Chapter 10

5.7K 131 3
                                    

"Wesley?" Bungad agad niya sa lalaking nakangising kaharap niya ngayon.


Hindi na niya napigilan ang excitement saka niyakap agad niya ito.


"Oh my God! Kumusta ka na?" excited pa rin niyang sabi.


"Charlie!"Naramdaman niya ang mahigpit na pagyakap din sa kanya ni Wesley.Pareho pa silang nagtatawanan habang magkayakap.


Wesley was her ex-boyfriend. Ito ang first boyfriend niya. Matagal naging sila simula noong high school pa lang until first year college siya pero nagkahiwalay rin sila dahil pareho silang na-fall out of love ika-nga. Kahit ganunpaman ay nanatili silang maging magkaibigan. Ang huli niyang alam ay nagpunta ito sa America kasama ng pamilya nito kaya naman hindi niya inaasahang makikita pa niya ito at mas lalong hindi niya inaasahang maalala pa siya nito.


"I missed you,Char!" sabi pa nito matapos nilang magyakapan saka iginiya niya ito papasok sa apartment.


Magkatabi sila ngayong sa sofa. Wala siyang naramdamang pagkailang kahit pa it's been 6 long years bago sila muling nagkita ng dating kasintahan.


Nakita niyang malaki na ang pinagbago nito. Mas lalong naging matikas ito. Syempre andoon pa rin ang gwapong mukha nito na mas lalong pumogi pa dahil siguro sa nahiyang ito roon sa America.


"What brings you here? I mean I thought nasa America ka?" tanong agad niya.


Ngumisi lang ito saka nagkamot ng ulo. He's still the same. Lagi kasi nitong ginagawa iyon kapag nahihiya o dili kaya'y kinakabahan. Nagkakamot ito ng ulo. Weird pero noong in love pa siya rito ay cute ito para sa kanya.


"I only came here for a three months vacation,Char. Nagsisimula na kasing mag-summer roon sa America and I thought since wala na naman kaming pasukan eh bumisita muna rito for 3 months."


"Wow ha? I thought dudugo na ilong ko sa kaka-english." hindi na niya napigilang suntukin ito sa braso. Kahit noon pa man ay ganito na talaga sila ni Wesley. Hindi na nga sila pero yung mga gestures nila noong sila pa ay ginagawa pa rin nila. Pero ngayon ay magkaibigan na lang sila.Weird talaga ng friendship nila.


"Balita ko,big time ka na raw."sabi pa nito na siyang ikinangiwi niya. "I mean sabi ni Beauty na mas sumikat at mas naging kilala na raw ang grupo niyo."


Nagkibit lang siya ng balikat saka tumango.


"You changed though." wika nito. "I mean sa pananmit and your hair. But you are more beautiful than before." ngisi nito saka kinurot ang pisngi niya.


"Aw!" tampal niya sa kamay nito. "Masakit yun ah. Oo na. Mas gumanda na ako ngayon. So ano,mahal mo na ba ulit ako?" joke pa niya rito. Nakita niyang tumawa lang ulit si Wesley.


Actually,biro lang niya talaga iyon. Funny how she could joke about something like that knowing na may past sila pero parang wala na sa kanya iyon.


"You are still the same silly Charlie..." turan pa ng binata. "Buti na lang at finally ay nakontak ko rin ang manager mo. Grabe,nahirapan akong magpaalam. Ang strict." pahayag pa nito.

Journey To Love [Book 2]Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz