HANGGANAN

31 2 0
                                    

“HANGGANAN”

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

HANGGANAN

Pahinga bang matatawag
Yung nakahiga ka pero hindi ka naman makahinga ng maluwag?
Pahinga bang matatawag
Yung wala ka namang ginagawa pero paulit-ulit kang binabagabag?

Bakit bawat saya may kapalit na luha?
Hindi ba pwedeng saya lang at wala ng iba?
Hindi ba pwedeng hindi lang hanggang ngayon ang saya,
Kundi hanggang bukas at sa mga susunod pa?

Bakit?.. bakit mo ako sinilungan kung siya naman pala ang tinuturing mong tahanan?
Bakit mo ako hinawakan kung para sa iba ka naman pala lalaban?
Ikaw ang nawalan pero bakit ako ang nasasaktan?
Ako ang dahilan ng pagluha mo pero bakit sa iba ka tumahan?

Ang wagas na kasiyahan bakit biglang nagkaroon ng hangganan?


s o u l s c x n t e n t
09|01|22|TH






My Soul's ContentWhere stories live. Discover now