Kung sino ang pikon, siya ang talo.


Mike is right, siguradong magiging magulo ang election. After a decade, maglalaban uli ang dalawa sa iisang posisyon. My father will do everything to win. Lalo na nasa plano nito ang tumakbo bilang senador pag natapos niya ang term niya as Governor. Kaya pinapasok niya sa pulitika si Gio, dahil ayaw bitawan ni Papa ang impluwensiya niya sa lalawigan nang San Diego.


"Kaya kung ano man ang plano mo, simulan mo na dahil ito na ang tamang panahon to strike. The enemies will take advantage of it." advise nito.


"Yung hard drive nang security camera, alam mo na ba kung saan nakatago?" sa lahat ng ebidensiya na panghahawakan ko, iyun ang pinaka mahalaga. Oras na mapapasa-akin yun, the governor can't escape from the clutch of justice.


"Hindi pa, sa tingin ko he has a secret safe where he keep all his important documents." He's rubbing his chin na parang nag iisip ito.


"Keep looking, 'yun ang pinakamahalaga sa akin. Without it, I can't go forward."

Binalik ko ang mg papeles sa loob ng envelope, pag aaralan ko ang mga ito oras na makarating ako nang bahay. Binuksan ko ang dalang bag at kinuha ang isang makapal na sobre na naglalaman ng pera at inabot kay Mike.

"Thanks Mike, magkita uli tayo dito sa susunod na buwan, same time. Please no text or emails, all our communication should be untraceable. I don't want your name to be linked to me once sumabog ang lahat nang mga ito, my father will not hesitate to kill you oras na malaman niya na ikaw ang espiya ko sa loob."

"No worries Cass." Binuksan nito ang sobre at sinilip ang laman, napa-angat ang kilay ko nang sinara niya ito na hindi na binilang ang pera. "By the way, may ginawa ka na bang hakbang sa kumakalat na mga larawan mo sa internet?"

"That's the least of my problem right now." pagwawalang bahala ko.

My nude pictures are going rounds in the internet and in all social media. My father came to know of my scandal that he came all the way here in Manila para ipatikim lang sa akin ang galit niya.

Isang malaking kahihiyan sa isang gobernador na nakabalandra ang hubad na larawan ng kanyang anak sa internet for everyone to see.

"As long as it angers my father, I will do nothing. Besides, I'm not affected dahil obyus naman na pinatong lang ang ulo ko sa isang porn star."

Hindi ko man aminin, naging palaisipan din sa akin kung sino ang taong nasa likod nang nagpapakalat na larawan ko. Wala akong alam na may taong galit sa akin para siraan ako sa social media.

I shrugged my shoulder. Marami na akong pinagdaanan sa buhay to be affected by this juvenile act.

"May kakilala akong isang IT expert, he's out of the country pero pagbalik niya, I will ask him to trace the source kung kanino nagmula ang mga larawan mo."

"Please do Mike and thanks again." binuksan ko ang pinto nang sasakyan para lumabas pero hinawakan ako sa siko ni Mike.

"Take care Cass. I don't ask but I know you have your reason. Kung kelangan mo nang tulong ko sa ibang bagay, please don't hesitate to ask me."

Napangiti ako sa sinabi ni Mike, I was touched by his sincerity. Although he did it for money, alam niya rin ang malaking risk na kaakibat nito oras na mabisto ang ginagawa niya.

Sleeping With My Enemy (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon