Chapter IX : Right Move? Wrong Move...

Mulai dari awal
                                    

Mga alas nuebe na ako bumaba para maghapunan. Itinaon ko sa oras na alam kong nasa silid na si Luke at marahil ay nagpapahinga na.

"Akala namin pati po kayo Ms. Icay ay hindi kakain", kwento ni Camilla habang tinutulungan akong maghain.

"Ganun ba. Bakit si Luke hindi rin kumain?", tanong ko sa dalagita.

"Naku eh hindi pa po bumabalik simula kaninang inihatid kayo sa casa. Sige po kung may kailangan pa kayo nasa silid lang ako." Paalam ni Camilla.

"Okay lang. Kaya ko na ito. Salamat Camilla."  
Saan kaya nagpunta si Luke?

Tss Veronica Lagman wag masyadong concern.. Napa iling ako sa pagsuway ko sa sarili.

Matapos kumain ay iniligpit ang pinagkainan at nagtungo sa silid.

Naglinis ako ng katawan at nagbihis ng paborito kong pantulog. Kulay pastel green na semi panjama at tank top na yellow.

Sabi sa akin ni Sanie na good color brings good vibes.

May ilang buwan na rin na panay dark colors ang suot ko. Siniguro ni Sanie na in good color ang dadalhin kong mga damit sa trip na ito.

Malapit ng maglakbay ang diwa ko sa dreamland nang makarinig ako ng kaluskos sa may veranda.

Automatic na dumilat ang mga mata ko.

Ano ba yan. Ano naman kaya ang ingay na yon.

Bumangon ako at binuksan ang slidding door na namamagitan sa silid at veranda. After nung encounter ko kay Luke sa silid ay sinisiguro kong nakasara ito dahil baka maulit na naman ang naganap ng gabing iyon.

Sisilip sana ako sa paligid ng may kung anong tumama sa noo ko.

"Shoot!" Ouch! Ang sakit niyon ah.

Hinanap ko kung anuman ang tumama sa akin. Maya-maya meron na namang nagmumula kung saan ang tumama sa balikat ko.

Aha! Huli ka..Pebble?!

Swerte at nakailag ako sa pangatlo sanang bato na tatama sa akin. Aba..aba sino bang nagbabato nito.

Dumungaw ako sa ibaba ng veranda at namangha sa nakita.

Si Luke, palinga-linga at aakmang babato na naman.

"Pssst.. Hoy!" Tawag ko sa kanya.

Gulat ang rumehistro sa maamo niyang mukha.

"Gising ka?" Tanong niya sa akin. Nahihiya siyang napangiti.

Aba malamang! Naisip ko. Maiinis sana ako kung hindi lang sa ngiting iyon e.

"Anong kailangan mo Luke. Alas diyes na... Wag mo sabihing hindi ka makatulog at kailangan mo ng kausap?" Nakapameywang kong sabi sa kanya.

"Oo sana..." Sabi niya sabay ngiti. Doon ko lang napansin ang hawak niyang bote ng wine.

"Magigising ang lahat kung maguusap tayo habang nandito ako itaas at nandiyan ka sa ibaba.." Panghihikayat ko sa kanya na ipagpaliban na lamang ang paguusap.

"Teka.."

Makaraan ng ilang sandali ay may dala ng hagdan na gawa sa kawayan si Luke. Inihilig niya ito sa may tabi at sumenyas na bumaba ako.

"Hah? No." Kunot noo kong sinabi.

Haha patawa rin minsan itong lalaking ito. Matapos niya akong gamiting pampaselos sa ex niya kanina, ngayon naman iistorbohin niya ang pagtulog ko para makipag kwentuhan.

"Hurry..please" pagmamadali ni Luke.

Ako naman naiinis pero heto pababa na ng hagdan.

"Eto na. Eto na nagmama~"

PAK! Nalagpasan ko ang isang baytang kaya hulog ang peg ko.

Akala ko lalagapak ako sa sahig pero lumagapak ako kay Luke. Naisip ko wrong move ata na bumaba ako at nagpauto sa paanyaya ng lalaking ito o right move na nalaglag ako para makalapit ng ganito kay Luke.

Psshh Veronica! Ayan ka na naman sa mga indecent thoughts mo.

"Ay sorry Luke." Sa totoo lang nakakatunaw siyang tumingin. Yong tipong tumatagos sa kaluluwa ng tao.

"Ano ba yan lasing ka na agad. Hindi ka pa nga umiinom" Natatawang pahayag nito.

E nakakalasing kaya yang mga tingin at pasulyap-sulyap mo.

"Asa. Tara na. Ano bang pagkukwentuhan natin?" Balik ko sa kanya.

Itinuro ni Luke ang sasakyan niya. Naka puwesto ito sa daan papunta ng beach pero madilim na ang bahaging iyon dahil hindi na naabutan ng ilaw mula sa casa.

Bukas ang headlights. Sapat para gabayan ako kung saan ang daan.

Sasakay na sana ako ng tawagin ni Luke.

"Anong gagawin mo diyan? Tara dito" namamanghang tanong niya.

Nagtungo ako sa kinatatayuan ni Luke.

Nanlamig ang buo kong katawan sa nakita.

Puro comforter at unan ang laman ang likod ng pick up.

Pinagpawisan ako ng malamig nang ilagay ni Luke ang magkabilang kamay niya sa bawat balikat ko.

Oh no wrong move.

Fix You Miss No GoodTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang