Chapter 1

28 1 2
                                    

Ang buhay ko ay isang BAD TIMING. Bakit? Simple. Dahil panget ako. Alam ko naman na parang bula lang ako sa mundo dahil sa panlabas kong anyo. Messy hair, brown eyes, manipis na kilay, pangong ilong, imperfect lips, flat chested, pandak at higit sa lahat madaldal. Hay, bakit kaya ganon? Hindi man lang ako ginising ng nanay ko nung araw na umulan ng kagandahan o kahit ng talent man lang. Hay. Buhay.

***

"Hey miss beautiful" op? Ako ba yung tinutukoy niya?

"A-ako?" Nauutal na paglilinaw ko.

"Huh?" Napataas ang kiay ng lalakeng ito.

"Sabi ko nga. Hindi ako. Amp napahiya tuloy ako" face palm. Halata naman kasi Fantasia! Ambisyosa ka talagang panget ka! Tumalikod na lang ako at napanguya ng bubblegum na kanina pa sa bunganga ko.

*pok*

"Aray!" Napa-upo ako bigla sa field ng natamaan ako ng bola ng basketball.

"Miss ok ka lang?" Tanong nung lalake na tumawag sa akin kanina na miss beautiful-- ay hindi pala. Hindi pala ako yung tinawag nya kanina.

"Sa tingin mo ba? Pssshh" inalalayan niya akong tumayo at sa di namalayan napatitig ako sa mukha niya. Grabe, napakagwapo pala niya. Ang haba ng kanyang pilik-mata tapos ang tangos pa ng ilong. Para siya korean. *dugdug* napahawak ang kanang kamay ko sa puso ko. Ano ba 'tong nararamdaman ko?

Parang ang init ng mukha ko.

"Miss namumula ka----agxdfkvoechcjrocneidoenccowyfkfod"

***

"Oh sige po nurse jhed ako na po ang bahala sa kanya. Tinawagan ko na rin po yung mommy niya at ako na po ang maghahatid sa kanya pagkagising niya" napamulat ako bigla ng marinig ang isang pamilyar na boses.

"Sige Art ikaw na bahala dyan sa bestfriend mo hah. Aalis muna ako wala kasing nakaduty dun sa feild eh"

"Sige po. Salamat Nurse jhed!" Kasabay nito binuksan ni art yung curtain na nagdi-divide ng clinic.

"Oh gising ka na pala ugly duckling" pilyong sabi nito. Kitams, napakapanget ko talaga at pati ang sarili kong bestfriend tinatawag akong ugly duckling. No doubt certified bully/laitero/walang hiya/ walang puso ng bestfriend kong ito. Btw, he's Art Marco Beuñafe ang bestfriend ko sa kasamaang palad.

"Akalain mo yun ugly duckling hah ang bigat mo pala kahit ganyan ka ka payatot" dugtong pa niya. Kitams! Ang sa talaga ng gago na yan.

"Bakit sinabi ko bang buhatin mo ko?" Iritadong tanong ko sa kanya.

"Ala! Ako na nga yung nagligtas sayo tapos ni thank you wala? Tapos galit ka pa?! Wala ka talagang puso!" Maartibg pagmamaktol nito.

"Tss! Eh kung di dahil ba sayo di ako mahihimatay. Kung hindi mo ako hinagisan ng bola siguro nakapanoud pa ako ng football game ni kuya! Tss!" Aakmang baba na sana ako ng bigla akong nahilo ng kaunti mabuti na lang eh adyan si Art at inalalayan ako.

"Eh san ka pupunta?" Tanong nito.

"Halata naman edi uuwi" bigla niya akong binuhat na parang bagong kasal at dahil dito napasigaw ako sa gulat.

"No! Stay there. Tinawagan ko na si tita at sabi ko 4:30 ka uuwi at meron ka pang 10 minutes para magpahinga" minsan, ang caring din pala niya pero di talaga mawawala ang ugali niyang bully.

"At meron pa akong 10 minutes para mag re-charge at mapag handaan ang pagpapainit ng ulo mo" kitams, ang bully niya.

After 10 minutes ginising niya uli ako at isinuot yung sapatos ko. Haha swerte ko din pala ksa kanya kasi may 1/8 pa ng pagiging caring ang meron siya.

Naglakad na kami papunta sa gate ng school ng naaninag ko ang poging mukha nung lalake kanina. WaAah?! O M G!? Ako ba yung tinititigan niya? O M G?! Ang sexy niya habang kumakain ng French Fries. Waaaaaah! *dubdub* shet?! Bakit ganun? Isang beses lang tumitibok ang puso ko sa kanya? Waaaaah?! Ano ba ito?!

"Tumingin ka sa dinadaan Panget. Alam kong nahihiya ka sa pagmumukha mo" bully talaga siya kahit kailan! Huhuhu kelan kaya ako makakaganti sa gagong ito? Pffft.

He Who Love The Ugly Duckling #HWLTUDWhere stories live. Discover now