Chapter 10: Blasphemy

Start from the beginning
                                    

"Ayokong makinig, mabaho bibig mo! Pakyu to hell and back." I stuck my tongue out.

Bigla siyang humalakhak habang nakaupo parin sa kinauupuan niya, "Unang araw mo pa lang dito kaya palalampasin ko muna 'yon." Napabuntong-hininga siya, "Alam mo kasi hija, isang malaking kasalanan ang pagmumura. Babae ka, dapat desente ka. Makasalanan lamang ang nagmumura at lahat sila nababagay sa impyerno. Nagmamalasakit ako, gusto kong tumulong. Ayokong masunog ang kaluluwa mo sa impyerno kaya ngayon palang, itigil mo na ang pagmumura. Hindi mo magugustuhan ang mangyayari sayo pag ipinagpatupapatuloy mo yan." Kalmado niyang sambit kaya ako naman ang natawa.

Tahimik silang lahat at ako lamang ang tumatawa. Binuka ko pa ng malaki ang bibig ko para lang lalo siyang mainis. Wala eh, specialty ko to eh.

"Sisa!" Naririnig kong bumubulong na sila Paris, sinusuway na nila ako pero wala parin akong pakialam. Patuloy lamang ako sa pagtawa ng sarkastiko.

Matapos tumawa ng sarkastiko, napabuntong-hininga na lamang ako at muling tinaasan ng kilay si Tatang. "Since mauuna ka naman sa hell Tatangina my ever so ugly abductor, please tell all the little devils there to prepare a banner for me. Make sure my photo is in HD. Also, make sure na maganda ang filter okay? Thanks Tatangina. Mwa!"

Bigla na lamang napatayo si Tatang sabay hampas ng mga palad niya sa mesa dahilan para bahagyang mapasigaw sa gulat ang mga kasama ko. Wow, takot na takot talaga sila kay Tatang samantalang ako heto, chill-chill lang... Well hindi naman talaga ako as in chilled-out, truth be told feel ko maiihi narin ako sa takot but then again, mas matimbang ang galit ko kesa sa takot. I guess anger is distracting me from fear, which I guess is a good thing.

" Serenity hindi ka ba talaga natatakot sakin?! Ano ba ang tingin mo sakin—"

"Ikaw ang kaputa-putahang kinaputa-putahang kaputangputahang putangina sa lahat ng hayop na putangina to the hell and back! Mamatay ka na! Mamatay ka na! Leche ka! Hayop ka! Demonyo ka! Mamatay ka na! Pumutok sana ang fishballs mong hayop ka!" Sumigaw ako ng ubod ng lakas, parang mapipigtas na ang ugat sa lalamunan ko pero hindi ako huminto para man lang huminga. Inilabas ko sa sigaw na yon ang lahat ng sakit sa puso ko pero wala parin itong talab, nangingnig parin at nagpupuyos ang buong sistema ko dahil sa galit. Ito na ata ang pinakamatinding mura at sigaw na nagawa ko sa buong buhay ko.

Nagulat ako nang mapansing kong wala na sa kinauupuan si Tatang at naglalakad siya palapit sakin bibit ang isang lalagyang hindi ko alam kung ano ang laman.

Napakabilis ng mga pangyayari.  Wala na akong nagawa pa nang sa isang iglap ay bigla siyang may nginungod sa mukha kong pagkaanghang-anghang. Ang hapdi sa mga mata at halos hindi ako makahinga. Parang nasusunog ang baga ko nang malanghap ito. Marahas niyang hinawakan ang panga ko at pinilit akong ibuka ang bibig ko. Kahit na anong pilit kong pagmamatigas, hindi ko magawang makailag mula sa kanya. Masyado siyang malakas. Napakasakit na ng pagkakahawak siya sa mukha ko kaya napatili lamang ako sa sakit at doon ay bigla niyang ipinalamon sakin ang ikinukuyom niya sa palad niya—Napakaraming chili powder.

Wala akong ibang nararamdaman o nalalasahan kundi anghang. Sa sobrang anghang ay pakiramdam ko ay nasusunog na ang bibig ko. Hindi siya tumitigil, patuloy siyang dumudukot ng chili powder mula sa lalagyan at paulit-ulit itong nginungudngod sa mukha ko't pinapalamon sakin.

"Ano?! Magmumura ka pa?! Magmumura ka pa?!" Nanggagalaiti niyang sambit habang pinapalamon sa akin ang chili powder.

Sigaw ako ng sigaw hanggang sa mapasuka na ako. Parang nasusunog ang loob ng katawan ko lalo na ang lalamunan at bibig ko. Hindi ako makahinga, napakahapdi ng hanging nalalanghap ko. Para akong nasusunog.

Ubo ako ng ubo, pilit kong isinusuka at iniluluwa ang bawat pinapalamon niya sakin pero lalo naman niyang dinadagdagan ang chili powder na inginungudngod sa mukha ko. Idinidiin niya ang palad sa mukha ko kaya halos hindi na ako makahinga. Ang init, hindi ako makahinga!

Bigla niyang tinadyakan ang kinauupuan ko dahilan para bumagsak ako sa sahig kasama ito. Napakasakit ng pagpasak ko pero balewala ito sa katawan at mukha kong tila ba nag-aapoy na sa anghang.

"Putangina mo! Putangina mo! Mamatay ka na! Mamatay ka na!" Paulit-ulit akong sumisigaw kahit pa hindi na ako halos makahinga. Suka ako ng suka at ubo ako ng ubo, Ang sakit ng ulo at lalamunan ko, pakiramdam ko sasabog na ang ulo ko.

Habang sumusuka ay napasulyap ako sa kanila... Lahat sila ay nakapikit at para bang nagdarasal samantalang si Paris naman umiiyak habang umuusal ng dasal.

Ang anghang parin ng bibig ko. Pakiramdam ko ay wala na akong maisusuka at mailuluwa pa. Kailangan ko ng tubig pero alam kong imposible itong maibigay sa akin ngayon.

Sa sobrang sama ng pakiramdam ko ay nararamdaman kong bumibigat na ang talukap ng mga mata ko. Unti-unti na akong nawawalan ng lakas. Hindi na ako makahinga. Pakiramdam ko'y nasa impyerno na nga ako at sinusunog.

"Ang huling nagmura dito ay pinutulan ko ng dila kaya wag mo akong gagalitin! Wag kang gumaya sa kaibigan mong matigas ang ulo!"

Nanlaki ang mga mata ko sa narinig.

Sa isang iglap, parang namanhid ang buong katawan ko at lalong rumagasa ang luha ko.

Pakiramdam ko'y muli na namang nawasak ang puso ko.

"Julia!!!" Napatili ako at hindi ko na napigilang magwala kahit pa nakatali parin ako at bagsak sa sahig kasama ang upuan.

"Hayop ka! Hayop ka! Mamatay ka na! Kahit patayin mo ako, hinding-hindi kita titigilan! Ako mismo ang papatay sayo! Masusunog ka sa impyerno! Ibabalik kita sa impyernong pinanggalingan mo!" Tumili ako ng tumili habang humahagulgol. Wala na akong pakialam kahit pa hindi na ako makahinga at kahit pa tumutulo pa mula sa bibig ko ang mga naiduwal ko.

Nakita kong pinulot niya ang isang kahoy at lumapit sakin habang mahigpit ang hawak dito.

END OF CHAPTER 10.

THANKS FOR READING!

VOTE AND COMMENT <3

Never Cry MurderWhere stories live. Discover now