Pinagmasdan ni Saint si Thea habang buo ang tuon nito sa kalsada. Kahit ganon ang distansya nila, iniisip niyang hindi niya ito maaabot ng higit pa sa pakikipagkaibigan at marahil ang mga kagaya ni Lucifer ang nababagay dito, sa ngayon. He hopes that she can wait for him because he will wait for the time that he will succeed.

Si Thea ang nagturo sa kanya ng mangarap at si Thea na rin ang kanyang naging pangarap na hihintayin niyang mangyari.

--

Thea

"Sino ang crush mo, Saint?" Lumapit si Thea sa dito.

Sinubukan niyang maging matapang kahit nanginginig na ang labi niya. Valentine's Day iyon kaya punong-puno ng puso ang buong school. Para naman siyang matatae.

Hawak niya ang inihandang love letter para sa matalik na kaibigan. Sinuportahan siya ng kanyang Daddy at tinulungan pa siya nitong gumawa ng love letter. They were in Grade 12.

Tiningnan siya ni Saint at ang hawak na sulat. Tumaas ang kilay nito ng bahagya pagkatapos ay tumingin sa isang puno imbes na sa kanya. 

Ano ba yan sana naging puno ka na lang, Thea! Pero nang mapagtanto niya ang tinitingnan ni Saint ay nasagot ang tanong niya.

Naroon si Samantha.

"S-si Samantha pa rin ang crush mo?" Unti-unting gumuho ang kanyang pakiramdam, noong Grade 6 sila, si Samantha ang inilagay ni Saint sa slambook na pilit niyang pinasagutan kay Saint. 

Mabilis niyang ibinulsa ang sulat na hawak niya. Akala niya kasi gusto rin siya ni Saint kaya magtatapat na sana siya ng feelings. Lagi kasi nitong binubuhat ang bag niya saka ginagawan ng assignments...

Pinigilan niyang maluha. Nako ha! Ang landi niyang bata!

Sabi na nga ba hindi totoo ang love love na yan! Sign na rin siguro ng universe ito para pigilan siya sa pagsasalita dahil baka lalong mawala si Saint sa kanyang tabi at pandirihan pa siya.

"Oo." Pagkatapos ng mahabang katahimikan ay nagsalita si Saint. "Hindi pa rin nagbabago ang crush ko."

Ngumiti siya ng pilit, "O? Bakit wala kang bulaklak?! Ikaw talaga Santo, ako lagi ang gumagawa ng paraan! Dali bili tayo sa labas tapos ibigay natin!"

"Huwag na, Thea. Sayang ang pera."

"Bakit naman masasayang? Ako naman ang bibili!"

"Hindi ba pera rin naman iyong pambibili mo? Masasayang pa rin."

"Gusto ng mga babae ang bulaklak! Basta! Gusto kong bumili!"

"Tsk." 

Masama ang tingin sa kanya ni Saint habang nagsusulat siya sa card ng nabili nilang bulaklak. Naroon pa sila sa maliit na stall sa labas ng campus.

'I love you, Sam. Love, S—'

"Secret admirer. Secret admirer ang ilagay mo." She nodded her head and write as Saint pleased.

Natigilan siya nang makita si Saint na nag-aabot ng pera doon sa binilhan niya ng bulaklak kapalit ng rose. One-stemmed rose lang iyon at iyon ang pinakamura.

"Halika na." Anyaya ni Saint nang matapos na siya sa pagsusulat.

Tumango siya at sabay silang naglakad. Inaamoy niya pa ang bulaklak na ibibigay nila kay Sam ng patago.

"Ito na lang ang amuyin mo." Itinapat ni Saint ang isang pirasong bulaklak na binili nito kanina. Sumimangot siya.

"Ang sama mo naman! Hindi ko naman uubusin ang amoy nitong para kay Sam..." Umirap siya pero kinuha ang isang pirasong bulaklak na iyon. She smelled it and somehow, it smelled different. It has a stronger smell which she likes. Paano nangyari iyon?

Temptation Island: Broken TiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon