"Wag mo na silang pansinin." Aya ko kay Tim. Madilim niya akong tinignan at nag igting ang kanyang mga panga.



"No. Hindi tama iyon?" Galit na usal ni Tim.

"All of you.listen!........ It's not her fault!  Bastos siya kaya siya natanggal." sigaw niya. Kita mo ang takot at gulat sa mukha ng karamihan. Habang si Malory naman ay nakangisi lang sa lalaki.


"Seriously Timothy Castro? Pag kaka'lam ko ay hindi ka naman nag sasalita about sa mga binubully. Then what's with you? Her pet?"  Malory is pissing Tim.


"You enough Malory Marforri! You better shut up unless you wanna leave this school?" Matigas na usal ni Tim bago niya ako hinila palabas.



Dumiretso kami sa room at mabuti na lang ay wala na kaming klase. Tim looks so worried about me while I'm eating. I can't eat properly because of his stares.


"You alright?" He asked again. He almost ask me that question 15 times since that encounter.

I just nod and continue eating. Totoong ayos lang ako dahil nasanay na rin naman ako sa mapang husgang mundo. They judged people easily without knowing the story first.




Days went fast and smooth. Sabado ngayon kaya ihahatid ko muna si Sem kay mama dahil nag leave raw siya. Mamayang gabi pa ang duty ko kaya may oras pa kami ni mama para mag usap. Ayos naman na kami.





"Anak ko wag makulit sa nanay ha?" paalala ko kay Sem na handang handa ng umalis.



"Opo mommy!" Excited niyang sabi. Oo, nakakapag salita na siya. She's one year old and five months already. She can even walk.



"Mommy?" She then call me again. I stop from what I am doing to look at her.


"Hmm?"


"I want ice kwimm!" bulol niyang sabi. Natatawa ako sa reaksyon niya na mukhang kinakabahan sa pag papaalam. My cute little Skylar!



"Love, ice cream is not a break fast." Malambing na sabi ko. Jusmee naman! Alas syeti pa lang ng umaga. Maaga ko siyang ihahatid at ng makapag laba ako.




Natawa ako ng ngumuso ang anak ko. Naalala ko nga pala noong buntis pa ako sa kanya, ginagawa ko 'ring agahan ang ice cream.




"Okay, we'll buy ice cream later. Ahm, maybe after lunch. Is it alright?" Pag payag ko. Eh, kasi naman naawa ako sa kanya. Medyo matagal na rin nung huling kain niya ng ice cream. Inubo kasi siya no'n kaya natatakot akong umulit.




Sem just giggled before jumping on me. I smiled as I embrace her. Aww! My stress reliever!




Lumabas na kami ni Sem ng may bumubusina ng sasakyan. It's Timothy for sure.




"Daddyyyy!" Excited niyang tawag ng bumaba si Tim ng sasakyan. Matamis naman ang ngiti ni Tim habang papalapit siya sa amin.



Hanggang ngayon ay nahihiya pa rin ako kay Timothy na tinatawag siyang 'daddy' ni Sem. Hindi naman kasi dapat siya ang tawagin. Ewan ko ba kasi sa anak ko kung bakit nakiki daddy. Mamaya, magalit ang mga babae ni Tim sa kanya pag nalamang may anak siya. Eh hindi niya naman anak si Sem. Ito namang Tim na ito ay konsintidor! Hayaan ko na lang daw si Sem sa gusto niya.


Nag pabuhat agad si Sem kay Tim at agad na humalik si Tim sa pisngi niya.




"Morning Ast!" Bati ni Tim sa akin habang pinag bubuksan kami ng pinto. Nauna akong sumakay bago niya inabot sa akin si Sem at mabilis siyang umikot sa driver's seat.





"Where are you going, mahal ko?" Tim asked Sem calmly. Sem automatically turn her gaze on Tim and smile.




"To nanay!" She answered with full of excitement.



"Behave lang ang mahal ko doon kay nanay, ha?" Malambing na wika ni Tim kay Sem habang nag dadrive. Agad na tumango ang anak ko at nag simulang makialam sa harap ng kotse.




I can't imagine Timothy Castro, the womanizer and cassanova talking to my daughter this soft and calm? OMG!  I really admire him. Kung kaya ko lang talagang patibukin ito para sayo, ginawa ko na...kung hindi lang talaga magiging madaya para sayo, ipipilit ko na.




"What's bothering you? Why so quiet?" Tim talked to me while Sem was busy.



"Nothing. I was just tired,maybe." I lied. I don't want him to know that he's the reason again, that he is the one that I am thinking while I'm with them.




Tama na Astrid! Isang taon na ang nakalipas, ni anino niya wala. Hayaan mo na. Subukan mong mag mahal ulit. There is no harm on trying. Maawa ka sa sarili mo. Baka ikaw na lang ang nakaka kulong sa nakaraan. Baka masaya na siya ngayon, hindi ka man lang niya hinabol at mas lalong 'di 'ka pinaglaban.





___




















Our Classroom Princess 2Where stories live. Discover now