Kabanata 8

18 2 0
                                    

Makalipas ang ilang minuto ay nasa klase na sila at katulad ng pinangako ni Ali sa kaniya ay pinilit nitong makinig sa professor. He even do seat works na ipinagtataka ng mga kaklase at guro nila. Ngayon lang kasi nila nakitang umattend si Ali sa klase na nakikinig, at nagsusulat pa.

Dahil parehas Buenavista si Ali at Angel ay magkatabi sila ng upuan kaya naman mas nasusubaybayan niya ito,  lalo na kapag patamad-tamad ito at hindi mapakali kakatingin sa wristwatch and keep asking her kung matagal pa raw ba?

Palibhasa hindi sanay humarap sa klase ng buong araw.

"Ms.Versoza excuse raw po sa President ng Music Club may meeting raw po, " Pagkasabi niyon ay tumayo si Ali at nakuha nito ang atensyon ng lahat.

"Bakit nakatayo ka?" Nagtatakang tanong ni Angel habang medyo natatawa.

"Obvious ba?" Nakangising sagot sa kaniya ni Ali.

So, siya ang President?

"Ahh... President ka pala ng Music Club?Hindi kasi halata."

Dahil sa sinabi niya ay nagtawanan ang mga kaklase nila pero mas lumapad ang ngisi ni Ali sa kaniya.

"Baka kapag kinantahan kita ma-inlove ka sa 'kin Mrs.Buenavista." Sinamaan niya ng tingin ang nakangising si Ali habang hindi naman mapigilang hindi kiligin ng mga kaklaseng nakakarinig ng asaran nila kahit ang teacher ay napapangiti na lang rin.

"Stop calling me that! Hindi mo naman ako asawa, " honest na sagot nito.

"Pwede bang magsinungaling ka naman minsan? Nakakainis kasi bakit napaka honest mo?!"

"Liars go to hell."

"Liars go to hell? So funny." Kinurot siya ng dalaga sa braso kaya napadaing ito ng makitang namula ang kinurot nito.

"Oh sya magpaalam muna kayo sa isa't-isa hindi naman kasi halatang mamimiss niyo ang isa't-isa e." Nakisali na rin ang Teacher nila sa pang-aasar.

"Umalis ka na nga Ali!" Pagtataboy nito kay Ali.

"Punta ka sa music room mamaya panoorin mo performance ko." Sigaw nito bago tuluyang lumabas ng classroom.

"Si Ali talaga 'yon? Ngayon ko lang siya nakitang ngumiti."

"Oo nga, saka naninibago ako kasi biruin mo 'yon nakasama natin siya the whole class."

"take note hindi pa siya na-guidance sa araw na 'to,  at wala pa 'kong naririnig na biktima niyan ngayong araw."

Pasimpleng napapailing na lang si Angel sa naririnig. Kahit mga kaklase niya ay napansin agad ang ilang pagbabago kay Ali.

Matapos ang ilang minuto ay nag-dissmissal na,  naalala niya ang sabi ni Ali na panoorin daw niya ang performance nito kaya nagmamadali siyang lumabas ng classroom at nagtungo sa performing theater ng paaralan.

"Oh, Angel! Halika bilis." Hinila siya ni Ana papasok sa loob. Naka stand by lang naman ang mga staff at mga members at halatang nagpapractice pa ang iba pero lahat sila ay nakatuon ang atensyon sa isang lalaking nagi-strum ng gitara, kapartner nito ang napakagandang boses na hindi na bago sa pandinig niya.

Nagtaas ito ng tingin pagka strum ng gitara at nagtama ang mata nila. He's singing while starring at her.

Baby, let me be your man
So I can love you
And if you let me be your man
Then I'll take care of you, you

For the rest of my life, for the rest of yours
For the rest of my life, for the rest of yours
For the rest of ours

Tumigil ito sa pagkanta at pagkatapos ay nginitian siya. Her heart beating so loud and fast na halos pakiramdam ng dalaga ay lalabas na ito sa dibdib niya.

Angel in Disguise Where stories live. Discover now