Chapter 59: Meet.

12 5 0
                                    

**
Jhared's Pov.


"Sir, hindi yata kayo nag aya maglibot sa maghapon ah?" Pagkasabi sakin ni Bert.


Tama nga sya. Nandito lang ako sa green garden ng Resort maghapon. Nakatulala, anlayo ng iniisip.

Kita kasi dito lahat sa taas. Parang coffee shop to na yung venue parang rooftop lang. Tas may railings lang na harang kaya kita mo sa baba.

"Sir, iniisip nyo parin ba yung babae?" Pagtatanong lang nya ulit.

Tumango lang ako.


Hindi ko talaga sya makalimutan.
Sigurado ako na si Emery yon.
Hindi ako pwede magkamali.


Sya yung nakita ko sa side mirror nung isang araw, yung pauwi na kami galing sa Plantation.
Malakas yung kutob kong sya yung humabol samin. Kahit saglit ko lang nakita, sigurado ako.

"Pero Sir, sinabi nyo rin sakin na hindi mo kilala yung kasamang lalaki na nakita mo ng malinaw. Baka naman iba talaga?" Paliwanag nya ulit sakin.

"Hindi, Bert. Malakas talaga yung kutob kong si Emery talaga yon. Sigurado ako." Sagot ko.

Pero naguguluhan talaga ko. Kung si Emery nga yon, sino naman yung lalaki? Imposibleng si Elizer, kilala ko sya. Hindi talaga pamilyar sakin yung lalaki na mismong nakita ko ng malinaw.


Emery...
Bakit ba ikaw nalang lagi?


"Sir. Alam ko na. Alam kong gulong-gulo yung isip nyo ngayon, kaya naman bukas. Yung gulo sa isip mo. Itatanim mo na yan!" Nakangiting sagot ni Bert.

Ininom ko na muna yung black coffee ko saka sumagot.
"Anong gagawin ko? Saan?". Tanong ko.


Naguluhan lang talaga ko sa sinabi nya.

"Basta, Sir! Malalaman mo din. Ang gawin mo nalang ngayon... Tigilan yang kaka-kape at piliting itulog na yan! Nakakadami ka na ng kape ha! Mula kanina puro ka ganyan." Tumatawa nyang sagot.

Nakadami na nga pala ko ng kape.
Di ko namalayan kakaisip sa babae na humabol sa kotse ko.


***

"Sir. Gising na! May pupuntahan pa tayo."

Nagising naman ako kay Bert. Kaaga-aga pa, inaantok pa ko. Kailangan ba talaga maagang oras?


"Maya-maya naman konti, Bert." Sagot ko lang ng mahina.


"Sir, maganda pag umaga. Para maabutan natin yung pag buka ng bulaklak. Bilissss na Sir! Gagayak ka pa." Inugoy ugoy naman nya yung paa ko para tuluyan na ko dumilat at tumayo.


Sa kulit ba naman ng lalaking to. Papasakan ko na ng maraming pagkain yang bunganga mo, pag di ka pa tumigil! =_____=

"Oo na! Tatayo na! Handaan mo na muna ko ng pagkain." Utos ko sakanya.


"Sir naman! Hindi nyo ko katulong dito, tour guide lang. Tsaka yung pagkain, marami dun!" Sagot nya.

Oo na nga. Ano pa ba magagawa ko :3


Tumayo na ko tsaka nag diretso sa restroom.

The Last Chance: Wishing Side (HIATUS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon