Kinapa ng kutsara niya ang plato para hanapin ang pagkain. Nang maisubo niya ito ay unti-onti siyang ngumiti.

"Wow, adobo! Salamat, Liza! Paborito ko ito!"

Natuwa ako at nagustuhan niya. Masayang-masaya siya habang kumakain. Nag kukuwento ng mga nangyari sa kaniya buong araw.

"Alam mo ba, sabi ng doctor ay p'wede pa raw akong makakita!" masaya niyang kwento.

Nagulat ako at naiiyak na. "T-talaga?"

Pati siya ay naiiyak na rin. "Oo, sobrang saya ko kanina kasi akala ko talaga ay wala nang pag-asa ang mga mata ko."

"Sabi sa'yo, eh! Basta maniwala ka lang, kaya 'yan!"

"Gusto ko makita mukha mo, Liza," sabi niya.

Ngumiti ako. "Hayaan mo, hintayin mo lang ng onti at makakakita ka na ng magandang dilag," biro ko.

"Anong mga kayabangan 'yan, huh?" biglang singit ni 'Nay Vina na kararating lang.

"'Nay naman! Aatakihin ako sa puso!" reklamo ni Amara.

Lumapit naman si 'Nay Vina upang humalik sa pisngi ni Amara. Nag-bless naman ako sa kaniya.

"Kaawan ka," aniya. "Apo, mukhang masarap 'yang pagkain niyo, ah?"

"Dala ni Liza, 'Nay,"

"Talaga? Naku, salamat, 'nak," baling niya sa akin.

"Si Nanay naman, parang others!" biro ko na ikinatawa nilang dalawa. "Kain ka na, 'Nay."

Umiling siya. "Gusto ko man ngunit ako'y busog na. Napilit ako kumain sa handaan at may dala pa nga ako."

Nakita ko naman na may dala-dala siyang plastic na may mga pagkain.

"May cake riyan, chocolate, paborito niyong dalawa."

Bumungisngis si Amara at umabot hanggang tainga ang ngiti ko.

"The best ka talaga, 'Nay! Love you!" ani Amara.

"Medyo puma-plastic ka na, apo," biro ni Nanay.

Natawa kaming dalawa ni Amara.

"Mana sa akin, 'Nay," ani ko.

"Mukha nga," gatong niya. "O siya, ako'y mag papahinga na at maaga pa ako bukas. Kayong dalawa na ang bahala rito."

Nag-good night naman kami sa kaniya. Pumunta na siyang kwarto para matulog. Maliit lang ang bahay na ito. Magka rugtong ang sala at kusina. May iisang kwarto kung saan kami natutulog.

Sa loob na apat na taong naririto ako sa Laguna, dito ako napadpad.

Sobrang swerte ko at napunta ako sa kanila. Kung hindi ay baka...

"Liza, p'wede ba patulong ako rito?" tawag sa akin ni Amara.

Lumapit naman ako sa kaniya at tinulungan siyang mag ligpit ng mga pinag kainan. Nag bihis kasi muna ako dahil naiinitan na ako.

"Gusto mo labas tayo bukas, Amara?" tanong ko habang nag huhugas ako ng mga pinag kainan.

"Talaga?" gulat niyang tanong at mukhang excited.

"Saan mo gusto?"

"Hmm..." nag-iisip niyang saad. "Kahit saan,"

"Okay! Tara na at matulog!" inalalayan ko siyang pumunta sa kwarto at hiniga katabi ni Nanay.

"Wala ka bang pasok bukas?" usisa niya.

"Nag-day off muna ako sa restaurant dahil bibili akong mga gamit ko. Pero papasok ako para mag-cashier bukas kay Mang Tiktik."

Clutch of AfflictionTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang