I smiled at him one last time before turning around and walked away.

Binaybay ko ang mahabang lakaran sa loob ng airport para kunin ang mga luggage ko. Pinagsama-sama ko ang mga ito sa limang cart dahil halos lahat ng gamit ko sa condo ay dinala ko. Kapagkuwan may lumapit sa 'kin na dalawang staff na nag-presintang mag-tulak. Nasa akin ang isang cart and the rest is with them.

"Kuya Reiko?" tawag ko sa kanya nang mapansin na naglalagay din siya ng mga luggage sa cart. May kasama siyang maganda, matangkad na pang model ang postura, sexy at maputing babae. Nakasuot ito ng pang flight attendant uniform like Clea. Tumutulong ito sa kanya sa paglalagay ng luggage sa cart.

Napahinto ako gano'n din ang dalawang staff na kasama ko.

Lumingon si Kuya nang marinig niya ang tawag ko. He chuckled at my reaction. Gulat ako syempre, akala ko kasi taga Wiston sila. O baka naman magbabakasyon lang dito.

"You must be curious," he reckoned. 

I nodded.

"Dito ako nakatira, ang buong clan ng Chen, if that's what you want to know," Kuya Reiko stated as if what he said had a deep meaning.

Wala sa sariling napaawang ang labi ko.

Mabilis akong nagpalinga-linga at tumingin sa salamin na naghahati sa mga taong papadating at sasalubong. He's here? Ryo's here? Gago!

Bagama't maingay sa airport ay nangibabaw parin sa aking tainga ang tawa ni Kuya Reiko. Nagtataka akong napatingin sa kanya. "Don't worry, kiddo. He's not here. Ryo's been busy these past few weeks after my sister's wedding. His schedule is hectic kaya alam ko na hindi niya maiisingit ang pagsundo sa akin," aniya.

Mukha namang nagsasabi ng totoo si Kuya kaya tumango na lang ako saka alanganing ngumiti.

"Besides, wala sa bokabolaryo niya ang gano'n. Dapat siya yung sinusundo... boss e," pabulong niyang dagdag.

Kumunot ang noo ko nang sabay tumawa si Kuya Reiko at ang katabi niyang babae, hindi ko kasi narinig ang huling sinabi ni Kuya.

"I'm sorry?"

"Nevermind," sabi lang ni Kuya. "By the way, this is my wife," pagpapakilala ni Kuya sa babaeng kasama.

Nauna itong maglahad ng kamay.

"Hello, po. Mago po."

"Hello, pretty, I'm Tina, short for Christina. Nice to finally meet you," anang sa mahinhin na boses. "So I heard you're Ryo's first kiss?" tanong ni Ate Tina dahilan para mapasapo ako sa batok ko.

Pati ba naman siya? Hindi ba pwedeng 'I'm one of the bridesmaids of Ate Reika?' ang itanong nila sa 'kin? Mag asawa nga sila ni Kuya Reiko!

Tumikhim ako saka bahagyang ngumiti kay Ate Tina. "Yes, po. Ako 'yon." Huhuhu.

"Ano'ng nagustuhan mo do'n e mas malamig pa 'yon sa Antarctica?" she said under her breath, arching a brow at me.

"Ano po?" tanong ko dahil hindi ko na naman narinig.

"May hearing disability ka ba?"

Sa pagkakataon na 'yon ay narinig ko na. I got slightly offended though the way she asked that wasn't insulting at all. Kasalanan ko ba na mahina lang talaga siya mag-salita?

"Wala naman po. Bakit po?"

"Well, get ready, pretty kiddo. Baka next month meron ka na."

"Na ano po?"

"Hearing disability. Naninigaw 'yon!"

"Stop it, Hon. Tinatakot mo ang bata," pigil ni Kuya Reiko, natatawa sa pinag sasabi ng asawa.

Love at First Kiss [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon