04

12 0 0
                                    

"Mi, uminom po ba kayo?" Kakalabas ko lang sa kitchen ng maabutan ko siyang pumasok sa pinto, naniningkit ang mga mata niya at namumula ang pisnge .

Nang makita ako ay malawak niya akong nginitian "o! Anak ko , nariyan ka na pala. Kumain kana?" tumayo siya ng tuwid sa gilid ng pinto upang huwag ipahalata ang pag susuray suray ng katawan niya

"Opo, Kanina pa ako nakauwi mi" humagikhik ito at nakomperma kong nakainom nga ito, nakatitig lang ako sakanya at hindi parin siya umaalis sa pwesto niya para bang ayaw niya talagang lumapit saakin para hindi ko siya maamoy.

Napabuntong hininga na lamang ako at sinabing aakyat na ako para magawa na niya ang gusto niya. Pilit pa niyang itinago ang kalasingan kahit halatang halata ko naman. Nang makapasok ng kwarto ay agad akong humilata. I searched for my wall clock and saw the time there. Its 11pm

Nakarinig ako ng kalabog kaya napabangon agad ako. Sumilip ako sa pinto at nakitang nabungo ni mommy ang shoe rack sa gilid ng pinto ng kwarto nila ni daddy, I heard her cuss habang ingat na ingat na ibinalik ang mga nalaglag na sapatos.

I went back to bed . I'll talk to her tomorrow mas sanay ako na nakikitang na babadtrip lang siya sa casino mas nakakausap ko pa siya pag ganoon dahil saakin siya nag rarant ng kamalasan niya. And it bothered me na parang biglang ang layo niya saakin, ilang araw pa lang naman siyang nag kakaganito at nag aalala ako.

Ngayon na ang opening ng intramural sa aming eskwelahan, madami akong dalang gamit, mga kailangan sa org at extrang damit dahil nga may color fun run kami , maaga akong naligo at binaba ang gamit ko, nakarinig ako ng tunog nag luluto sa kusina kay iyon ang inuna kong sinilip, naka apron si mom habang nag piprito ng itlog. Good she's back.

Inilagay ko ang mga gamit sa sala bago ako bumalik sa mesa "good morning mii" I kissed her cheeks mukhang nagulat pa siya at hindi agad siya nakabati saakin

"Ang aga mo naman haya di pa sumisikat ang araw" inilapag niya ang pingan na may dalawang sunny side up egg at hotdog "mi diba ngayon yung intrams namin , nakalimutan mo?" Ipinag sandok niya ako ng mainit na kanin "nawala sa isip ko anak, sorry"

Matapos niyang ibigay ang kanin saakin ay umikot naman siya sa counter top at nag labas ng mug "ok lang po, nga pala mi may papa permahan ako na waiver sayo , sandali" umalis ako saglit upang kunin iyon sa bag ko, buti at di ko nakalimutan kailangan din kasi ang consent ng parents para sa mga gagawin naming activities.

Nang makabalik ay nakaupo narin siya sa mesa at may nakalagay din na cup sa gilid ng plato ko , malamang ay ipinag timpla niya ako ng gatas "eto po" ibinaba ni mommy ang hawak na kape . Saglit niya lang iyon binasa at agad na pinirmahan

"Kumain kana, mag aayos lang ako at ihahatid kita" I nod at her , hindi ako kumain ng madami dahil nga tatakbo ako mamaya , nag toothbrush lang ako ulit  at eksaktong bumaba nadin si mommy, pinatungan lang niya ng cardigan ang suot na pantulog pero kahit ganoon ay maayos naman siyang tingnan, namana ko ang pagka mestiza ni mommy , kahit naarawan ay namumula lamang ang mga balat namin at hindi nangingitim.

Habang nag mamaneho siya hindi ko mapigilan ang mapa sulyap sakanya, gusto ko siyang tanungin kahit mukhang ayos naman na siya ngayon "mii..."
Lumingon siya sandali at sinagot ako "bakit?"
Napakagat ako sa labi at napatingin na lamang din sa labas ng bintana "ayos lang po ba kayo?"

Hindi ko nakikita ang reaction niya pero umabot iyon ng ilang minuto bago siya nagsalita "oo naman, wag mo nga akong intindihin may pinag kakabusyhan lang ako"

Tumango na lamang ako kahit di ko alam kung nakatingin ba siya saakin. Mukhang ayaw naman niyang pag usapan iyon. I let go of the thought already , inisip ko nalang na personal iyon at hindi ko maiintindihan , I trust mommy.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 17, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Beneath your armsWhere stories live. Discover now