93

7 1 0
                                    

"Nanayyy!" Mabilis na tumakbo si Sem sa loob ng bahay ng makababa kami ng sasakyan.

"Careful, love!" Sigaw ni Tim ng sabay kaming mag lakad papasok.

"Oh? Andito na pala kayo. Halina at kumain muna kayo." Pag aaya ni mama sa amin. Tumango na lang kami ni Tim bago dumiretso sa kusina. Hayy! How I missed this house?.

_

Natapos na kaming kumain habang ako at si mama ay naiwan muna sa lamesa.

"Anak bumalik na kayo dito. Tumigil ka na 'rin sa pag tatrabaho." Pamimilit ni mama kaya agad akong napa yuko.

"Ma, hindi pwede. Alam mo namang ayokong umasa sayo, nagawa ko nga noon 'e."

"Don't make this so difficult for me, love... please?"

Naawa ako kay mama. Seeing her like this was stab on my chest. Isa pa, nahihirapan na 'rin naman talaga ako sa set up namin ng anak ko...kaya lang ayokong umasa na naman ako kay mama.

"Sige ma.................. Babalik na kami ni Sem dito pero itutuloy ko pa 'rin ang pag tatrabaho." bahagyang ngumiti si mama. I give her a small smile.

"Okay, sige pero hindi mo na dadalhin si Sem sa school at sa trabaho." desididong aniya. Hindi na ako nagulat na sasabihin ni mama ito. Pumayag na din ako na sa ipaalaga na lang si Sem sa iba. Mababantayan ko pa rin naman siya.


After that mother and daughter talk, iniwan muna namin si Sem kay mama. Ang plano ko nga kasi ay mag laba pero ang nangyari ay heto kami ni Timothy at nag liligpit na ng mga gamit namin ng anak ko, babalik na talaga kami sa bahay ni mama.


"Mabuti naman at pumayag ka?" Kaswal na tanong ni Timothy sa akin habang nag tutupi siya ng damit ni Sem.

"Mapilit si mama 'e....At saka naisip ko din na mapapadali kahit papano ang buhay ko doon. Tulad ngayon, hindi ko na siya kailangan dalhin sa school at sa trabaho kasi may kinuha na si mama na mag aalaga sa kanya." Mahabang sagot ko habang inaayos ko ang mga gamit ni Sem sa maleta.


Tumango na lang siya at nag patuloy sa ginagawa kaya ganon na rin ang ginawa ko.


"Thank you, Tim 'ah?" Pag papasalamat ko habang diretso akong nakatingin sa kanya. Ang gwapo naman ng taga ligpit ng damit ni Sem. Bahagya akong natawa sa ideyang iyon. Kumunot ang noo niya sa akin kaya umiling ako.

"For what? And what was that smile?"  He asked cluelessly.

"Thank you for being always here by my side....for everything." I smiled.

Agad siyang lumapit sa akin at ginulo ang buhok ko bago niya pinatakan ng halik ang ulo ko.

"Maliit na bagay," he whispered. "Anything for my princesses." He added. Tumingala ako sa kanya at pinaningkitan ko siya. Princesses?

"Princesses?" tanong ko. Hindi yun ang tawag niya sa akin dati.

"Hmm...yeah? May sasabihin pa'la ako sa'yo since you opened this topic." Nag iwas siya ng tingin at bahagyang sumersyoso ang mukha.

"Ano? Naka buntis ka?! 'Yan na nga 'ba ang sinasabi ko sayo Tim 'e! Wag mo kasi masyadong galingan sa pag tira para di maka buo!" Eskahaderang usal ko. Nangunot ang noo niya bago umiling kaya nakalma ako.

"OA mo ms. Mera!" Pinindot niya ang ilong ko kaya sinamaan ko siya ng tingin.


"I'm sorry...I know, sinabi ko sayo na hihintayin kita kahit gaano pa katagal pero......wala na 'e." Malungkot siyang ngumiti sa akin. Nalilito ako pero may idea na ako sa sinasabi niya. Hindi na niya ako mahal.


"Gusto ko ikaw lang pero noon na lang yun, Ast. I already met someone who can love me back. I already had someone who will choose me, no matter what. " Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko pero isa lang ang sigurado ako. Tuwa ang unang nadama ko. Pero bakit ganito ang nararamdaman ko? Bakit parang malungkot ang isang parte ko? Is it possible na mahal ko na siya? No way! Hindi mo pwedeng ipagkait ang kaligayahan niya Astrid.



"Congrats! I'm happy for you!" Niyakap ko siya ng mahigpit. Nararamdaman kong dahan dahan niyang ipinatong ang ulo niya sa balikat ko at bahagya na itong nababasa.


"Hsuhshshh. Stop crying," bulong ko.

"Why do I feel like I cheated on you?" He asked like a kid.

"No, you didn't of course. Wala kang pananagutan sa amin kaya palayain mo ang sarili mo." Diretsong sabi ko.


Matapos kaming mag dramahan ay isinakay na namin sa kotse niya ang mga gamit dahil kaunti lang naman ito bago ako nag paalam sa land lady. Dumiretso na kami agad sa bahay.

"Mommy are we shaying here for good? Bulol na tanong ng anak ko. Natawa ako sa reaksyon niya.

"Staying Sem." Pag tatama ni Tim sa kanya na natatawa na din.

"Daddy! Why are you fafing?!" Pikon na tanong ni Sem kay Tim kaya agad na naitikom ni Tim ang bibig niya.

"I'm not, baby. I'm just correcting you. You know pretty girls?" Sem was rolling her eyes already. "They talk straight so if you can't talk straightly then what are you?" Napapikit na lang ako kay Timothy. Jusme! Kaya lumalaking suplada 'yan si Sem 'e.

"I'm not ugly, daddy! I want to be your kamukha." Sem pouted. Pigil ang tawa ni Tim habang nang aasar akong tinignan. I rolled my eyes on him. Feeling mo naman anak mo 'yan? Ang sarap sabihin sa pag mumukha niya.


Dito na rin kumain si Tim ng lunch pero ng makatulog na si Sem ay umuwi na rin siya at may gagawin pa daw siya. Ako naman ay nag simula ng mag laba habang si mama ay pumunta ng office.


Naninibago pa 'rin ako na dito na ulit ako naka tira sa malaking bahay na ito. Agh! How I miss this feeling.

-

Months had pass so fast. I am now a grad-waiting Senior High School. I can't explain the feeling.

Nasa school kami ngayon para kunin ang toga at invitation namin.

"Saan kayo mag aaral?" tanong ni Antoneth sa amin habang nilalaro ni Zion ang buhok niya.

"FEU!" agad na sagot ko.

"USTe" Benedict answered seriously.
Ito na naman po siya sa serious mode pero atleast mas madaldal na.

"ADAMSON" sagot naman ni Drew na halatang excited.

"ADU kasi andon si bebe ko, 'lam nyo na." Bahagya siyang natawa sa sarili niya habang kami ay sabay sabay na umirap.


"UST 'din." -Jonnas.

"USTe!" Proud na sagot ni Rio.

"UP Diliman" kaswal na sagot ni Tim.

              

"SLU" boring na sagot ni Draniel.

"FLORIDA" malungkot na sagot ni Zion.
            

"FEU" -Antoneth


"DLSU" -Nathalie



"Mag kakahiwa-hiwalay na pala talaga tayo." madramang saad ni Rio.


"Drama ka 'te? Ampota ka Ri, 'di bagay sayo!" Nandidiring sabi ni Nathalie kay Rio.



"Bakit ba ang init ng ulo mo saken lagi Nat? Inaapi-api nyo ako porket ako ang pinaka gwapo at sexy sa kanilang lahat." paawang aniya na may pahawak pa sa dibdib sabay nguso.




"Tangina mo! Umalis ka nga ditong bakla ka!" binatukan siya ni Jonnas.


"Pakyu bente! Mas bakla ka sakin!" ganti naman ni Rio habang hinihimas ang batok niya na hinampas ng pinsan ko.



Napangiti na lang ako ng malungkot, mami-miss ko sila panigurado. Ang mga simpleng usap namin na ganito ay sobrang halaga na sa akin. Friends that for keeps.




___

Our Classroom Princess 2Where stories live. Discover now