II

255 8 14
                                    


"EUNBBY, aalis na tayo, bilisan mo!"

Mama shouted outside my room. I look at myself in the mirror one more before leaving. I'm wearing a simple plain black crop top and fitted high maong jeans.

We're going to San Juan. Where my Mama works. Wala kasi syang kasama ro'n sa bahay na 'yon for the meantime kaya sinama nya muna 'ko for 3 days. Well, it's fine naman for me dahil may wifi ro'n. The problem is.. Shawty will miss me.

Haha. Halfjoke. I wish.

Binilinan pa ni Mama si Clyve sa mga dapat gawin sa bahay habang wala kami. Si Papa ay nasa work pa but he knew that we're leaving.

Nang makalabas sa bahay ay pumara na si Mama ng sidecar which is the small three wheel car na sasakyan namin papunta sa kanto dahil medyo far 'yon sa'min.

Nang makasakay kami ni Mama ay bigla kong naramdamang may parang nakatingin sa'kin, when I turned around my heart skipped a beat as our eyes crossed each other.. But he was the one who cut it immediately. He looked away before continued walking like he saw nothing.

Napakurap-kurap ako kasabay nang pag-andar ng sidecar. Papunta sya sa tindahan at mukhang may bibilhin. Naka black t-shirt din sya, omg! We're same shirt colors!

"Eunbby, maputol 'yang leeg mo."

Umayos na 'ko ng upo habang tinatago ang kilig, I just made myself busy with my phone until we got home, to my Mom's work to be exact.

It's like a mansion. All we need to do is to take care of the house hold cores na hindi naman masyadong mahirap. Pagkatapos kong tulungan si Mama ay hinatid nya na 'ko sa room na pwede kong tulugan.

I took a bath and dried my hair using the towel that Mama gave me. Ini-stock ko muna ang towel sa ulo ko habang nakapaikot ito bago sumandal sa headboard ng maliit na kama, sakto lang for me.

"Anong ginagawa nyo r'yan?" Aiana asked after I told her that we're here in San Juan.

"Sinama ko ni Mama rito, 3 days kami. Wala kase syang kasama e. Umuwi ng province 'yung dapat na kasama nya." I explained while fixing my stuffs out of my small bag.

Inayos ko na rin muna ang pagkakasandal ng Phone sa side table para 'di dumulas.

"Oh.. E, anong balita kay Shawty?" Her eyes sparkled, she chewed, eating.

Napangiti naman ako bago sumagot sa tanong nya. "Ayon, we both saw each other kanina! Tas alam mo te, same color ng damit namin! Oh my god!"

"Talaga?" She stopped a bit to drink water, done eating. Hindi manlang ako niyayaya. "Tapos ano pang nangyari?"

I pouted. "Wala. We just.. Glance to each other?"

Umirap sya na parang dissapointed."Ano ba 'yan, hindi  manlang ba sya nag good bye kiss sayo? Or good bye hug? Good bye sex wala?"

Literal na nanlaki ang mga mata ko sa huli nyang sinabi mabilis kong tinignan ang pinto, nakahinga ako ng maluwag dahil naka lock 'yon.

"Gaga ka te! Ano ba," I really feel my chicks burning.

She played a playful smirk as if she was forcing herself not to laugh. "Inosente ka?"

I was about to fire back but Mama knocked at door, I quickly ended the video call, nervous.

Kinakabahang bumaba ako ng kama para pagbuksan si Mama, nakahinga ng maluwag nang masiguradong wala syang narinig na.

We both ate dinner. After kong mag-tooth brush ay nahiga na 'ko sa kama. Tatawagan ko pa sana si Aiana pero 'di na sya online, tulog na siguro.

Dahil siguro sa sobrang pagod ay nakatulog agad ako.

Naramdaman kong lumubog ang gilid ng kama ngunit nakapikit pa rin ako.. Unti-unting bumilis ang tibok ng puso ko kasabay nang pagtaas ng balahibo ko sa katawan nang maramdaman ko ang mainit na hininga sa leeg ko.

Gusto kong galawin ang mga kamay ko, gusto kong dumilat pero hindi ko magawa. Mabibigat na ang paghinga ko para na 'kong kakapusin ng hangin sa katawan.

Hanggang sa maramdaman ko ang mainit na dampi ng labi sa noo ko.

"Dream of me, Eunbby."

MY GRANDMOTHER'S NEIGHBOR [COMPLETED]Where stories live. Discover now