nagpapabilis ng tibok ng puso niya, ang batang puso niya.

"Rafael Derossan!"

Ang lahat ng tao sa canteen ay napatingin sa kaniya, ganoon din ang binata. Matamis siyang ngumiti kay Rafael na nakakunot ang noo sa kaniya pero nangingiti parin.

"Sinasagot na kita!" Malakas ang kaniyang boses.

Ang ilan ay pinagtawanan siya, ang ilan ay humiyaw at pumalakpak pa pero wala na siyang pakealam doon, ang atensiyon niya ay nasa binata at kitang-kita niya ang panlalaki ng mga mata nito bago sumilay ang malaking ngiti sa mga labi nito.

Tinakbo nito ang puwesto niya at walang pasabing niyakap siya ng mahigpit.

Rinig nilang pareho ang hiyawan ng bawat estudyante.

"Wooohhh!"

"Hay naku! Kay bata-bata pa ng mga ito!" Pasigaw nang ginang sa canteen.

"Maghihiwalay din kayo!" Sigaw naman ng ilan.

Tila naingayan naman ang mga tindera sa canteen kung kaya't sinuway nila ang mga estudyanteng patuloy sa paghiyaw sa kanila.

"Magsipasok na nga kayo!" Pagalit na utos ng tindera.

Kumalas sa yakap si Rafael. Nakangiti ito sa kaniya at ganoon din siya.

"Tara, aral na tayo," nakangiting anito.

Matamis siyang ngumiti bago tumango. "Tara na,"

Magkahawak-kamay silang umalis sa canteen at naglakad patungo sa kanilang classroom.



You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 10, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Chapter TeenWhere stories live. Discover now