Chapter 3

10 0 0
                                    

"George labas tayo mamaya, pangpawala ng stress".

Anyaya sa kanya ng isang kasamahan nila.

Ngumit si George, "hindi ako pwede eh". Sagut niya. Isa pa wala talaga siya budget dahil ang pera naiwan sa kanya na sahud nila noong isang linggo kinuha ng kapatid niya. Meron man siyang pera nagtitipid rin siya baka mawalan pa siya ng trabaho.





"Nako wag na, kayo nalang" sagut ni George sa kanila.

"Bakit naman pre, pinigilan ka ng misis mo? Nako pre wag ka magpa under bisaya diyan. Tingnan mo ako, pagsinabi kong ayoki. Ayoko talaga. Isang salita ko lang" sabi ni Jose na kasamahan nila.



"Hindi naman yan under bisaya pre, wala talaga akong budget kinuha ng kapatid ko" sagut ni George. Bumuntung hininga nalang siya at tumahimik.









-----

Abala si Marie sa paglilinis ng bahay niya dahil sa katatapos lang niya nagluto ng mga ulam na ibebenta niya. Napaikot siya ng tingin sa buong bahay niya, "iba parin kapag may sarili kang bahay" sabi ni Marie sa sarili niya.


Habang tumatakbo ang panahon, nagiging maganda ang takbo ng buhay nila mag asawa dahil narin cguro sa diskarte ni Marie kaya nakapundar sila ng isang pedicab, may motor narin sila.

"Love"

Tawag ni George sa asawa na nag ayos ng gamit nila.

"Bakit love?"

"Yung kasama ko sa trabaho, nagustuhan nila yung niluto mong ulam"  umpisa ni George.

Kumunot ang noo ni Marie sa sinabi ni George. "Mabango raw kaya tinikman nila."  Pinagkaguluhan nga eh.

"Anu? Tapos?" Hindi makapaniwala na sagut ni Marie.


"Oorder daw sila,"  alangan na sabi ni George.

Paano kasi ginawan niya ng beef steak ang asawa, pinabaunan na niya kasi ito sa opisina ang set up bumili siya ng limang lalagyan ng ulam at yun pinabaon niya. Kanin, ulam, dessert at pangmeryenda ng asawa niya. Hindi naman umangal si George dahil tipid rin at masarap din luto ng asawa niya. Kaya nga tumataba na siya ng kaonti.

Napangiti si Marie. "Kung ayaw mo sasabihin ko lang sa kanila bukas na busy ka, wala kang oras" sabi ni George.

"Sige sige, gagawan ko sila pero mas madali manok nalang dahil hindi pa ako nakapagpamalengke" sagut ni Marie.


"Mama"  agad ito pumasok sa kwarto nila.

"Yes baby" agad kinarga ni Marie ang anak nila.

Kinuha naman ni George ang bata. "Sigurado ka love? Baka kasi?" 

"Okay lang love, dagdag naman ito sa income natin" sagut ni Marie.

"Ah cge, sabihin mo kung may maitutulong ako sayo" sagut ni George sa asawa.

"Malapit na mag birthday c baby. May plano ka ba?" Tanung ni Marie sa asawa mag one year na ang anak nila.

"Gusto ko sana maghanda kahit kaunti lang, kahit papano may handa tayo" sagut ni George.

"Pero saan naman tayo gagawa niyan?"  Nag alinlangan si George dahil alam niya ugali ng mga kapatid niya.

"Magrenta nalang tayo ng space, tapos ang mga ulam tayo nalang ang magluluto" sagut ni Marie.

"Ah sige sige" sagut ni George. Kaya nagsimula na naglista si Marie sa mga dapat lulutuin niya. Maliit lang kasi space ng bHay nila sa labas. Well naka organize naman kahit ang kusina niya. Nagpagawa siya ng cabinet para talaga sa mga sctocks niya sa mga paninda niya. At iba ang para sa bahay nila. Hindi naman siya maluho sa gamit ng bahay niya. Kung may makita siya pag iisipan niya muna ng isang linggo baka kasi masayang lang pera niya. Anu na ang mangyayari sa negosyo niya. Isa pa ito ang unang birthday ng anak niya kaya maghanda siya dahil pwede rin sa susunod wala na o tatlong ulam lang ang lulutuin niya.







A Newly LifeWhere stories live. Discover now