Chapter 29

154 10 25
                                    

Chapter 29
Amidst Groveling
raeminiscence | #WDLFUwp

There wasn't much of a difference between the us now and the us then, or at least the us before we broke up. Then and now, both felt like I was loving him from a distance.

When that distance was actualized, it affected me more than I had thought.

It was already real.

Maddox and I really broke up... and it was worse because it was because of me.

I had no idea on how to deal with break-ups because I never had one before. Wala naman talagang guide na makakapagsabi kung paano ka dapat nagko-cope.

Sabi nila, distraction ang pinaka-effective na way. Hindi mo naiisip 'yung sakit at 'yung memoryang lagi mong dala-dala.

Sa'kin, tinunton ko 'yung buong atensyon ko sa mga natitirang tao sa buhay ko.

Maigi pa rin namang nagpapagaling si Papa. Hangga't maaari, ako ang sumasama sa kanya kapag may appointment siya sa PT. Sinusubukan ni Tita Clara na masamahan niya si Papa pero siya na mismo ang umaayaw.

My father would always have bad blood to carry when it came to Tita Clara. They might be in the middle of fixing what's left of their relationship but he would never get rid of his resentment.

It was a tough emotion to delete.

On the brighter side, his recovery was fast and functional after only a few sessions. Naka-crutches pa rin siya paminsan kung lumalabas pero kung nasa bahay lang ay sinasanay na niya ang sarili niya sa paglalakad nang wala 'yun ulit.

His therapist said that in a matter of time, he would be back like how he was weeks ago, like nothing really happened.

Totoo naman 'yun. Unti-unti na siyang bumalik sa dating gawi niya. Bukod sa nagawa na niyang kumilos mag-isa at nang walang gabay, mas masaya na rin siya at mas magaan ang pakiramdam. Nakapagpahinga na kasi siya habang nagpapagaling siya.

As for his work, he'd return in a few weeks. Wala pa siyang nasasabi sa'min kung ano nang balita sa trabaho niya sa bangko pero umalis na siya roon sa bakery. Mahirap daw pagsabayin 'yung dalawang trabaho niya pero sinubukan niyang maghanap ng balanse.

He promised me and Pierce that he would really take it easy on himself this time. If he didn't, we were allowed to harshly reprimand for his actions and he wouldn't take it against us. He wanted to be here for us more now.

Ayaw ko nang umabot sa punto na kailangan na naman namin siyang pagsabihan ulit.

Despite what my father and I had already agreed on weeks prior, I kept my job here at the cafe...

Iilang buwan na lang naman ang natitira sa'kin bago ako gr-um-aduate. Nilubos ko 'yung mga buwan na 'yun bago dumating 'yung panahon na maghahanap na ako ng trabaho na related sa pagsusulat at pamamahagi, 'yung talagang gusto ko.

I loved my first few weeks of stay here. Ilang taon lang din ang tinanda sa'kin ng mga katrabaho ko kaya nakakasundo ko sila at maayos 'yung pamamalakad sa'min ng manager namin. Nanghinayang ako na iwan lang bigla lahat ng 'yun kung wala naman akong nakikitang mali roon.

Besides, this job could be a great first start for me at gaining my own income and spending money that came straight from my pocket. Tulong ko na 'yun sa sarili ko at kila Papa at Pierce.

Sabi ko nga, sa pamilya ko na ibubuhos ang lahat ng atensyon ko. Hindi ko lang agad namalayan noong una na kahit na relasyon naming dalawa lang ni Maddox 'to, apektado rin naman 'yung pamilya namin sa nangyari.

What Destiny Lies for Us (Esperanza Series #1)Where stories live. Discover now