IAR [28]- Green Ryder Loriete

Zacznij od początku
                                    

"Umalis ka diyan, Green!"

Napapikit siya nang masilaw sa sinag ng araw. Kinapa ko ang gamit ng isang paa ang button na nasa ibaba ng stereo. Unti-unting sumasara ang bubong ng kotse.

"Xhai?" bulong ko.

Don't talk to her, you idiot!

Hindi ko dapat siya kausapin kung ganito siya kalapit. Kasi alam kong makakagawa na naman ako ng kasalanan. Tapos kamumuhian niya na naman ako.

"Xhai..."

"Ano na naman ba?" Ibinaling niya paharap ang mukha at tinitigan ako nang masama.

She really hates me!

Kitang-kita 'yon sa paraan nang pagkakatitig niya. Hindi ko nakontrol ang mga matang bumaba ang tingin ko sa kanyang mga labi. Napalunok ako para pigilan ang sarili. Naaalala ko pa rin ang nangyari kahapon, pero mukhang siya hindi naaalala 'yon.

Don't kiss her. Don't ask her. You already knew the answer.

"Do you remember it?" Gusto kong murahin at suntukin ang sarili sa mga oras na 'to.

"Remember what?"

Great. She doesn't remember anything.

Tangina, Ryder. Tumigil ka na nga. Nagmumukha kang tanga.

Muli akong napangisi nang mapakla. Hindi ko talaga maintindihan kung ano'ng meron sa babaeng 'to. She's plain, so simple, naïve and innocent. Wala namang special sa kanya. Yes, she's beautiful. Pero marami pang ibang babae diyan na naghahabol sa 'kin na mas maganda pa.

Kaya hindi ko talaga maintindihan.

Just fuckin' stay away from her, Ryder.

Pero hindi ko naman pwedeng gawin ang bagay na 'yon. Ginawa ko na kasi noon, pero ganito pa rin naman ang nagiging ending, nauuwi sa pagsunod-sunod ko sa kanya at pang-aasar. Normal naman akong tao. Pero hindi ko maintindihan ang sarili at ang mga ginagawa ko.

"Nothing." Binitiwan ko siya at umayos ng upo. Gusto kong ihampas ang ulo sa manibela nang matauhan. Pasimple akong bumuga ng hangin para pakalmahin ang sarili.

Naningkit ang mga mata ko nang matanaw ang dalawang lalaking nakatayo sa gilid ng isang itim na van. May hawak na cellphone ang isa. Ang isa sumulyap sa direksyon namin. Casual lang ang mga kasuotan pero nakakapanghinila ang mga kilos.

"Stay here." Hindi ko na tinapunan ng tingin si Xhaiden. Binuksan ko ang pinto at lumabas ng sasakyan.

Bigla namang naalarma ang dalawang lalaki nang makitang naglalakad ako palapit sa kanila. Ang isa pasimpleng lumayo habang 'yong may hawak ng cellphone... nagdial. Binilisan ko ang lakad. Now, I'm sure they're watching us. Ano'ng kailangan nila?

I need to protect her.

Alam ko na ang kondisyon ni Xhaiden.

That she's obsessed with my brother.

Kanina ko lang nalaman nang kinausap ako ni Mommy Xyria. She told me everything. Nagulat talaga ako. Kaya pala ayaw niyang iwan si Grant. Alam kong hindi dapat kainggitan, pero ba't ganito ang nararamdaman ko?

Na sana sa 'kin na lang siya obsessed?

Tangina kasi. Sa dinami-rami ng tao... bakit kay Grant pa?

Hindi ko alam kung alam ni Grant ang bagay na 'yon, pero ang sabi ni Mommy Xyria sasabihin niya raw kapag lumamig ang sitwasyon. She asked me to take care of her daughter, for a while. She even told me that I'm the one who can handle her in this situation.

In a REALationSHIT (Trese Series #1) - PUBLISHED (PSICOM)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz