Chapter 32 (5/6/15)

Start from the beginning
                                    

            Kamusta na siya? Hinahanap ba niya ako? Umiiyak ba siya ngayon?

            Ano ang nararamdaman niya?

            4am, napa-bangon ako sa kama ko nang marinig kong may kumakalampag sa pinto ng apartment ko.

            Dali-dali akong lumabas ng kwarto ko at narinig kong may sumisigaw mula sa labas.

            "JILLIAN!!! JILLIAN!!"

            Shit. Shit.

            I opened the door at tumambad sa akin ang mukha ni West. Bakas sa itsura niya ang grabeng pag-aalala.

            "West—-!"

            Bigla na lang niya akong hinila at niyakap ng mahigpit.

            "Akala ko kung ano ng nangyari sa'yo. Ba't bigla kang nawala? Nag alala ako ng husto, Jillian."

            Napalunok ako. I feel a tight knot in my stomach. Hindi ako makahinga sa sakit na nararamdaman ng dibdib ko.

            I gently pushed West away.

            "Umuwi ka na, West," halos pabulong kong sabi sa kanya without looking at him.

            "Jillian, what's wrong?"

            Umiling ako, "tama na 'to West. Masasaktan ka lang sa akin. Tama na 'tong lahat ng ginawa mo."

            Hinawakan ni West ang magkabilang braso ko at pilit na hinahabol ang tingin ko.

            "Jillian ipaliwanag mo naman sa akin kung anong problema oh? Please naguguluhan na rin ako."

            Umiling ulit ako, "tama na West. Tama na. Basta itigil mo na lang 'to. Tama na..."

            My voice cracked.

            Ang hirap.

            Paano ko ipapaliwanag sa kanya ang lahat ng 'to? Paano niya maiintindihan? Paano ko siya mapapapaniwala na pag itinuloy niya pa 'to, mas lalo lang kaming masasaktan?

            Ang sakit. Ang hirap hirap.

            "Masasaktan lang kita..."

            Napabagsak ang kamay ni West mula sa balikat ko. Inangat ko ang tingin ko sa kanya at kitang-kita ko ang painful expression sa mukha niya.

            "Okay lang sa akin na saktan mo ako basta bigyan mo lang ako ng chance, Jillian!"

            Bumagsak ang luha sa mga mata ko.

            Cupid, kung mababaw lang ang connection na ito, bakit ganitong kahirap? Bakit ganitong kasakit? Bakit willing siyang gawin ang lahat para sa akin?

            "Hindi ako ang para sa'yo," nanghihina at pahikbi-hikbi kong sabi sa kanya.

            Nakita ko ang galit sa mata ni West.

            "Paano mo nasabi ang bagay na yan nang hindi mo pa sinusubukan?!" huminga siya ng malalim at napahilamos sa mukha. "Just tell me the truth Jillian. Wag mo nang paligoy-liguyin pa! Mahal mo ba ako?!"

            Hinarap ko si West habang hindi ko na mapigilan ang sunod-sunod na pag-bagsak ng luha sa mata ko.

            Huminga ako ng malalim. Naramdaman ko ang panginginig ng labi ko. Pilit akong kumukuha ng lakas ng loob para bigkasin ang sagot ko sa tanong niya.

She Who Stole Cupid's ArrowWhere stories live. Discover now