IX

182 6 6
                                    

"HUWAG maingay do'n, Eunbby ha!"

Pang doseng paalala ni Mama simula nang magpaalam kami ni Clyve kanina na ro'n kami matutulog sa bahay nila Lola.

"Clyve, huwag magkalat do'n ha! Baka mag-ingay kayo ro'n ng Ate mo, uuwi talaga kayo ng 'di oras!" Pang thirteen.

"Opo," Clyve and I, lazily said.

"Eunbby, i-lock mo ng maagi ang pinto at bintana! Huwag kayong mag-iingay ng kapatid mo ro'n." Pang fourteen.

"'Yung gate, huwag kalimutang isara, ha? Eunbby, Clyve, mga bilin ko ha. Iniintindi nyo ba?" Pang fifteen.

"Ma! Kanina pa, aalis na nga kami oh." Para namang napakalayo ng bahay nila Lola. E, natatanaw nga rito ang gate nila e.

"Nagpapaalala lang ako, Eunbby. Sige na, huwag maingay do'n ha." Sixteenth.

Pagkarating palang namin sa bahay nila Lola ay pumwesto na agad ang kapatid ko sa tabi ng Wifi para maglaro. Ano pa ba? Kaya pumayag 'yan na samahan ako rito dahil makakapag puyat sya sa ML nya.

Me? I have a valid reason. I have a lots of homework to do. I need to finish those until today, yes today! Magpupuyat ako, yes. Dahil bukas na ang deadline.

Nagpaalam din si Aiana na hindi sya makakapag online ng ilang days dahil nilimitahan sya ng parents nya mag social media dahil bumaba ang grades nya last sem. Kaya wala akong dapat gawin ngayon kun'di ang mag-aral ng mabuti.

"Huwag ka r'yan, tanga!"

"Bobo, sabi nang huwag dyan e!"

"Hintayin nyo 'ko, tangina lag! Sandali!"

"Ambobo! Bakit ka sumugod mag-isa, bobo!"

Huminga ako ng malalim at mariing napapikit nang marinig ko ang sunod-sunod na sigaw ng kapatid ko. Akala mo, may ka-gyerahan sa cellphone e!

"Hoy, huwag ka ngang maingay! Susumbong kita kay Mama!" Inis na banta ko sa kanya but he didn't even glance at me.

Sobrang seryoso sa nilalaro nya. Sinamaan ko sya ng tingin kahit hindi nya nakikita ska padabog na kinuha ang gamit ko. Lumipat ako sa labas para hindi na marinig ang ingay nya, sumbong ko talaga 'yan kay Mama bukas.

Buti nalang at may maliit na table dito sa labas at maliwanag ang ilaw kaya makakapag-aral pa rin ako.

Sinulyapan ko ang bahay nila Ryezen, bukas pa ang ilanh bintana nila pero sarado na ang pintuan. Alas diyes na rin ng gabi, siguro tulog na sya.

Sinimulan ko nang mag-research for my homeworks para matapos ako ng mas maaga.

"Meow!"

"Ay, anak ka ni Ryezen!" Gulat na sigaw ko nang may biglang tumalon na pusa sa ibabaw ng lamesa ko. "Mawie, alis dyan!" Ang pusa lang pala nila Lola.

"Meow," Hindi sya sumunod, dinilaan pa ang ilong ko. "Meow,"

"Oo, alam kong maganda 'ko, Mawie."

"Meow!"

"Oo na, alam ko na ngang maganda ko, wala na bang iba?" Talking to a cat, yes it's a normal thing for me.

"Meow! Meow!" Napangiwi ako nang bigla nya 'kong kalmutin sa pisngi. Buti at tinanggalan sya ng kuko kaya hindi masakit.

"Mawie!" Saway ko. "Gusto mo bang gawin kitang Siopao, ha!?"

Nagsalubong ang kilay nito at kinagat ang research paper ko bago mabilis na bumaba sa lamesa at tumakbo.

"Hoy, Mawie! Hoy!" Tawag ko sa kanya. Natatarantang hinabol ko, oh my god! That's my research paper!

"Mawie, stop! Ibalik mo sa'kin 'yan!" Tawag ko pa habang naghahabulan kami, sobrang bilis nya at nadudumihan na rin ang research paper ko.

Hanggang sa makalabas na kami ng gate ay patuloy parin syang nagpapahabol. Lumilingon-lingon pa sa'kin na parang ini-enjoy nya ang ginagawa.

Siapao ka talaga sa'kin bukas!

Napatigil lang ako nang tumakbo sya patungo sa pintuan nila Ryezen. Napalunok ako nang tumigil na si Mawie dahil bumukas ang pinto sa harapan nya.

At gano'n nalang ang pagbilis ng tibok ng puso ko nang magtagpo ang mga mata namin. Oemji! Destiny na ba talaga 'to? Pangalawang beses na kaming nagkaka-encounter ngayong araw!

Sya ang unang pumutol sa titigan session namin, bumaba ang tingin nya kay Mawie kaya bumaba rin ang tingin ko ro'n.

Sa puntong 'yon ay parang dumaloy lahat ng dugo papunta sa ulo ko, nawala lahat ng pinaghirapan ko. Kasalukuyang umiihi si Mawie sa research paper ko na nasa ilalim nya habang nakatingala kay Ryezen.

"Mawie!"

MY GRANDMOTHER'S NEIGHBOR [COMPLETED]Where stories live. Discover now