Prologue

18.1K 274 6
                                    

5 years later.


Habang papalapit na siya kung nasaan ito ay mas lalo namang bumibigat ang nararamdaman niya.

Kahit pa halos araw-araw ay binibisita niya ang nobya hindi pa rin iyon sapat para maibsan ang pagkamiss niya rito.

Inilagay niya ang dalang bouquet ng white roses sa tabi nito tapos tumabi siya rito.


"Good Morning Angel!" bati niya.


Ngumiti siya saka hinaplos ito.


"I dreamt about you again last night. Magkasama raw tayong nagbabakasyon sa beach. Di ba gusto mong pumunta tayong dalawa roon pero hindi natin magawang makatakas dahil sa sobrang busy sa school at ikaw naman nahihirapan ka ng bumiyahe."


Bigla siyang nakaramdam nang matinding lungkot sa isiping iyon.


Matagal na kasing gusto ni Gabby na makapag-travel silang dalawa nito sa isang beach resort pero hindi nila magawa dahil pinagbawalan na itong magtravel ng malayo.


"I miss you. I miss you so damn much,Gabby...." naluluhang baling pa niya rito.


"Sana hindi ka magsawang pakinggan ako sa lahat ng mga sinasabi ko sayo. I won't get tired of telling you how much I miss you and how much I love you."


Tumingala ulit siya sa langit. Ngayon ay nagbabadya ang unti-unting nangingitim na kalangitan. Looks like it's going to rain.


Kada kita niya sa nobya ay laging umuulan.


"Are you crying for me too,angel?" usal niya.

Journey To Love [Book 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon