Pagka dating sa school ay marami na ding estudyante madilim pa rin pero pasikat na ang araw , naka p.e uniform ang lahat dahil color fun run ang mauuna at may basaan. Pagkatapos nito ay magpapalit naman kami ng tshirt na design ng kanya kanyang club para sa parade, there's also lighting of the torch for the opening of intramurals .

"Ok na ako dito mi" she nod before handling me a one thousand peso bill "pambili ng meryinda, wag ka ng umarte" ngumite ako ng malawak aarte paba ako? I gave her cheeks a kiss and bid her goodbye.

Dumaan ako sa locker upang iwan ang gamit bago dumeretso sa council office "good morning" nagulat ako ng batiin ako ni patrick nakatayo ito sa gilid ng pinto ng council room "good morning din" tinanguan lamang niya ako "wala pa si pres?" Naitanong ko dahil mukhang nakatambay lamang siya dito sa labas "nariyan"

Dahil mukhang tinatamad siyang makipag usap ay tumango na lang din ako at pumasok sa loob , nakasalubong ko agad ang mga mata niya.

agad kasi itong tumingin sa direction ko pagkabukas ko ng pinto "good morning pres" ako na ang bumati dahil sandali siyang natulala at bahagyang naka buka ang mga labi

"Good morning ... your schedule's right here" lumapit ako sakanya upang kunin ang folder na inabot niya.

Napasinghap ako ng maamoy ko ang pinag halong bango ng shampoo at cologne niya , nakakaadik, ano kayang gamit niyang pabango at napaka sarap sa pakiramdam amoy fresh!. Sinaulo ko lang ang laman ng folder kong saan nakalagay ang schedule ko. Nakakahiya at baka ma pansin niyang inaamoy ko siya. Patapos na sana ako sa pag babasa ng makita ang nasa dulo ng remarks "bakit sa soccer field ako mag a-assist?"

"I don't know , I'm not the one who fixed the schedules" lumingon ako sakanya but he's also busy reading something on the folder

Di ko mapigilan ang magtaka dahil naka assign lamang ako sa bawat match ng math club bukod doon ay wala ng ibang sports na naka assign saakin.

Nag simula ng magpasukan ang iba naming kasama sa council, nag bigay lang ng pahuling pag papaalala si pres at sabay sabay na kaming lumabas sa school para simulan ang fun run.

Dito ako namamangha lagi kay pres, ang dami niyang na lilikom na funds para sa ganitong mga activities sa school namin, alam mo talagang pinag handaan dahil mayroong tanod at enforcers na nag ro ronda sa daan para ma secure ang safety ng students, bawat point din ay naka prepare na gatorade and water para sa may gusto , at ready na rin ang mag babasa ng tubig sa mga estudyante, nag hire pa talaga ng event organizer si pres para lang dito, at umpisa palang ito

Sumilip na ang araw , ang lahat ay tuwang tuwa dumagdag pa ang malakas na tugtog sa sound system na rinig sa buong school, ramdam na ramdam mo talaga ang eventful na araw.

Umakyat kaming officer sa mobile stage truck na pinrovide din ng organizer.

Naroon ang dalawang mc na kanina pa nag sasalita at pina pa hype ang crowd "eagles! let's all welcome your student councils!!!" Nag hiyawan namang ang mga estudyante , all of them have numbers at the back of their p.e uniform

"Wow! I like the energy!! Whooo , I know you're all very excited but lets hear a message from our very own President!!" Ganoon na nga at nag marcha na si pres papunta sa harap "good morning students" ang buong buo at malamig niyang boses ay bumaha sa paligid ng paaralan . Kulang na lang ay mag lupasay na ang mga fan girls ni pres dahil talaga namang napakagwapo nito sa suot na p.e uniform

Nag bigay lamang ng guidelines si pres at pag papaalala ng safety ng lahat, pagkatapos non ay siya na rin ang nag patunog sa whistle upang mag umpisa na ang fun run.

"Thank you guys for making this event possible I'm very proud of my council students!" Papuri saamin ni mrs. Sta maria ang council adviser namin. Halos wala nadin naman siyang ginawa dito dahil kami ang umasikaso ng lahat. Madami ding teacher ang pumuri saamin dahil talaga daw na excellent ang pag uumpisa palang ng intrams. Nag si alisan na din ang iba kong mga kasama papunta sa point na naka assign sakanila. Ako naman ay hindi na umalis dito dahil ako ang mag aabang kong sino ang mananalo sa color fun run . Of course dito palang ay may pa prize na , for the first runner up hangang third. Not to brag pero 5k ang makukuha ng 1st place plus loot bags and 3k for the second place plus aqua flask and 1.5k para sa third place plus signature school cap.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 17, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Beneath your armsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon