Napailing si Isiah sa nakita. Mukhang nahulaan nya ang ibig sabihin ng mga gestures ni Zeq.

Nang makaalis ang dalawa ay naiwan ang tatlo.

"You are unbelievable" ani Isiah at ngumiti ng nakakaloko

Tumingin si Zeq at nagtagis ang bagang nito na sinamaan siya ng tingin. Imbes na magsalita ay iniwanan nya ang dalawa

Naka kunot ang noo ni Rebecca at disappointed dahil naiwan nanaman siya.

"I'd better go, mom" humalik ito sa pisngi ni Rebecca

"Pati ba naman ikaw, iiwan mo rin ako?"

"Because I have some errands to do" aniya

Tumango na lang si Rebecca.

Dumating na sila. Wala silang makitang mga ka meeting.

"Sir" may inabot na envelop ang isang staff ng restaurant

May emergency ang kameeting nya kaya pina resched na lang nya ito. As a compensation ay may special dinner sitting siya.

Inilapag ng mga staff ang mga special dish nila.

Namamangha si Tata sa nakikita. Natatakam ito sa mga iyon.

"Well, let's enjoy the foods" alok ni Armando

"Talaga po?" hindi pa ito makapaniwala

Tumango si Armando. "Have a seat"aniya

Inalalayan pa siyang umupo.

Natuwa siya sa ginawa ni Armando. Para siyang Prinsesa na pinagsilbihan.

Kitang kita sa mga mata niya ang pananabik ng sipatin nya ang mga yun.

Nahihiya itong kumuha.

"Com'on... Enjoy this buffet. Alam kung hectic ang sched mo the whole day."

Tumango si Tata. Gaya ng sinabi ni Armando. Eneenjoy na nga nya. Kain dito, kain doon. Ang saya saya nya habang ninanamnam ang bawat kagat.

" Ha ha ha hindi ko alam na malakas ka kumain, you have a slim body" ani Armando

"Hindi ko nga po alam sir, wala naman po sa bokabularyo ko ang  diet. Madalas nakaka tatlong rice ako pero hindi ako tumataba" masayang kwento mito

"Nakakatuwa ka naman. Siguro kung ako yan, baka ngayon kasing taba ko na si Majimbo" pagbibiro ni Armando

"Ha ha ha ha"

Natawa silang dalawa sa biro nito

"Kilala nyo si Majimbo, sir?" kahit puno bibig ay salita ito ng salita pa rin

Tumango si Armando.

"Yan ang madalas na panoorin ng kambal noong maliliit pa sila. Napapanood ako kasi tuwang tuwa sila at kapag may tanong sila, aba dapat may maisagot ako. Lalo na si Zeq, kapag siya ang nagtanong at hindi mo nasagot. Iiyak agad siya"

"iyakin pala si sir Zeq?" hindi siya makapaniwala

"Oo, sa kanilang dalawa, si Zeq ang iyakin. Laging gusto nya ang nasusunod, samantalang si Isiah kung ano yung ibinigay sa kanya wala siyang reklamo."

"may pagka Dominante si sir Zeq samantalagang si sir Isiah ay   submissive. Total opposite sa isa't isa" pagkatapos niyang sabihin iyon ay agad siyang nahinto dahil sa mga sinabi nya

Natawa ng bahagya si Armado. "Halos lahat ganyan ang puna sa kambal. Magkaiba ang ugali nilang dalawa pero sobrang magkasundo sila noong mga bata sila. Nagbago ang lahat ng mahiwalay sila sa isa't isa. Now, I'm at a loss as to what to do with them. They're becoming aggressive, like a tiger ready to attàck their prey. And Rebecca is not fulfilling her role as a mother to them" isang mahabang paghinga ang ginawa ni Armando

"Maswerte pa rin sila because they have you po. (napa yuko ito at biglang lumungkot ang ekpresyon ng kanyang mukha) Madals naitatanong ko sa sarili ko, ano kaya pakiramdam ng may tatay. Yung maghahatid sa akin sa school. Yung bibilhan nya ako ng sorbetes tuwing uwian. Masaya siguro yun" napangiti siya habang sinasambit ang mga salitang yun

Napaisip si Armando at mataman na ponagmasdan ito.

Nang tumingin si Tata sa kanya ay agad siyang nag iba ng mood.  Ngumiti ito na para bang nakikisimpatiya sa nararamdaman ng dalaga.

"Hindi ba si Abel Dioniso ang tatay mo?"

Umiling si Tata. "Hindi po, wala rin siyang ganap sa buhay ko" diretsahan niyang sabi.

"Kaya pala"

Nagtatakang tumingin si Tata.

"Wala, may bigla lang akong naisip. Kain lang. Maaga at tyaka uubusin natin tong lahat" pag iiba ng usapan ni Armando.

Pass 10pm na sila natapos.

Hinatid na rin siya ni sir Armando.

" Salamat po sa pagkain at sa paghatid sir Armando" magiliw niyang pagpapasalamat.

Paalis na ang sasakyan. Nakatingin si Armando sa tinutuluyan ni Tata. "Mabuti na siguro na malayo ka sa lalaking yun. Rebecca sana ay mali ako ng iniisip." aniya habang pinagmamasdan na papasok si Tata

Pagpasok niya sa bahay si Tata ng makita niya si Ben. Naka maywang ito ar seryoso ang mukha

"Ngayon naman yung tatay. Baka maissue ka sa trabaho mo" pagsita ni Ben

"Haaaayst. Hinatid lang ako ni sir, walang malisya yun no. Tyaka para ko na siyang tatay. Ang bait nya at ang gaan gaan ng loob ko sa kanya." napangiti na lang siya habang sinasambit ang huling salita.

"Tsk. Ayokong maging kontrabida Tata ha, paalala lang. Huwag masyadong maging palagay ang loob sa kanila. Minsan marami ang ganyan pero may kapalit" ani Ben

"Haaaayt tunay na mabait si sir no. Kung makilala mo lang siya tyaka mapapanga ka sa kanya." giit ni Tata

"Haaay ewan ko sayo. Pero kapag sinaktan ka. Sabi ko sayo buong barangay ang makakaaway nila."

The cold Mr. CeoWhere stories live. Discover now