"Magandang gabi po, Mr. Park. Sinamahan ko lang po sila." Itinuro naman nito ang mag-inang kasama niya.

"Linda?" Saad niya nang makilala ang babae.

"Magandang gabi sayo, JinYoung." Bati naman ng babae sa kanya.

"Kaytagal na rin nung huli tayong nagkita. Masaya ako na nakita kita ulit ngayon." Ani Mr. Park.

"Ito na siguro ang kapatid ni Jeongyeon. Magkahawig silang dalawa."

"Tama ka riyan. Para nga silang kambal."

"Magkakilala kayo, Dad?" Tanong ni Mina.

"Ah.... Oo. Noon pa nung wala pa kaming pamilya. Nag-aaral pa lang kami nung mga panahong yun."

"Parang instant reunion pala ang nangyaring ito?" Ani Sana.

"Parang ganun na nga, tama ka. Si Nayeon at Jeongyeon, wala pa ba?" Tanong naman ni Mr. Park sa mga anak.

"Wala pa po, Dad. Baka mag-oovertime yun ngayon." Sagot naman ni Dahyun.

"Imposible naman. Wala siyang sinabi sa akin tungkol sa mga projects niya ngayon. Ang bodyguards naman na naka-assign sa kanila, wala pang balita sa akin."

"Sir, nakahanda na po ang hapunan." Balita naman ng isang kasambahay.

"Wag na muna nating isipin yun. Baka mamaya ay uuwi na rin ang mga yun. Halina kayo. Linda, samahan niyo na kaming maghapunan." Alok naman ng lalaki.

-Time Skipped-

Tapos na silang kumain pero hindi pa rin sila umaalis sa hapag-kainan. Naisipan nilang mag-usap-usap muna sandali bago magpahinga. At ang tatlong bisita naman ay uuwi.

"Nabanggit ni Jeongyeon na dito na kayo ulit titira. Maayos naman ba ang tinutuluyan niyo?" -Mr. Park

"Maayos naman kami. Maraming Salamat sa pag-aalala." -Ina ni Jeongyeon.

"Okay lang. Ano pa't naging magkaibigan tayo." Ani Mr. Park habang nakangiti.

Ang mga anak at kasama naman nila ay may ibang topic rin.

"N-nagkabalikan na daw kayo ni Dennis (JY's Dad)?"

"O-oo. Doon na rin kami sa bahay niya nakatira ngayon."

"Ganun ba?"

"Ahm.... Saan ang banyo niyo dito? Pwedeng nakigamit sandali?" Tanong naman ng Ginang sa lalaki.

"Sige. Diretsuhin mo lang itong pasilyo, tapos ikalawang pinto ay yung sa girls restroom."

"Sige. Salamat."

"Sandali, pasasamahan na kita kay Manang. Manang!!"

"W-wag na. Kaya ko na."

"Sigurado ka?"

"Oo."

Inalalayan naman ng lalaki ang ginang sa pagtayo nang matabig naman ng babae ang basong ginamit niya at nabasag ito.

Napahawak naman sa dibdib ang ginang matapos ang nangyari.

Napalingon naman sa gawi nila ang mga kasama.

"Okay ka lang, Ma?" Ani Ryujin.

"Ito po tubig, Auntie." -Sana

"Okay ka lang? Umupo ka muna." -Mr. Park

"Hindi ko alam pero.... bigla na lang akong nakaramdam ng kaba. At.... si Jeongyeon agad ang naisip ko. Hindi kaya may nangyari na sa kanilang masama?" Nag-aalalang tanong naman ng Ginang.

"Wag ka nang mag-alala, tatawagan ko sila para makasigurado. Di ba, pupunta ka pa sa banyo? Manang, pakisamahan niyo na po siya." -Mr. Park

"Wag na. Nangibabaw na sa akin ngayon ang kaba. Pwedeng pakitawagan na sila. Baka kung ano na ang nangyari sa kanila wala man lang tayong ideya dito." Ina ni Jeongyeon.

"Susubukan ko pong tawagan si Jeongyeon, Sir." Presinta naman ni Daniel.

"Sige, Salamat." -Mr. Park

"Ako na po kay Noona, Dad." Aniya naman ni Dahyun na tinanguan naman ni Mr. Park.

"Nagri-ring lang yung phone ni Jeong." Saad naman ni Daniel.

"Ganun rin kay Noona." Segunda naman ni Dahyun.

Kinuha naman ni Mr. Park ang cellphone niya at akmang tatawagan na ang naka-assign na bodyguard sa anak nang ito na mismo ang tumatawag sa kanya.

"Hello? Nandiyan pa ba kayo sa office? Bakit--

"Sir, nalooban po kami. Kinuha po sina Ms. Nayeon nung mga lalaking nasagupa namin." Balita naman ng lalaki sa kabilang linya dahilan para di n natuloy pa ang sasabihin ni Mr. Park.

"Si Jeongyeon nasaan?"

Ilang segundong natahimik ang lalaki at rinig sa kabilang linya ang pagdating ng iba niyang kasama.

"Sir, wala po dito si Jeongyeon. Kanina po, nagpaalam siya na dadalaw sa pamilya niya. Wala pa po akong balita sa kanya."

"Nakita niyo na?" Tanong naman ng lalaki sa mga kasama niya.

"Wala talaga. Ang sabi ng guard sa ground floor, bumalik daw si Jeongyeon ilang oras bago matapos ng office hours. Matapos nun, hindi na sila nakitang lumabas." Sagot ng kasama.

"Wala ba kayong nakitang kahina-hinala nung mga oras na yun?" Tanong ni Mr. Park sa lalaki.

"Wala po, Sir."

"Sige, hanapin niyo sila. Balitaan niyo na lang ako."

Matapos maibaba ang tawag, lumapit naman sa kanya ang kasambahay.

"Sir, May tawag po kayo sa telepono."

"Sino daw?"

"Hindi po sinabi pero hawak niya raw po si Ms. Nayeon."

"Bwisit!"

Fix Our Future (2yeon Fanfic) Completed Where stories live. Discover now