"Bitawan niyo ko!!!" Sigaw muli ni Jeongyeon sa mga may-hawak sa kanya.

"Itali niyo rin siya kasama ng babaeng yan. Aalis na muna ako. Kayo na bahala sa kanilang dalawa." Utos naman ng Ama niya.

Para itong bingi na hindi man lang siya pinakinggan kahit na ilang beses na siyang sinisigawan ng binata. Dire-diretso lang itong lumabas sa lugar na yun na parang walang pakialam.

~~

"Sir, nandiyan na po ba si Jeongyeon? Kaibigan niya po ako. Kasama ko po ang Mama niya. Gusto siyang makita." Tanong ni Daniel sa Guard na nagbabantay sa gate ng bahay ng mga Park.

"Ay! Sorry po, Sir. Pero hindi pa po sila nakakauwi ni Ms. Nayeon. Kanina pa po dapat sila umuwi pero baka nag-overtime lang." Sagot naman ng gwardiya.

"Ah ganun po ba? Sige, mauna na po kami. Salamat sa impormasyon." Tugon naman ni Daniel sa guwardiya.

"Ano raw, Hyung?" Tanong naman ni Ryujin sa lalaki nang makabalik na sa sasakyan.

"Hindi pa raw nakakauwi sina Jeongyeon kasama nung Amo niyang si Ms. Nayeon. Baka nag-overtime daw." -Daniel

Hindi pa sila nakakaalis nang lumabas naman si Dahyun at tinanong sila.

"Kayo ba ang pamilya ni Jeongyeon?" -Dahyun

"Opo, Sir. Bakit po?" Sagot naman ng Ina.

"Baka late na po makauwi silang dalawa ni Noona. Kung wala po kayong ibang pupuntahan, pwede po kayong pumasok sa loob. Kilala niyo na rin po siguro ang mga kapatid ko. Gusto ko rin po kayong makilala." -Dahyun

"Naku, Sir. Nakakahiya naman po. Ang totoo po niyan, mamasyal dapat kami at isasama sana namin si Jeongyeon. Kaso nga ito, hindi siya pwede." Ina ni Jeongyeon.

"Naku wag po kayong mahiya, Auntie. Kaibigan ko po ang anak niyo. Kaya wag po kayong mag-alala. At saka, Dahyun na lang po ang itawag niyo sa akin." Aniya ni Dahyun dito.

"Ma, sige na po. Gusto ko pong makita sina Noona. Mas lalo na po si Sana-noona. Ang saya niya po kasing kausap eh." -Ryujin

"Sige na nga."

~~

"Sorry, Nayeonie." Aniya ni Jeongyeon na nakatali sa likod ng haligi kung saan din siya nakatali.

"Naiintindihan ko na. Wag kang mag-sorry. Wala ka namang kasalanan. Kung sino man ang dapat na humingi ng tawad dito, yung Papa mo yun. Pero imposible namang gawin niya yun eh. Mukhang desidido na siya sa ginagawa niyang ito." -Nayeon

"Kahit na. Sorry pa rin. Dahil..... di ako nagsabi sayo." -Jeongyeon

"Okay na saakin yun. Ngayon, nagkakabunyagan na rin naman ng mga sekreto, may iba ka pa bang tinatago sa akin?" -Nayeon

"Bakit? Ikaw ba meron pa? Maliban sa....  nararamdaman mo sa akin?" -Jeongyeon

"Uhm..... Hindi ko alam. Ikaw?" -Nayeon

"Meron. Tantiya ko..... siguro.... dalawa ang sekreto ko na hindi mo pa nalalaman. Yung isa may connect saatin, yung isa..... family related na somehow may connect rin sa atin." -Jeongyeon

"Unahin mo yung about sa family." -Nayeon

"About sa triplets, kilala mo ba kung sino ang tunay nilang magulang?" -Jeongyeon

"Anak sila nung namatay na pinsan ni Dad. Pero yung Ama nila, walang sinabi si Dad saamin." -Nayeon

Huminga muna ng malalim si Jeongyeon bago muling magsalita.

"Bakit? Kilala mo?" -Nayeon

"Oo. Kasi..... Half-sisters ko sila. Anak sila nung lalaking kasama natin kanina dito. Siya ang Papa ko. Ang taong nag-iwan saamin." -Jeongyeon

"A-ano?! Imposible." -Nayeon

"Kahit hindi ko nakikita ang hitsura mo ngayon, paniguradong ganyan din ang magiging reaksyon ng triplets kapag nalaman nila ito. Ang tungkol sa Ama nila." -Jeongyeon

"Tama ka." -Nayeon

"Mas lalo pa nilang kasusuklaman ang Papa namin..... kapag nalaman nila na siya rin ang dahilan kaya naging ulila sila ngayon. Kung hindi lang dahil kay Mr. Park, hindi nila mararanasan ang kung anong meron sila ngayon." Dugtong pa niya.

"Alam na ba ito ni Dad? Ang tungkol sayo?" -Nayeon

"Oo." Sagot naman ni Jeongyeon.

Ang sumunod ay katahimikan. Na binasag din ni Jeongyeon s isang tanong.

"Natahimik ka? Ayaw mo bang malaman, kung ano ang pangalawa kong sekreto?"

"Oum! Ano ba yun?"

'
'
'
'
'
"Bumalik na ako, Tokki-ya (Bunny). Hindi mo ba ako naaalala? Tinupad ko na ang pangako ko na babalik ako dito." -Jeongyeon

"T-tokki? Wag mong sabihing...?" -Nayeon

"Joeyeyo, Tajo-ya (It's me, Ostrich)." -Jeongyeon

Fix Our Future (2yeon Fanfic) Completed Where stories live. Discover now