Chapter 51: Change.

6 5 0
                                    

**


Emery's Pov.


*Yaaaaaaaaawn*

"Oh. Inaantok kana? Naayos ko na yung gamit don sa kwarto, magpahinga ka muna." Pagkasabi sakin ni Kuya.

"Mabuti pa nga Honey. Lalabas muna kami para bumili ng grocery dito. Maiwan muna kayo dyan ha. Yung gamot! Wag kalimutan." Pagkasabi ni Mom habang may inaayos sa bag nya.

"Yes Mom." Pagkasabi ko nyan lumabas na sila.


Nandito kami ngayon sa unit ni Kuya Cg. Walang may alam dito kahit sila Liane kaya pinili ni Kuya na ilipat ako dito. Habang lumilimot pa ko dito din ako mag papagaling.


Si Clash naman si ate Happy na daw muna bahala. Pero dadalawin ko naman sya, paminsan nga lang.

At hanggang ngayon wala parin silang sinasabi tungkol sa sakit ko.


"Emery. Bakit hindi ka pa nag papahinga? May problema ba?"
Napatingin ako sakanya at ngiti lang ang ibinungad niya.

"Kuya. Wag kang mawawala ha?" Sa sinabi kong yan kusa nanaman nagkaron ng Falls sa mga mata't pisngi ko.

Hinaplos lang nya ang luha ko at ngumiti lang uli sakin.

Masasanay na ko na laging ngiti nalang ang tinutugon nya.

"Hinding-hindi ako aalis Emery. Wag kang mag alala. Babawian natin sila sa ginawa nila sayo. Wag ka ng umiyak, di ba sinabi ko na sayo." Pagkasabi nya nyan niyakap ko lang sya.

Iniangat ko na uli ang ulo ko at  pinunasan ang sarili kong luha.


"Kuya... Gusto ko ng pumasok. Gusto ko ako unang babawi sakanila." Pagkasabi ko nyan nag fade yung ngiti sa mukha ni Kuya. Pag aalala. Napuno ng pag aalala yung mukha nya.


Ibang Emery. Ibang-iba. Sa ginawa nila. Ako na mismo gagawa ng paraan para maka bawi ako sa binigay nilang sakit.

**

Jhared's Pov.

"Jharen, kailan mo ba plano lumabas at magpakita na kila Mommy?! Naka buong magdamag ka na dito." Pagkakasabi ko kay Jharen.


Ewan ko ba at kung anong tumakbo sa isip nya at kunyare tumakas. Pero dito naman sa kwarto ko nagtatago.

"Pssssshhh. Kuya naman! Wag muna, please. May sasabihin kasi ako sayo." Pagkasabi nya non napa bangon naman ako sa pagkakahiga ko.

Ano nanaman kayang kadaldalan ang iku-kwento nito?


"Ano ba yon? Bilis. Para matuwa ako sayo. Nang makalabas ka na din dito at mabawasan na ang kahibangang ginagawa mo." Sa sinabi kong yon napa takip naman sya ng ilong.

Ano nanaman? =______=


"Kuya. Kalalim ah. Ka---kahubangan? Ano kabingihan? Ano nabubulol ako kuya?." Natawa naman ako sa sinabi nya. Bata palang kadami ng gusto malaman.


"Wala. E ano ba kasi yung gusto mong sabihin?"

Tumabi naman sya sakin sa kama ko at nilapag yung kanina nyang hawak na Ipad.

The Last Chance: Wishing Side (HIATUS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon