"Aria," I said in a crack voice. Pakiramdam ko, nadurog ang puso ko. Hindi ganito ang gusto ko. Kahit minsan, hindi ko ginusto ang makalimutan ako ng babaeng mahal ko.

"Fire, bakit ka ba umiiyak?! Jusme naman, tama na nga ito!" she said. I widened my eyes when she called my name.

"Aria, totoo bang hindi mo ako kilala?! Bakit mo ako tinawag sa pangalan ko?!" I asked. Humigpit pa ang pagkakahawak ko sa kamay niya.

"Ay ang bongga! Hindi mo naman siguro iniisip na bingi ako, 'di ba? Narinig kong tinawag ka kanina ni Thea. He called you by your name kaya alam kong Fire ang pangalan mo. Pero seryoso, ano bang dinadrama mo diyan? Magkakilala ba tayo? Bakit hindi kita maalala? May utang ba ako sa'yo, ha? Magkano? Nako! Wala pa naman akong pera dito!" she said. Nanatili akong nakatitig sa kaniya habang kinakagat niya ang dulo ng index finger niya as if thinking about something.

"Teka nga lang, saan ba kita nakilala? Ngayon lang kasi talaga kita nakita." Tumayo ako at saka ko siya niyakap. Hindi ko maipaliwanag 'yong sakit na nararamdaman ko sa mga oras na 'to.

"Nako ito ka na naman e! Bakit ka ba nangyayakap ha? Baka mamaya, isipin nila na may relasyon tayo. Aba naman! Baka mamatay tayo niyan!" she said. Sinubukan niyang alisin ang pagkakayakap ko sa kaniya but I hugged her more tightly as I feel my tears that started running on my face.

"Just let me hug you, Aria," I said. Halata sa boses ko na umiiyak ako. Kahit ayaw kong makita niya na nasasaktan ako, hindi ko pa rin mapigilan. As if my eyes have their own way to ease this pain that my heart is feeling.

"Fire, okay ka lang ba?" she asked. I can feel that she's hugging me back and that makes me to cry harder.

"Hala! Nakakaloka! Umiiyak ka?! Jusko! Ano ba talagang nangyayari, ha? Baka makatulong ako. May nang-away ba sa'yo? Pinagalitan ka ba ng ibang teachers natin dito? Ano? Sabihin mo sa akin. Anong nangyayari? Ha?" she muttered while rubbing my back. I closed my eyes as I started to remember everything we've been through. Lahat-lahat.

Mula sa unang pagkakataon na nabangga niya ako, hanggang sa nag-away kaming dalawa at napunta sa maze.

Until the first time that I have felt something towards her. Something that made me fall so hard. So hard that even if it's forbidden, I still pushed it through. I have pushed it through until it broke both of our hearts. Broken hearts that have bled because of so much pain. Pain that have led into forgetting.

"Umiiyak ako kasi hindi na ako maalala ng babaeng mahal ko," I started.

"Umiiyak ako kasi sobrang sakit na sa isang iglap lang, hindi na niya maalala kung sino ako. Hindi na niya maalala na ako 'yong mahal niya," I said. Niyayakap ko siya nang sobrang higpit kasi pakiramdam ko, kapag bumitaw ako, tuluyan na siyang mawawala sa akin.

"Umiiyak ako kasi kahit anong gawin ko, I will never be remembered anymore by the one that I've never wished to forget me. Masakit, Aria. Sobra ang sakit." I burried my face on her shoulder as I keep on crying. Hindi ko na napansin na nababasa na ang balikat niya sa pag-iyak ko. What I wanted to do right now is to let her know how I bleed because of so much pain. I want to let her feel that the one I am talking about is no one else but her.

"Fire, bakit gano'n?" she asked. Kumalas siya sa pagkakayakap sa akin saka niya hinawakan ang mukha ko at pinunasan ang luha ko.

"Bakit ako nasasaktan?" she confusely asked. Nakita ko ang mga luha na any minute ay babagsak na mula sa mga mata niya.

"Bakit ang sakit na makita kang umiiyak?" This time, tears started to fall from her eyes. Just like what she's doing, I cupped her face and wiped her tears.

"Bakit pakiramdam ko, nadudurog ang puso ko kasi alam kong nasasaktan ka?" Ipinikit niya ang mga mata niya noong pinagdikit niya ang noo naming dalawa.

"Bakit pakiramdam ko, mahalaga ka sa akin at hindi ito ang unang pagkakataon na nakita kita?" she asked. I stared at her for how many minutes. Gusto kong kabisaduhin ang itsura ng mukha niya. Mula sa matangos niyang ilong, medyo makapal niyang labi, at ang mga mata niya na tila isang salamin sa magandang pagkatao niya. Ayaw kong may makalimutan na kahit ano tungkol kay Aria.

Elemental Kingdoms: The Rule Breakers (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon