VI

191 9 12
                                    


TO: 🍆 Aiana

Only love can hurt like this.

Binigay ko naman lahat, ah?

Kulang pa rin?

Mahal na mahal ko naman siya.

I did nothing but to love him.

But i guess my love wasn't enough.

I wasn't enough.

It's either nagkulang ako o sadyang 'di lang siya nakuntento.

I clicked the send botton and placed my phone on the side table. Wala lang, kunyare LQ kami ni Shawty and I'm broken hearted, ba't ba? There's nothing wrong if I imagine our future.

Aiana will just laugh at that, surely. Sanay na kaming maglabasan ng mga kabaliwan sa isa't-isa.

I just finished my homeworks when I decided to took a bath. After that, I lazily disposed myself to my bed. Ready to sleep, I heard the door opened.

It was Clyve. Mabilis akong bumangon, bahagya pa syang nagulat nang makita akong gising.

"Anong kailangan mo, ha?"

"Pahiram ballpen 'te," Kumakamot sa ulong sabi nya.

I squinted my eyes on him. "Nag-aaral ka, wala kang ballpen?"

"Edi 'wag!" Masungit na sagot nya ska pasimple akong sinamaan ng tingin. Akmang lalabas na pero agad ko syang pinigilan nang may maalala.

"Woy, joke lang!" Kinuha ko ang extrang ballpen ko sa bag at binigay sa kanya.

Mabilis nya namang kinuha 'yon at lumabas, hindi manlang nagpasalamat.

Tumayo ako at sinundan sya sa kwarto nya, magkatabi lang ang kwarto namin. Hindi na 'ko kumatok, hindi uso 'yon sa'min.

Kumunot ang noo nya at natigil sa ginagawang module.  Staring at me, asking. Inilibot ko ang tingin sa kwarto nya bago umupo sa gilid ng higaan nyang si Spider man pa ang bedsheet.

"Sabay kayong bumili no'ng anak ng kapitbahay nila lola kanina, ha?" I turned to him, teasingly. "Crush mo 'yon 'no?" I accused out of the blue.

I was pertaining to Shawty's younger sister. Nakita ko silang sabay bumili sa tindahan nila Aling bebang kanina.

Marahas syang suminghap bago sumagot, "Hindi 'no! Do'n ka nga 'te!" Pagtataboy nya.

But I insist, "Yie, crush mo 'yon no? Nakita ko kayo, sabay kayong bumili!"

"Porket sabay bumili, crush ko na agad? Sabay din naman kayong bumili ni Mang Dodong, ibig sabihin crush ka na rin no'n?" Nanlaki ang mga mata ko ska mahina syang binatukan. "Mama, si Ate oh!"

"Kadiri! Ano ba, iba naman 'yon." Iw. Just iw. "Bakit parang ayaw mo ro'n sa anak ng kapitbahay nila Lola? Maganda naman sya ha. Ano nga ulit pangalan no'n?"

"Riah," Tinatamad nyang sagot habang nakatuon sa mga modules nya, akala mo talaga nag-aaral ng mabuti e.

"Riah?" I slowly nodded, "'Diba may kapatid 'yung lalaki?"

"Oo,"

"Ano nga ulit pangalan no'n?" Oh my god! This is it. I'm gonna know his name!

Saglit syang napatigil, hindi ko pinahalatang excited akong malaman. "Sino ro'n? Dalawa 'yung kuya nya."

Oh.. I didn't know.. Shawty has a brother? What if do'n nalang ako? Baka may chance. Joke.

"Uhm, 'yung may buhok, may mata, ska may ilong din sya! Oh, right, he has also lips!"

"Mama! Si Ate, nanggugulo!" Malakas nyang sigaw.

Bad for him, nasa labas si Mama.

"Joke lang, parang tanga 'to." I awkwardly laughed. "'Yung medyo singkit? Tapos matangkad, maputi. Medyo payat pero mukhang healthy naman sya. Lagi ko rin syang nakikitang nagwawalis sa labas ng bahay nila tapos maamo ang mukha nya!"

Tumuon sya sa'kin, nakakunot ang noo na para bang sini-sink in sa utak nya ang mga sinabi ko.

That's the time that I realized how insane I was. Grabeng bibig 'yan self, hindi ba ma-control?

Alaganin akong tumayo ska maglalakad na sana palabas dahil sa kahihiyan nang magsalita sya.

"Si kuya Ryezen?"

MY GRANDMOTHER'S NEIGHBOR [COMPLETED]Where stories live. Discover now